Nagising ako. Nasa isang pamilyar akong kwarto. Inikot-ikot ko ang paningin ko hanggang sa makita ko ang isang frame na nasa side table ng kama.Nasa kwarto pala ako ni Sehun.
Napahiga ulit ako. Naalala ko ang nangyari sa'min ni Sehun. Hindi ko akalain na siya ang makakauna sa'kin. Well, wala namang masama do'n dahil boyfriend ko siya.
Pero pa'no kungㅡaish. Weh? Para namang mabubuntis ka, Luhan. Asa ka. Lalaki ka pa rin oy.
Pero sabi ni Sehun, uso daw MPREG ngayon. Eh? Bakit parang 'di ko naman alam 'yon. Tch. Kung sabagay, may sapagka-manyak 'to si Sehun eh. Updated sa mga gano'ng bagay.
"Luhannie.."
Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ng Sehunnie ko. Meron siyang dala-dalang pagkain.
Ngumiti ako sakanya. "Hi Sehunnie.."
Pagtapos niyang ilapag 'yon sa mini table. Tumabi siya sa'kin at niyakap ako. "Masakit pa ba?"
Dahan-dahan naman akong tumango. Kinurot ko ilong niya. "Ikaw kasi eh. Bigla-bigla kang pumasok! Alam mo namang first time ko 'yon. Gago ka!"
"Namura nanaman ako. Ikaw ha? Madalas na 'yang pagmumura mo."
"Kasalanan mo. Dumating ka kasi sa buhay ko." Bumitaw naman siya sa yakap at aalis na sana pero hinila ko siya at niyakap. "Joke lang. 'To naman hindi na mabiro. Labyu!" Kiniss ko ang cheeks niya.
Niyakap niya naman ako at pina-ibabaw niya ako sakanya. "Hoy, Sehun! Baka may binabalak ka, ha?!"
"Talino mo talaga, Luhannie."
Nanlaki naman ang mata ko. Hinampas-hampas ko yung dibdib niya. "A-aㅡaray! Jㅡjoke lang kasi!" Nahuli niya naman ang kamay ko. "Sige. Isa pang hampas, bibigyan kita ng round two!"
Nag-pout naman ako. "Hindi na." Ngumisi niya naman siya at muli akong niyakap. "Sehunnie, natatakot ako.."
"Tss! Ayan ka nanaman eh! Sabi ko nga kasi sa'yo paninindigan kita!"
"Sus! Ganyan ka. Pero pa'no kung nabuntis ako. Pa'no kung totoo nga yung sinasabi mo about sa MPREG na 'yan. Ha? Baka naman hanggang salita ka lang!"
"No, Luhannie. I always mean it. Kapag sinabi koㅡsinabi ko. Hindi ako hanggang salita lang. Paninindigan kitaㅡ'yan ang lagi mong tandaan." Hinalikan niya ang leeg ko. Ako namanㅡyumakap nang mahigpit sakanya.
---
"Omg! Amoy sex ka!" Sinampal ko naman bigla yung bibig ni Baekhyun. Napaka-ingay! Hindi niya ba alam na nandito sila ngayon sa bahay namin? Baka mamaya marinig nila Mama Lucia.
"Oo nga, Han. Gahd! May nangyari na sainyo ni Sehun?!"
"Isa ka pa! Tangina! 'Wag naman kayong maingay!" Nanggigigil kong saway sakanila.
"Amoy sex ka naman talaga!" Hahampasin ko na sana si Kyungsoo pero pinandilatan niya ako ng mata. Satansoo talaga.
"Kwento ka, Lulu. Dali na!" Excited na sabi ni Baek. Malamang sa malamangㅡeh may nangyari na dito at kay Chanyeol.
"Aish! Kailangan detalyado ba? Nakakasura naman 'yon!"
"Sus! Ang arte-arte!"
"Tumigil ka nga, Baek! Babato ko 'tong aircon sa'yo!" Nag-pout naman siya at nanonood na lang ng TV.
Pagpasok ko kasi ng bahayㅡnandito silang tatlo. Malay ko dito sa mga 'toㅡbigla-biglang nabisita eh.
"Luhan-yah! Wala bang ibang channel dito?! Ang papanget! Puro hello kitty! Yung totoo?"
"Che! Manahimik ka! Ikaw na nga lang nakikinoodㅡikaw pa yung nagrereklamo! Aba pota!"
Kinuha ko yung cookies at juice tapos nilapag ko sa mesa. At tutal wala naman yung episode ng hello kitty ngayonㅡpinatay na lang muna namin.
"Kwentuhan tayo! Nabo-bored ako eh." Sabi ni Kyungsoo.
