Devil 10

5.8K 227 101
                                    

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. This is my first kiss. At napunta pa talaga sa demonyong 'to.

Agad ko siyang tinulak ng malakas at napahawak ako sa labi ko. "Lang'ya ka! Bakit mo 'ko hinalikan?!"

"Tama nga si Kai..."

"A-anong tama si Kai?"

"Ngayon ko lang naramdaman 'to. Sa'yo pa talaga, Luhan." Pagtapos niyang sabihin 'yon agad siyang sumakay sa kotse niya at iniwan ako.

Pagtapos akong hilain at halikan, iniwan ako?! Argh! Demonyo talaga!

"Luhan..." Narinig kong tawag ni Suho. Lumingon naman ako sakanya at tumakbo siya palapit sa'kin.

"Suho...buti timing ka. Kaka-alis lang niya eh."

"I saw that.."

"Saw what?"

"He kissed you." Nanlaki naman ang mata ko. Nakita niya talaga? "I'm sorry. Pero hindi ko maiwasang hindi sumunod. Baka kasi kung ano na lang gawin niya sa'yo."

"O-okay lang. Suho, gusto ko nang umuwi. Uwi na tayo.."

Nandito na rin kami sa parking lot kaya naman nauna na akong magpunta sa kotse niya. Madali rin siyang nakasunod sa'kin.

"Thank you, Suho." Sabi ko nang mahatid na niya ako sa bahay namin.

"Sige. Magpahinga ka na muna. Kita na lang tayo bukas sa party nila Baek."

Oo nga pala. Meron pang party kila Baek. Muntik ko nang makalimutan.

"Mama Lucia!" Tawag ko. Agad naman na lumabas mula sa kusina si Mama.

"Oh, Luhan. Nakadating ka na pala."

"Pakibuksan naman, Ma yung walk-in-closet ko sa isang kwarto. Kailangan kong mamili ng damit. Yung formal po. Pang party."

"Oh sige. Magbihis ka na muna ng pang-bahay."

"Opo, Ma."

Nang makapagbihis ako, narinig ko yung pagtawag ni Mama Lucia sa'kin kaya naman nagpunta na ako sa isa kong kwarto.

"Anak, bukas na. Tawagin mo na lang ako ulit kapag sasarado ko na, ha?"

"Opo."

Pumasok ako sa loob. Nakita ko kung ga'no karami yung mga suit ko. Si Mommy kasi hilig niya talagang bilhan ako ng ganito. Hindi ko naman ginagamit lahat.

Pipilian ko na lang din si Xiumin tapos papapuntahin ko siya dito bukas ng umaga.

He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon