Ngayon ay natutulog na si Luhan. Pinagmamasdan ko lang siya. Dahil alam ko bukas ay mainit nanaman ang ulo sa akin nito. Pero okay lang, basta para sakanya at sa future babies namin, titiisin ko lahat.
Hinaplos-haplos ko ang buhok niya at hinalikan ang noo niya. Napapangiti na lang ako bigla kapag nakikita ko ang mukha niya. Ang sarap niyang titigan. Hindi nakakasawa.
Ilang buwan na lang ay makikita ko na si Ice at Fire. Hindi na ako makapaghintay. Gusto ko na silang buhatin na dalawa at gusto ko nang iparamdam sakanila kung gaano ko sila kamahal. Pag lumabas na sila, aalagaan ko sila mabuti. Hindi ko sila papabayaan. Lahat ng atensyon ko sakanila ko itutuon. At syempre kay Luhan din. Hindi mawawala ang atensyon ko sakanya.
Lumabas ako saglit. Pumunta ako sa sala. Tinawagan ko ang mga tukmol. Binilin ko sakanila ang gagawin nila para next week. Dahil magpo-propose na ako kay Luhan. Ayoko nang patagalin pa 'to. Ngayong magkaka-anak na kami. Gusto ko talaga na opisyal na bakuran na si Luhan. At para malaman ng maraming tao na akin siya. Akin lang siya.
"Putangina naman! Basta gawin niyo na lang! Kailangan matapos niyo 'yan within three days!"
["Three days?! Ayos ka lang boss?! Ang hirap-hirap ng pinapagawa mo sa amin!"]
"Magrereklamo ka o gustong mong puntahan kita dyan ngayon sa bahay niyo para banatan kita?"
["Sabi ko nga hindi ako magrereklamo. Hehe. Mani lang 'to sa amin boss. Wala ka na bang papagawa?"]
"Magpakamatay ka. Ge. Bye." Atsaka ko naman binaba ang tawag. Dakilang reklamador talaga ang uling na 'yon.
Pa-akyat na sana ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Si Kuya Henry. May dala-dala siyang maleta.
"Andyan ka na pala, Kuya." Sabi ko tapos tinulungan ko siyang ipasok ang maleta niya dahil sa isa niyang kamay ay may hawak pa.
"Dito muna ako mag-stay. Kamusta naman kapatid ko?" Tanong niya atsaka naupo sa sofa at hinihilot ang sentido niya.
"Okay naman siya, Kuya. Ang himbing na nga ng tulog eh." Nakangiting saad ko. "Timplahan ko kayo ng gatas, Kuya."
"Huwag na, Sehun. Sige, matulog ka na. Matutulog na rin ako. Sobrang pagod ako. Goodnight." Tinap niya ang balikat ko tsaka siya umakyat.
Parang hindi ko pa nakikita na umuwi dito ang magulang nila. Alam kaya nila na buntis si Luhan?
Nang makapasok ulit ako sa kwarto ni Luhan. Ganon pa rin. Tulog na tulog siya at naririnig ko ang mahinang pag-hilik niya.
Hinalikan ko siya sa noo at humiga na rin ako sa tabi niya para matulog.
Napagdesisyunan ni Luhan na mag-mall muna kami para mamili ng mga gamit para kay Ice at Fire.
"Wow. Sehunnie, ang cute cute nito oh." Masiglang sabi niya habang hawak-hawak ang maliit na teddybear. Dalawang magkadikit at color blue.
Ngumiti naman ako. "Ang cute nga. Bilhin na natin 'yan. Gusto mo?" Tumango siya at nagningning ang mga mata. Sobrang saya ko talaga kapag nasisilayan ko ang ngiti niya.
Nilagay na niya iyon sa cart. Umikot pa kami at nakakita kami ng stroller na may nakasabit na maliliit na stuffef toys. Color blue rin ito at talagang kasya ang dalawa sa loob.
"Ang gandaaaa!" Manghang-manghang saad ni Luhan.
"Bilhin na rin natin 'to." Sabi ko. May lumapit naman sa amin na saleslady. "Miss, kunin na namin 'to. Pa-check muna baka may sira or what."
BINABASA MO ANG
He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)
FanficI'll do everything just to make this devil be an angel. [boyxboy story] @-deerqueen