"No, Kuya. Alam mo namang hindi ko kayang gawin 'yan..""At bakit?"
Napatigil naman ako. "Da-dahil classmate ko siya.."
"Tsk! Maski na. Basta, gusto ko layuan mo siya. Tapos ang usapan! Umakyat ka na."
Wala naman akong nagawa kundi umakyat ng kwarto. Matapos kong mag-half bath diretso ako higa sa kama.
Bakit ginagawa 'to sa'kin ni Kuya? Ano bang meron kay Sehun? At bakit ngayon pa, kung kailan namanㅡnahuhulog na ako sakanya.
---
Friday ngayon. Nakita kong papalapit sa'kin si Sehun. Nakangiti siya habang naglalakad papunta sa'kin.
Napapikit ako nang mariin. Nakakainis! Tuwing nakikita ko si Sehun, naaalala ko yung sinabi ni Kuya Henry sa'kin.
"Luhannie, okay ka lang?" Simula kanina pagpasok ko, ayan na talaga ang tinawag niya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit pero hinayaan ko na lang siyaㅡcute naman eh.
"Okay lang ako, Sehun."
"Weh? Mukhang hindi naman eh. Ano ba kasi? Sabihin mo na." Napatigil naman ako nang biglang lumapit ang mukha niya sa'kin at nagpapa-cuteㅡewan ko kung pa-cute talaga pero kasi ang cute eh. "Luhannie.."
Napaiwas ako ng tingin. Bwisit naman! Hindi ko kaya. Hindi ko kaya yung sinasabi ni Kuya. Ngayon pa nga lang na katabi ko siyaㅡparang ayoko nang lumayo eh. Ewan ko, bigla na lang talaga ako nakakaramdam ng ganito. Ugh.
"Luhannie, nag-aalala na 'ko. Ano ba kasing meron?" Naging seryoso na ang mukha niya. Tapos naramdaman kong hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko. "What's wrong? Tell me.."
Umiling naman ako at inalis ang dalawang kamay niya sa pisngi ko. This time, ako naman ang gumawa non. "Wala 'to, Sehun. 'Wag ka na mag-alala, okay? Okay ako. Lalo na't nandito ka.." Hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumabas sa bibig ko 'yonㅡpero 'di ko naman pinagsisisihan. Eto na siguro ang simula nang pagkagusto ko sakanya.
"Kikiligin na ba ako, Luhannie?"
Umiling-iling naman ako. "Kahit naman hindi mo sabihin alam kong kinikilig ka eh.."
"Hala. Luhannie, anong ginawa mo sa'kin? Dapat ang leader ng KD pa-cool. Hindi yung ganitoㅡpabakla-bakla. Pero hindi naman nila ako masisisi eh. Mahal lang talaga kita.."
Ngumiti naman ako sakanya. Salamat talaga at dumating ang araw na hindi na siya gumagawa ng masama. Puro kabutihan na ang mga pinapakita niya sa'kinㅡmaski sa ibang nag-aaral dito sa DA.
Natapos ang klase. Hindi ko masyadong nakita sila Baek. Hindi ko rin alam kung saan sila nagpunta. Pero alam koㅡsi Kai hindi sinusukuan si Kyungsoo. Eto naman si Chanyeol, nakikipagbalikan pa rin kay Baek. Si Xiuminㅡhindi ko alam kung ano na ang nangyari sa feelings niya kay Chen.
"Hatid na kitaㅡ"
"Sehun, 'wag! Ayoko munang umuwi."
"Ha? Bakit? Gusto mo 'kong makasama magdamag 'no?" Nag-death glare naman ako sakanya. "Sabi ko nga hindi.." Tapos nag-focus na siya sa pagda-drive. "Sa'n mo gusto pumunta, Luhannie?"
"Punta tayo sa cementery, Sehun."
"Ano?! Anong gagawin natin do'n?! Eto naman, niloloko lang kita kanina eh. 'Wag mo 'kong ipalibing ng buhay, Luhannie! Papakasalan pa kita, pa'no na magiging future natin, yung magiging anak natin! Yung bahay natin!"
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Pinagsasabi mo diyan? Nagda-drugs ka ba, Sehun?"
"Hㅡha? Ano bang kasing gagawin natin sa sementeryo?"
BINABASA MO ANG
He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)
FanfictionI'll do everything just to make this devil be an angel. [boyxboy story] @-deerqueen