Nandito kami sa resthouse na pinagawa ni Sehun. Ngayon ko lang napansin na meron palang nakalagay na Hunhan sa harapan ng bahay.
Pagtapos ng eksena namin sa school kaninaㅡdumiretso kami dito. Nandito kami ngayon sa terrace ng kwarto namin ni Sehun.
Ooㅡkatulad nga nong sabi niya. Kwarto daw namin. Wala naman din akong magagawa dahil kami na.
Kitang-kita namin ang napakamagandang bundok sa malayo. Para lang kaming nasa baguio nito o tagaytay. Ang talino naman ng lolo ni Sehun. Talagang dito pinwesto ang resthouse nila.
"Ang sarap dito!" Sambit ko habang nakapikit. Dinadama ko yung hangin na dumadampi sa katawan ko.
"Favorite place ko talaga 'to, Luhannie. Ito talaga ang spot na sinabi ko sa lolo ko para kitang-kita ko ang mga bundok na 'yan." Napadilat ako nang magsalita si Sehun. Nakangiti siya ngayon habang nakatingin sa malayo. "Bata pa lang talaga ako mahilig na ako mag-explore sa iba't ibang places. Lagi kasi kaming umaalis ni lolo eh. Hindi sumasama no'n si Kuya Kyungsoo kasi nga siya ang inaasahan nila Mama sa company namin."
Lumingon siya sa'kin. "Hanggang sa nawala na si lolo. Wala na akong kasama mag-explore. Meron pa kasi akong gustong puntahan no'n na hindi na natuloy dahil sa sakit ng lolo ko. Hindi na niya kasi kayang bumyahe-byahe eh."
Yumuko naman siya. "Ayon ang simula, Luhannie. Do'n ako nagsimulang maging demonyo sa school namin. Binigay sa'kin ang title na 'yon dahil maangas daw ako at ako ang kinatatakutan nilang lahat.."
"Alam mo sa totoo lang, Sehun. Hindi ka naman gano'n eh."
"Hindi mo pa ako lubos na kilala, Luhan. Marami ka pang 'di alam tungkol sa'kin." Dahil do'nㅡbigla akong kinilabutan. Medyo sumeryoso kasi ang boses niya eh. Tsaka hindi niya ako tinawag na Luhannie.
Bakit dumadalas ang pagiging bipolar ni Sehun?
Hinatak niya ako para yakapin. "Luhannie, 'wag mo akong iiwan. Hindi ko na kakayanin kung pati ikaw mawawala pa sa'kin. Mahal na mahal kita."
Niyakap ko na lang din siya. "I promise, I won't leave you." Lalong humigpit ang yakap niya at parang sinasabi na talagang ayaw niya akong mawala.
Dito na kami nag-lunch ni Sehun. Siya ulit ang nagluto. Ang sasarap pa ng mga
hinanda niyang pagkain. Talagang natututo siya.
"Mukhang tataba ako sa sarap ng luto mo, Sehunnie."
Mukhang nagulat siya sa tinawag ko sakanya. "Sehunnie? 'Diba 'yon yung tawag mo sa teddybear mo?"
"Oo. Pero tutal ikaw na naman ang boyfriend koㅡikaw na lang ang tatawagin kong Sehunnie. Yung dalawang teddybear natinㅡsi Hunnie at Hannie."
Natawa naman siya. "Ang cute. So ayan na pala ang ipapangalan natin sa future babies natin?"
"Babies ka diyan. Lalaki tayong dalawa. Siraulo ka ba?"
"Bakit? Uso ang male pregnancy ngayon. Meron nga akong nababasang news about do'n. Tss! 'Di ka updated kasi puro ka aral."
"La naman kasi akong pakialam. Mas mabuti ngang mag-aral ka kesa isipin ang mga bagay na 'yan. Tsaka ang bata pa natin, Sehunnie. Ni hindi pa nga tayo nakakatapak sa collegeㅡanak agad ang iniisip mo."
"Chill. Highblood ka agad eh." Binato ko naman siya tissue na ginawa kong bola. Kaya naman natawa na lang siya.
Nang matapos kaming mag-lunch, napagdesisyunan namin na umuwi na muna. Wala na namang klase kaya hindi na kami dumiretso ng school.
"Sobrang saya ko ngayon, Luhannie. Salamat at binigyan mo ako ng chance na ipakita sa'yo kung ga'no kita kamahal." Sabi niya habang nagda-drive. Nakahawak ang kamay niya sa left hand ko. Habang yung isa naman niyang kamay nasa manibela.
BINABASA MO ANG
He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)
FanficI'll do everything just to make this devil be an angel. [boyxboy story] @-deerqueen