Devil 31

2.5K 93 10
                                    

Warning: Hindi pa po talaga ito yung revelation. Hehe! Sorry. Next chapter pa po talaga iyon! 


LUHAN'S POV

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Hinarang ko ang kamay ko at napagtanto ko na nandito ako sa unit ni Sehun. Wala siya sa tabi ko. Narinig ko ang kalabog sa kusina. Napahinga naman ako ng maluwag. Akala ko iniwan niya ako dito.

Aalis na sana ako sa kama pero narinig ko ang pagbukas ng pintuan at iniluwa non ay ang napaka-gwapo kong boyfriend.

"Breakfast in bed, baby.." Magiliw niyang sambit. Napangiti naman ako. Umagang-umaga, talagang gumagawa si Sehun ng paraan para maging maganda ang mood ko.

"Kain na tayo, baby." Aya niya tapos hinalo-halo niya yung pancit canton tapos mayroon pa kaming fried rice w/ hotdog. Mayroon din kaming chocolate drink. "Gutom ka na ba? Teka lang. Haluin ko na muna 'to."

"Just take your time, Sehunnie." Ngumiti naman siya sa'kin. "I love you baby." Sambit niya at mabilis akong ninakawan ng halik at bumalik sa paghahal ng pancit canton.

"Ano meron? Bakit baby na ang tawag mo saakin ngayon?"

Natawa siya. "Mas maganda pala kapag baby ang tawag ko sa'yo. Mukha ka namang baby kaya okay lang. Ayaw mo no'n? Boyfriend na kita, baby pa kita. Oha!" Dahil doon lalo akong natawa. Ang cute-cute talaga ni Sehun.

"Ang dami mong alam. Sige na. Kumain na tayo."

Nang matapos kaming kumain, binalik na niya pinagkainan namin saka siya bumalik ulit dito sa kwarto. Tumalon siya sa kama at mabilis akong hinatak para mapaibabaw sakanya.

"Nakakainis ka. Alam mo bang hinihintay kitang magising kagabi. Kaya lang tuloy-tuloy tulog mo kaya hinayaan na lang kita. Baka kasi masapak mo ko kapag ginising kita eh."

"Sorry na. Eh kasi naman antok na antok na ako non. Ewan ko kung bakit. Parang these past few days, gusto ko laging matulog. Napapadalas din yung pagsakit ng ulo ko. Ewan. Basta."

Niyakap naman niya ako bigla ng mahigpit. "Sigurado kang okay ka lang ngayon? Wala bang masakit sa'yo ngayon? Dadalhin kita sa doctor, baby baka kasi kung ano na 'yan."

"Hindi. Okay lang ako, Sehunnie. Dahil lang siguro sa stress 'to. Sa mga school works din. Tsaka malapit na naman mag-bakasyon kaya makakapagpahinga na rin ako. Tayo."

"Mabuti na lang at malapit na. Ayoko na kasing nahihirapan ka. Alam mo bang ang sakit sa dibdib na makitang nahihirapan ka? Ang dami mong ginagawa. Dahil ikaw ang top 1 sa DA, pine-pressure ka ng ibang teachers. Kung anu-ano ring contest ang napapasali ka. Kaya dahil don hindi ka na nakakatulog. Ang sipag mo kasi eh. Bakit ka ba ganyan?"

"Nasanay na kasi talaga. Tsaka gusto ko rin maging proud ulit saakin ang parents ko. Gusto ko bumalik ang tiwala nila saakin. Papatunayan ko sakanila na kayang-kaya kong bawiin ang binagsak kong subject."

"Isa 'yan sa dahilan kung bakit ako na-attract sa'yo, baby. Sobrang sipag mo. At gusto mo laging maging proud sa'yo magulang mo. Nagsisisi na talaga ako na binully kita. Hindi mo naman kasi deserve 'yon. Edi sana nakilala kita sa mas mabuting paraanㅡhindi sa masama."

Kinulong ko ang mukha niya sa palad ko. "Tapos na 'yon, Sehunnie. 'Wag mo na balikan, okay? Ang isipin mo yung ngayon. Ngayon na mahal na mahal na natin ang isa't-isa." Napangiti naman siya doon at hinalikan ako sa labi.

"Hinding-hindi na talaga kita papakawalan. I love you so much baby deer." Ngumiti ako. Sarap talaga pakinggan kapag nanggagaling sa taong mahal mo ang mga katagang 'yan.


-


Kanina pa tumatawag si Kuya sa'kin pero hindi ko iyon pinapansin. Kung maaariㅡayoko munang kausapin si Kuya dahil pagsasabihan nanaman niya ako tungkol kay Sehun.

He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon