Devil 6

5.8K 221 38
                                        





Lumipas na ang isang linggo. Isang linggo na din akong nagsa-suffer sa eskwelahan na 'to. Abot-abot ang pambubully ang natatanggap ko.



Sobra ang galit sa'kin ni Sehun. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang galit niya. Big deal na big deal talaga na kinalaban ko siya. Napaka-childish.



"Hi, Luhan." Bati nung lalaki sabay tinapunan ako ng juice. "Oops! Sorry, sadya!" Tumawa naman siya atsaka umalis na kasama ang mga kaibigan niya.



Ang aga-aga dudumihan nila ako. Nakakainis naman sila. "Kawawang usa." Speaking of the devil. Hindi ko na lang siya pinansin.



Lalagpasan ko sana siya pero hinablot niya ang braso ko. "Kulang pa 'yan." Sabi niya tapos kinuha niya yung cupcake ng isang lalaki tapos dinikit at kinalat-kalat sa buong polo ko. "Ayan, para may partner ang juice. Kawawa naman kung magisa lang."



Tumulo bigla ang luha ko. Tumakbo na lang ako saka dumiretso sa locker ko. Binuksan ko 'yon at sinubsob ko ang mukha ko sa loob.



Hindi ko na kaya ang nangyayari sa'kin dito. Gustong-gusto ko na talagang lumipat. Hirap na hirap na ako. Para akong unti-unting pinapatay dito.



Kumuha na lang ako ng extra polo tsaka slacks. Mabuti na lang at meron akong extra.



Nang matapos akong nagbihis. Dumiretso na ako sa first class ko. Mabuti na lang at sabay lang kami na dumating ng adviser namin.



Uupo na sana ako sa armchair ko, pero nakita kong ang dumi-dumi. Puro sulat, pentel pen ang gamit. Kung anu-ano pa ang nakasulat.



Nakita ko naman na parang pinipigilan pa ni Sehun ang tawa niya. Wala akong ibang nagawa kundi umupo na lang. Tinakpan ko ng towel ang armchair ko.



Wala sila Suho. Wala rin si Xiumin, kasama niya si Kyungsoo. Hindi ko alam kung sa'n sila pupunta.



"Luhan!" Lumingon ako sa tumawag na lalaki. Nagulat ako nang hinipan niya ang nasa papel na naka-roll at bumuga sa'kin ang pulbos.



Wala akong ibang nagawa kundi umubo ng sobra. Na parang halos hindi na ako makahinga. Pinunasan ko ng towel yung mukha ko. Mabuti na lang at nakahinga ako ng maluwag.



"Sehun, tama na." Narinig kong sabi nung isang lalaki.

He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon