KYUNGSOO'S POV"Ayon naman pala eh. Ano pang kinakatakot mo?" Biglang entra ni Baek.
"Gusto mo siya, gusto ka niya. Gusto niyo ang isa't isa. Ano pang problema do'n?"
"Ang problema simula kahapon, iniiwasan na niya ako.."
"Bakit?"
"Kasi..pinamukha ko sakanya na wala na talaga siyang pag-asa sa'kin.."
"ANO?! BAKIT MO SINABI 'YON?!"
Pinaupo naman agad ni Luhan at Xiumin si Baek dahil halos mamula na sa galit. Jusme, dapat pala hindi kasama 'to sa usapan. Baka mamaya mapatay na lang ako nito bigla eh. Mahal ko pa buhay ko.
"Chill ka lang, Baek." Sabi ni Luhan.
"Pa'no 'ko magchi-chill gumawa ng katangahan 'tong kaibigan natin!"
"Sobra ka naman, Baek! Eh kasi nabigla lang ako no'n. Hindi ko alam kung ano na sasabihin ko. Halo-halong emosyon na eh. Hindi ko na alam. Sorry talaga." At hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naiyak. Mukha tuloy akong tanga.
"Tahan na, Kyung. Naiintindihan kita." Paga-alo sa'kin ni Luhan. Naramdaman kong niyakap niya ako.
"Guys pakiramdam ko babalik nanaman sa dati si Kai. Sobrang sakit ng ginawa ko sakanya kahapon. Nakokonsensiya na ako."
"Hindi. Hindi namin hahayaang mangyari 'yon. Gagawa kami ng paraan, okay? Pero kausapin mo pa rin siya. Sabihin mo yung totoong nararamdaman mo."
Tumango-tango naman ako. "Yes. I will."
---
Maaga pa lang nandito na ako sa DA. Inunahan ko na yung kapatid kong tulog mantika. Jusme, tulog pa rin hanggang ngayon. Kanina nga ginigising ko siya binato pa ako ng dalawang unan.
Kaya naman tinawagan ko si Luhan. Alam ko namang siya lang makakapag-pagising do'n. Pero 'yon nga lang baka may mangyari sa loob. Manyak pa naman yung kapatid kong 'yon.
Pero hayaan na natin. Minsan lang naman dumating 'yon. At isa pa kay Luhan pa lang naiinlove 'yang si Sehun.
"Jongin naman! 'Wag ka nga!"
Awtomatiko akong napalingon sa pinanggalingan ng boses nang marinig ko ang pangalan ni Kai.
Halos madurog ang puso ko nang makita kong napulupot ang braso niya sa bewang nong babae. At halos manghina ako nang makita kong hinalikan niya ang pisngi nito.
Agad akong umiwas ng tingin. Kasabay non ang pagtulo ng luha ko. Tuloy-tuloy na 'yon hanggang sa mawala sila sa paningin ko.
Bumalik na nga siya sa dati.
Magdadala siya ng babae dito sa DA. Dahil nga all boys school 'to kinakailangan niya pang mang-hakot ng babae. Pinayagan siya nong guard kasi alam niya na kaibigan siya ni Sehun.
Ito ang kinatatakutan ko kagabi pa lang. Sabi na nga ba at hindi malabo na gawin niya 'to ulit.
Ang tanga mo kasi Kyungsoo eh. Bakit ba kasi ginawa mo pa kay Kai 'yon? Ayan tuloy. Ikaw ang nasasaktan ngayon.
Dumaan na ang recess at lunch. Tahimik lang ako sa klase. Habang si Kai naman kaharutan yung babaeng kasama niya kanina. Talagang pinapasok niya dito sa classroom.
"Kyungie, are you okay?" Tanong ni Baek. Binatukan naman siya ni Luhan. "Ouch! Why did you do that?!" Ayan nanaman. Bumalik nanaman siya sa page-english. May sumapi nanaman dito.
"Loka-loka ka kasi eh! Tatanungin mo kung okay siya eh tignan mo nga oh! Magang-maga na yung mata!"
"Ay sorry. I didn't see it." Tsaka siya nag-roll eyes.
BINABASA MO ANG
He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)
Fiksi PenggemarI'll do everything just to make this devil be an angel. [boyxboy story] @-deerqueen