Chapter Twenty Six
Taking a deep sighed while staring at nowhere. Bukamliwayway palang pero gising na sya at nakatitig sa kawalan. Napanaginipan nya uli ang isang eksena na iyon at pakiramdam nya katapusan na nya.
Mas niyakap nya ang mga tuhod at hinayaang lipadin ng hangin ang buhok nya.
"Clea?"
Napaangat sya ng tingin at nakita si Harvy sa gilid nya. Mukhang kagigising lang nito.
"May problema ba?"
"Hindi lang ako makatulog na." Sagot nya. Tumayo sya at pinagpagan ang buhangin sa suot na dress.
"Halika, ipagluluto na kita ng almusal."
Humawak sya sa nakalahad na kamay ni Harvy at bumuntong hininga.
"Harvy," tawag nya. "Nanaginip kasi ako kanina, hindi ko alam o hindi ako sigurado pero parang iyon ang rason kung bakit ako naaksidente."
"Sumakit ba ang ulo mo?"
Umiling sya. "Hindi naman. Natakot lang ako."
Hinaplos nito ang buhok nya. "Huwag mong biglain."
Pinaupo na sya ni Harvy bago ito gumalaw para magluto.
"Nga pala, sino si Agatha?"
Napatitig si Harvy sa kanya matapos nyang itanong iyon.
"Siguro may kamukha akong Agatha kaya."
"Baka may kamukha ka lang."
May part time job si Hershey sa kabilang bayan lang ng isla habang si Harvy ay naghanda na para sa pangingisda nito. Naiwan sa bahay kubo si Clea kaya naglinis nalang sya ng mga gamit doon. Sinubukan nyang maghanap ng bagay na makapagpapaalala sa kanya na dito talaga sya nakatira.
Pero nalinis na nya ang lahat, wala naman syang nakita.
Nang matapos ay nagpasya syang magpahinga muna bago naligo. Hinayaan nyang nakalugay ang buhok nya. Inalis na din ang benda sa may ulo nya pero kailangan nya pang linisan ang mga sugat nya sa braso at hita.
Sunod sunod ang katok na narinig nya nang matapos sa ginagawa. Tumayo sya at agad na nilapitan iyon. Upon opening the door, a strong arms embrace her body with a warm hug. Sobrang higpit niyon.
"Tangina gago." May nagsalita sa gilid.
Nagulat sya at tinulak ang lalaking may yakap sa kanya.
"Agatha..." Anito.
"Hindi sya si Agatha." Ani ng lalaking nakausap nya noong isang gabi.
"She's Agatha."
Kumunot ang noo nya na nagpalipat lipat ng tingin sa mga lalaki.
"Hello. Pwede kaming pumasok?" Iyong isang lalaki na matangkad.
"Bakit? Sino ba kayo?"
"I'm Sean Linatoc."
"She won't remember you gago."
"Tumigil ka, Ong!" Isang lalaki uli sa gilid.
Umatras si Clea dahil hindi sya sigurado pero puro lalaki itong nasa labas ng bahay nya. Sasarado na sana nya ang pinto nang iharang nung lalaking blue ang mata iyong braso nya.
Napasinghap sya nang mapatingin sa mata nito.
"S-sino ba kayo?"
"Calm down, Agatha."
"Tatawag ako ng barangay! Sino ba kayo?!"
"Miss Ong, we are here to bring you back."
"Sinong Agatha?! Sinong Miss Ong? Hindi ko kayo kilala!"
BINABASA MO ANG
Island Series: Agatha Christie Ong
RomanceTraditional na sa pamilya ng mga Ong ang arrange marriage, marriage for convenience. Hindi exempted na bunso sya at ang Kuya naman ang sasalo ng lahat. Agatha's father made sure that she will taste this stupid idea also. Being a good daughter, Agath...