"Si Xiuminnie. Mukhang may gustong i-kwento. Kanina pa 'yan parang balisa." Sabi ni Baek habang lumalantak ng cookies.
"Aish! 'Wag ka nga, Baek! Papakain ko sa'yo 'tong medyas ko!"
"Kwento na, Min. Dali na!" Sabi ko habang ngumunguya ng cookie.
"Okay! May sinabi sa'kin si Lay!"
"Ano?"
"Sabi niya hindi daw si Suho at si Chen."
"What?!"
Hala. Sinabi na ni Lay? Akala ko ba hindi pwedeng malaman 'to ni Xiumin?
"Sabi ni Lay wala daw siya sa posisyon para sabihin 'yon pero 'di na niya daw mapigilan kasi maski siya nasasaktan na.."
"Omg. You mean? Si Lay.."
Tumango naman si Xiumin. "Yes. May gusto siya kay Suho. Ewan ko ba. Ang gulo-gulo nila."
"Gusto ka lang maprotektahan ni Chen, Min. Ayaw niya kasing madamay ka sa mga kagaguhan na ginagawa nila. Though, wala naman talaga silang ginagawang masama. Pero syempre hindi pa rin maiiwasan 'yon. Kahit trip lang ang group nila, nasimulan na nila 'yon kaya kailangan nilang panindigan." Sabi ko.
Napatingin naman si Xiumin sa'kin na nakakunot ang noo. "Han, alam mo ba 'to?"
"Oo. Sorry, Min. Pero binilin kasi sakin ni Suho na 'wag ko daw sabihin sa'yo eh. Kasi nga ayon. Ayaw ka nilang mapahamak." Napayuko naman siya. "Sa ngayon 'wag mo munang i-open kay Chen 'yan, okay? Humanap ka ng magandang tyempo." Tumango naman siya.
"Yaan mo na, Xiumin. Atleast ngayon, panatag ka na kasi ikaw ang gusto ni Chen. Pero syempre kailangan mo munang umiwas para 'di ka mapahamak. Katulad nga nong sinabi ni Luhan, humanap ka ng tamang araw at oras." Ngumiti naman siya at tumango.
"Ikaw, Kyungie!" Tumaas naman kilay ni Kyungsoo.
"Wala akong sasabihin."
Binato naman siya ng unan ni Baek. "Ang arte mo! Alam kong gusto mo na si Kai."
Binato rin siya ng unan ni Kyungsoo pero tatlo ang bumalik sakanya. "Anong gusto?! 'Yan bang sinasabi mo, naririnig mo?! Never akong magkakagusto sa sunog na 'yon!"
"Alam mo, Kyungie. Narinig ko na yung line na 'yan. Eksakto pa nga eh! Kay Luhan ko ata narinig 'yon." Tumingin muna siya sa'kin bago ituloy ang sasabihin. "Tignan mo? Anong nangyari? Naging sila rin ni Sehun."
"Baek, hindi kami magkaparehas ni Luhan. Kaya pwede ba?"
"Pero alam kong kakainin mo din yung sinasabi mo ngayon, Kyungie. Nakikita ko na sa mga mata mo. May gusto ka na kay Kai pero mas pinapairal mo yung pride mo. Kasi alam mong playboy siya." Sabi ni Xiumin.
"Maniwala ka, Kyungie. Lahat ginagawa ni Kai para lang mapatunayan sa'yong mahal ka talaga niya. Sana naman makita mo ang effort niya. Kasi handang-handa siyang magbago para sa'yo." Sabi ko. Napayuko naman siya at umiling.
"Hindi ko alam. Bato na ata yung puso ko eh."
"Mas pinapairal mo kasi ang galit mo eh. Subukan mo namang maging matapang minsan, Kyungie. 'Wag mo pangunahan lahat. Tanggapin mo lahat ng effort ni Kai. At kung napatunayan mong sincere talaga siya sa'yo, pwede na kayong magsimula.." Sabi ko at ngumiti.
"Pa'no kung masaktan lang ako?"
"Sabi ko nga, wala mong pangunahan lahat. Kasama naman sa pagmamahalan yung merong masasaktan eh. Depende kung pa'no niyo iha-handle ang relasyon niyo. Basta 'wag magpapa-apekto sa iba. Kung alam niyong mahal niyo ang isa't isa, then be it."
"Natatakot ako, guys.."
"Bakit nanaman?"
"Kasi gusto ko eh. Gusto ko na siya.."
---
Kay Kyungie muna ang spotlight. Haha! Ge, basa na.
BINABASA MO ANG
He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)
FanficI'll do everything just to make this devil be an angel. [boyxboy story] @-deerqueen