Devil 24

3.3K 130 22
                                    


Nanlaki ang mata ni Sehun sa narinig niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso nito.

"A-ano nga ulit sabi mo, Luhannie?"

"Umayos ka nga, Sehun! 'Pag tayo nahulog dito, ha?!" Sigaw ni Luhan. Pa'no ba namanㅡbigla-bigla na lang lumipat si Sehun sa tabi niya. Kaya medyo umuga ang bangka.

"Excited lang kasi ako eh." Medyo umusog ng onti si Sehun sa tabi ni Luhan. "Ulitin mo na. Dali. Gusto ko ulit marinig."

"Ayoko nang ulitin. Masyado kang bingi." Dahil do'nㅡlalong umusog si Sehun sa tabi niya. "Sehun naman eh! Umusog ka don dahil malalaglag na 'ko dito!"

"Ayaw. Say the magic words muna." Pangungulit ni Sehun habang naka-crossed arms.

Napakamot naman si Luhan. "I love you, Sehunnie." Malambing na sabi niya. Kaya naman napangiti nang sobra si Sehun.

Pagtapos nilang nagpunta sa burnham park. Next nilang pinuntahan ang mines view park. Ito talaga ang spot na kitang-kita mo ang kabundukan.

Meron silang nakitang isang bakanteng upuan kaya naman tumakbo sila baka daw maunahan pa. Nagiisang bakante na lang kasi.

"Ang ganda dito, Sehunnie." Manghang-manghang sambit ni Luhan habang nakataas ang dalawang kamay.

"Ngayon ka lang ba talaga nakapunta dito?" Tanong ni Sehun habang nakapulupot ang braso niya sa bewang ni Luhan.

Tumango naman siya. "Bata pa lang ako nakakulong na talaga ako sa bahay namin. Bukod sa busy si Mommy at Daddy sa kumpanya namin sa iba't ibang bansa. Si Kuya naman pinagpapatuloy dati ang college hanggang sa nadagdagan nanaman ang company namin sa Taiwan. Siya ngayon ang nagma-manage ngayon do'n."

Sinandal naman ni Sehun ang ulo ni Luhan sa dibdib niya. "Katulad nga nong sinabi mo sa'kin datiㅡginagawa nila 'yon para sa'yoㅡpara sainyo ng kuya mo."

"Naiintindihan ko naman eh. Kaya nga sinisikap kong mag-aral para lang makabawi sakanila. Gusto ko bumawi sa isang subject na binagsak ko."

"Tignan mo nga namanㅡsa kabila ng pambubully ko sa'yo noon. Nagawa mo pang makatuntong ng top 1 sa buong DA."

Ngumiti naman si Luhan. "Oo nga eh."

Habang nakaupo silaㅡbiglang may humintong batang lalaki sa harapan nila. Mukha itong nawawala.

Napahiwalay naman si Luhan sa yakap saka hinarap ang bata. "Hey baby. What's wrong?"

"Nawawala po ako. Hindi ko po mahanap ang Mama ko."

Binuhat naman siya ni Luhan. "Dito mo na lang muna hintayin ang Mama mo. Siguradong dadaan naman 'yon dito eh. Halika muna." Tumango naman ang bata.

"Anong pangalan mo?"

"Cedric po."

"Hello. Ako nga pala si Luhan. At ito namanㅡyung nasa tabi ko.." Tinuro niya si Sehun. "Siya si Sehunㅡboyfriend ko."

Ngumiti naman si Cedric. "Ang gwapo ng boyfriend mo, Ate Luhan."

Napa-facepalm naman si Luhan. "Baby. Hindi ako ateㅡbakit ka ba tumatawa?!" Paninigaw niya kay Sehun. Bigla kasing tumawa nang tawagin si Luhan na ate. "Baby. Kuya akoㅡhindi ako ate."

"Gano'n po ba? Mukha ka po kasing babae eh." Napangiti na lang si Luhan. Bata pa naman ito at naiintindihan niya. Pero aaminin niyaㅡhalos lahat naman ata ng tao tingin sakanyaㅡmukhang babae.

"Baby. Come here. Pakita ko sa'yo yung mga bundok." Sabi ni Sehun. Sumama naman siya kay Sehun tapos bumaba sila sa upuan saka lumapit do'n sa may harang.

He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon