Devil 33

2.5K 111 16
                                    

"Sehun..anak.." Sambit ng aking ama. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Ang Daddy ko? Siya ang pumatay sa kapatid ni Luhan? Pero bakit..bakit parang dati ay ako ang sinisi nila sa pangyayari? Dati mas tinutulak pa nila ako sa sitwasyon na ganito? Kaya nga naging demonyo ako eh. Dahil hindi lang ako nambu-bully. Kundi dahil nakapatay na ako.

Pero..ano 'tong sinasabi saakin ni Daddy?

"Ang duwag ko, Sehun. Napaka-duwag kong lalaki. Hindi man lang ako nagpakatotoo sa sarili ko. Dapat hindi naging ganito ang buhay mo. Dapat hindi naging ganito ang pagtingin ng iba sa'yo. Oo nambu-bully ka kaya halos lahat ng estudyante takot sa'yo. Pero..yung nakapatay ka? Hindi..hindi totoo lahat iyon.." Mangiyak-ngiyak na saad ng Daddy ko. "Kundi ako. Ako...ang nakapatay kay Jeno.."

"Dad...p-paano nangyari.." Halos hindi ako makapagsalita. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa sitwasyon na mayroon ngayon. "Paanong nagkaroon ako ng amnesia?"

"Noong mga panahon na pinagti-tripan niyong magkakaibigan si Jeno..." Panimula niya. "Sinundan niyo siya kung saan-saan. Dahil kung anu-ano ang inuutos niyo sakanya. Dahil nangako kayo sakanya na kapag natupad niya ang mga hiling niyo...ipapasok niyo sa Devil Academy na walang bayad.."

Sumakit ang ulo ko. Bakit..bakit parang unti-unti kong naaalala ang mga nangyari dati?

"Hanggang sa isang araw..sinundan niyo siya sa bahay nila. Pero nakita niya kayo patawid pa lang ng bahay nila. Kaya naman ikaw 'tong agad na sumugod. Nanlaban siya. Hindi mo alam na may paparating na kotse kaya tinulak mo si Jeno at ikaw ang napuruhan.."

G-ginawa ko ba talaga iyon?

"Kaaway mo siya. Pinagti-tripan mo siya. Pero ikaw pa ang tumulak sakanya para lang hindi siya yung masagasaan.."

Parang hindi ko makita na tinutulungan ko ang isang tao..noon. Dahil sobrang sama ko. Wala akong sinasanto. Maski nga babae..pinapatulan ko. Talaga bang tinulungan ko si Jeno?

"Nalaman ko iyon. Galit na galit ako. Dinala ka nila Chan sa hospital at ang iba mo na lang kasamahan ang sumugod sa bahay nila. Hanggang sa dumating ako. Dahil sa galit ko..kahit alam kong wala siyang kasalanan...nabaril ko siya.."

"N-nabaril?"

"Yung mga sinabi ko kanina sa loob..hindi totoo iyon. Talagang tinangka ko siyang patayin. Dahil na rin sa pagkaka-aksidente mo. Pinrotektahan lang kita...pero sa maling paraan. Anak..patawarin mo ako.."

All this time..si Daddy pala ang pumatay sa taong inakala kong ako ang pumatay. Kaya naman pala wala akong masyadong maalala sa nangyari dahil nagka-amnesia ako. Kaya pala lagi na lang sinasabi saakin ni Kyungsoo na wala akong kasalanan.

"Handa na akong makulong, Sehun. Handa na ako.." Dahil doon..lalo akong naiyak. Makululong ang Daddy ko? Bakit parang hindi ko kaya? Ano na lang mararamdaman ni Daddy?

Maya-maya ay may nagsidatingan na pulis. Sigurado akong kukunin na nila si Daddy.

"Mr. Oh. Sumama na po kayo saamin." Sabi nong isang pulis. Natanaw ko din si Kuya Henry. Parang malalim ang kanyang iniisip.

Nakita kong sumama si Daddy. Pero hinabol ko sila. "Daddy...mahal kita. Lagi mong tandaan. Lagi kitang dadalawin. Ako na bahala kila Mommy at Kuya Kyungsoo."

Niyakap niya ako. "Thanks, son. Take care of yourself. I love you. Your Mom and your brother.." Tumango naman ako at naramdaman ko ang basa sa pisngi ko habang naglalakad palayo si Daddy.

Pinunasan ko iyon at napatingin kay Kuya Henry. "Nasa room 307 siya, Sehun. Puntahan mo. Ikaw ang una niyang hinahanap." Pagkasabi niya non..lumingon siya saakin. "Pasensiya na. Nagkamali ako.." Saka siya tuluyang umalis.

He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon