Umabot kami ng hanggang 10 dito sa bahay. Wala na rin naman akong nagawa dahil sabi ni Sehun sa'min daw talaga ang bahay.Pero hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ko. Nahuhulog na ako kay Sehun. Sa ganitong mga ginagawa niya parang lalo lang ako natututo sa nararamdaman ko. Na parang bang nawawala yung pagka-slow ko dahil sa ginagawa niya.
Pero mas mabuti na siguro 'yon para hindi ako nababatukan nila Baek. Kawawa lagi ang ulo ko sa mga 'yon eh.
"Luhan, its getting late. Tara, ihahatid na kita sa bahay niyo." Sabi ni Sehun habang inaayos ang mga kalat sa kusina. Kakakain lang kasi namin. Siya nga nagluto eh. Hindi ko nga alam na marunong pala siyang magluto eh.
"Nga pala, Sehun. Kailan ka pa natutong magluto?" Tanong ko habang nakaupo sa sofa sa sala.
"Wala. Sariling sikap. Nagse-search ako sa google."
"Eh teka teka, na-kwento sa'kin ni Kyungsoo wala ka naman daw interes sa ganyan eh. Na ayaw mong gawin yung mga bagay na 'yan."
Tumigil naman siya sa paglilinis tapos lumapit siya sa'kin. Hinawakan niya yung kamay ko. "Alam mo ba kung bakit ko 'to ginagawa?" Kumunot naman noo ko. "Ginagawa ko 'to lahat dahil sa'yo. Yung mga ayaw na ayaw kong gawin dati, ginagawa ko na ngayon. 'Diba nga, sabi ko sa'yo..binago mo 'ko.."
Wala naman akong masabi. Ginawa niya talaga 'to para lang sa'kin? Gano'n na ba talaga siya na-fall sa'kin. Nako, kung ganito araw-araw hindi na malabong mahulog na rin ako sakanya.
Oh Sehun, demonyo ka talaga. Hindi ko alam, ano 'tong ginagawa mo sa'kin? Nakakainis ka.
"Hatid na kita sa bahay niyo. Do'n ka na lang mag-freak out."
"Hoy! Ang feeling mo, ha?"
"Pfft. Buti naman na-gets mo ang ibig kong sabihin do'n. Grabe! Achievement 'yon para sa'yo, Luhan!" Sabi niya tapos pumalakpak pa. Grabe naman. Gano'n ba talaga ako ka-slow?
Nakarating na kami sa bahay namin. Pero until now, hindi pa rin siya umaalis.
"Ano pang hinihintay mo?" Tanong ko.
"Wala. Penge naman akong kiss. Para naman maganda tulog ko mamaya."
Umiling-iling na lang ako. "Nababaliw ka na.."
"Kasalanan mo. Baliw ako sa'yo eh."
Napamura na lang ako sa isip ko. Hindi ba siya titigil? Baka ako ang hindi makatulog nito eh. "Alam mo, umuwi ka na lang."
"Ayoko. Penge muna ng kiss. Kahit sa cheeks lang."
"A.yo.ko. Sige na, bye. Goodnight. Sweetdreams." Sabi ko tapos nag-wave na sakanya.
Habang papasok na ako sa bahay narinig ko ang pag-cuss niya. Tapos pinaharurot na niya ang sasakyan niya. Pfft, nakakatawa talaga siya kahit kailan. Napaka-childish. 'Di lang nabigyan ng kiss eh.
Meron pa namang bukasㅡeh? Teka, wala akong sinabi. Joke lang 'yan.
"Gabi na, ha?" Napakunot noo ko. Boses ni Kuya Henry 'yon, ha? Pumunta ako sa sala at nakita kong nando'n nga siya.
"KUYAAAA!" Para akong bata na lumapit sakanya at yumakap.
"Bakit parang lumiliit ka lalo, bunso?" Humiwalay naman ako sa yakap.
"Tumatangkad ka lang kasi." Sabi ko tapos nag-pout.
"Just kidding, bunso. Nga pala, sino naghatid sa'yo? Tsaka bakit ka ginabi ng uwi?"
Napakamot naman ako sa batok ko. "Foundation day po kasi namin. Tapos yung naghatid sa'kin, kaibigan ko lang po.."
"Eh bakit nawawala si Toby? Sabi ni Mama Lucia, ginamit mo daw 'yon kanina."

BINABASA MO ANG
He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)
FanfictionI'll do everything just to make this devil be an angel. [boyxboy story] @-deerqueen