3RD PERSON'S POVHindi alam ni Sehun kung ano mararamdaman niya. Halos madurog ang puso niya nang makita niya si Luhan na umiiyak.
Ayaw na ayaw ni Sehun na umiiyak ang taong mahal niya. Lalo na kung dahil sakanya.
"Demonyo ka.." Halos manghina siya nang marinig niya ang mga katagang 'yon mula sa bibig ng taong mahal niya. "Paniwalang-paniwala pa naman ako sa'yo. Ayon palaㅡhinihintay mo lang ako mahulog sa'yo. Demonyo ka nga talaga. Demonyo ka!" Hinampas ni Luhan ang dibdib ni Sehun at aalis na dapat peroㅡhinila niya si Luhan saka ito hinalikan.
Bumilis ang tibok ng puso ni Luhan dahil sa tatlong pagkakataonㅡdumikit nanaman ang labi ni Sehun sa labi niya. At eto nanamang nararamdaman niyaㅡmga paru-paru sa tiyan niya.
Pero hindi siya nagpadala sa emosyon niya. Tinulak niya si Sehun saka sinampal. "Ayan ka nanaman. Hahalikan mo nanaman ako para maramdaman ko yung sparks na 'yan! Pero ano? 'Pag naramdaman ko na ulitㅡiiwasan mo nanaman ako."
"Luhan.."
"Nakakainis ka talaga! Nakakainis ka!" At ayon ngaㅡtuluyan nang umalis si Luhan at iniwan si Sehun na durog na durogㅡnot literally butㅡemotionally.
---
"Teka, Lulu. Dahan-dahan, ubos na yung tissue namin oh." Sabi ni Baek na nakailang labas na ng tissue dahil inubos na ni Luhan ang dalawang isang buong tissue.
"Sorry, Baek. Nakakainis lang kasi yung demonyong baba na 'yon eh. Hindi pa kamiㅡpero tignan mo? Sinaktan na ako! Lechugas na buhay naman 'to!"
"Pagsasabihan ko talaga yung matulis na baba ni Sehun." Sabi ni Kyungsoo habang pinupulot ang mga tissue-ng nagamit ni Luhan.
"Kyungsooㅡbakit gano'n yung kapatid mo? Ang saya-saya pa naman no'ng una eh." Lahat sila tumingin kay Luhan nang magsalita na ito ng seryoso. "Alam niyo, no'ng una hindi talaga kami magkakasundo ni Sehun. Dahil alam niyo, ang tingin ko talaga sakanyaㅡkakambal ni Satanas. Pero no'ng tinigil niya ang pambubully sa'kinㅡno'ng unang halik niya sa'kinㅡdo'n nagsimula lahat.."
Pinunasan ni Luhan yung luha niya na kanina pa bumubuhos. "Do'n nagsimula yung pagkagusto ko sakanya. Do'n nagsimula lahat. No'ng araw na hinalikan niya ako sa pangalawang pagkakataonㅡnakaramdam na ako ng kakaiba. Hanggang sa tumatagal nang tumagal. Nahuhulog na talaga ako sakanya.." Patuloy niya. "Naisip ko ngaㅡtalagang meron talaga siyang bait na tinatago. Na kinikimkim niya lang sa sarili niya. Hindi ko akalain na magiging gano'n siya. At lalong hindi ko akalain na magkakagusto siya sa'kin sa kabila ng pananakita niya.."
"Salamat at binago mo ang kapatid ko, Luhan. Ikaw lang talaga ang makakatapat niya.."
Ngumiti si Luhan kay Kyungsoo. "Pero ngayonㅡmukhang balik nanaman siya sa dati. Kanina, nakita ko nanaman siyang naninigarilyo. Halos araw-araw na niyang ginagawa. 'Di na niya akong kinikibo. Walaㅡparang hindi na niya ako kilala, Kyungsoo. Bumalik na ulit sa dati.." Dahil do'n, lalong umiyak si Luhan. "Anong gagawin ko, Kyungsoo? Unti-unti nanamang bumabalik si Sehun sa dati."
"Don't worry. Leave it to me, Luhan." Sabi ni Kyungsoo tsaka tinap ang balikat ni Luhan.
---
Nang makarating si Kyungsooㅡagad siyang nagpunta sa kwarto ni Sehun.
Halos mataranta ito nang makita ang bunsong kapatid niya na umuungol at naglilikot sa kama.
"Sehun! Sehun!" Patuloy na niyuyugyog ni Kyungsoo si Sehun hanggang sa magising ito. "Sehun, okay ka lang ba?"
Bigla namang yumakap si Sehun kay Kyungsoo. "Kuya.." Hinaplos naman ni Kyungsoo ang likod ng bunso niya.
"Panaginip lang 'yon, Sehun. Don't worry." Mas lalong hinigpitan ni Sehun ang yakap niya sa Kuya niya.

BINABASA MO ANG
He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)
FanficI'll do everything just to make this devil be an angel. [boyxboy story] @-deerqueen