First day of foundation day.
"Mama, aalis na po ako, ha?" Paalam ko kay Mama Lucia.
"Oh sige, anak. Mag-ingat ka, ha? Umuwi ka agad." Tumango naman ako at lumabas na ng bahay.
Kukunin ko na sana kotse ko nang makita kong merong napakagarang kotse na naka-park sa tapat ng bahay namin. At meron pang lalaki do'n na nakasandal habang naka-shades.
At nang medyo natitigan ko na yung lalaki. Nakilala ko, si Sehun. Anong ginagawa niya dito?
Wala naman akong nagawa kundi buksan ang gate. Napatayo naman siya nang diretso at ngumiti sa'kin.
"Goodmorning, usa." Bati niya habang nakangiti.
"Goodmorning din. Pero, bakit ka nandito? At pa'no mo nalaman yung bahay ko?"
"Tss! Malamang pinakialaman ko lang naman mga papers mo sa principal's office." Nanlaki naman ang mata ko.
"Hoy! Grabe ka, ha? Hindi porket anak ka ng may-ari, eh malaya ka na tignan ang papers ko."
"Malaya talaga ako, Luhan. Kaya 'wag ka nang madaldal diyan, sumakay ka na lang sa kotse ko."
"A-ako? Sasakay?"
"Oo. Bawal kang humindi. Sabi mo 'diba babawi ka sa'kin? Oh, part 'to ng bawi mo. Simula ngayon, hatid sundo kita." Napanganga naman ako. Grabe naman 'tong bulol na 'to. Mautak rin eh.
Bakit ko pa kasi sinabi 'yon sakanya? Hay nako, Luhan. Umiral nanaman 'yang pagiging tanga mo.
Wala na akong nagawa kundi sumakay na sa kotse niya at pumunta na sa DA.
Pagdating namin halos lahat ng tao nasa'min nakatingin. Tapos parang nagtataka sila kung sino yung nasa tabi ni Sehun.
"Hindi ka pa ba bababa?" Tanong ni Sehun na nakabalik sa'kin sa realidad.
"N-nahihiya ako, Sehun. Ang daming tao sa labas eh."
"Tss!" Bumaba na siya sa kotse. Aba, iniwan ako?
Bubuksan ko na sana yung pinto pero nabuksan na pala ni Sehun. Phew! Akala ko iniwan niya na ako. Lumabas ako ng kotse at narinig ko ang mga bulungan ng mga tao.
"Omg! Siya palang ang unang nakakasakay sa kotse ni Sehun!"
"Yeahright. Ang swerte naman niya!"
"Tama! Tsaka, 'diba ayan ang binully ni Sehun? Eh bakit ngayon parang in good terms na sila?"
"Hindi ko rin alam!"
"Pero okay lang! Ang cute naman nilang tignan eh."
BINABASA MO ANG
He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)
FanfictionI'll do everything just to make this devil be an angel. [boyxboy story] @-deerqueen