WARNING: SPG
XIUMIN'S POV
Habang naglalakad ako mag-isa sa school nakita ko si Chen. Wala siyang kasama ngayon. Himala at hindi niya kasama ngayon si Suho.
Wala rin si Luhanㅡhindi ko na din siya masyadong nakikita. Lagi nanaman sigurong kasama si Sehun. Naiintindihan ko naman. Alam ko namang nagiging abnormal si Sehun kapag nawawala sa paningin niya si Luhan kahit mga ilang minuto lang.
Malapit na rin naman ang sembreak namin. One week. Mas inuna muna daw ang foundation kesa sa sembreak. Hindi ko rin alam kung anong trip ng principal namin. Mas mabuti nga 'yon eh. After ng foundation, one week may klase. After no'n, wala nanamang pasok.
Sa paglalakad ko sa hallwayㅡnakita ko si Lay. Naka-indian seat sa sahig habang nakapikit at naka-earphones. At dahil wala naman ako masyadong gagawinㅡlumapit na muna ako sakanya.
Naramdaman niya naman kaya inalis niya earphones niya. Ngumiti siya sa'kin. "Hello, Xiumin."
"Hi. Bakit nag-iisa ka? Hindi mo kasama sila Suho?"
Umiling siya. "Hindi naman sa lahat ng oras kasama ko sila."
Nangunot naman noo ko sa sinabi niya. "Grupo kayo, 'diba? Magka-kaaway ba kayo?"
"Hindi. Wala. Basta."
"Okay ka lang ba? Bakit napapansin ko lagi kang badtrip?"
"Sige ngaㅡmakita mo yung taong mahal mo kasama lagi ang fake boyfriend niyaㅡhindi ka maba-badtrip?" Nakita ko naman na parang nagulat siya sa sinabi niya. Ako namanㅡnaguluhan.
Pinagsasabi nito?
"Sorry. 'Wag mo intindihin sinabi ko. Bye!" Tatayo na sana siya pero hinila ko siya. Napaupo ulit siya.
"Lay, ano bang nangyayari? Kung may problema kaㅡwede mo namang sabihin sa'kin eh."
Napabuntong hininga naman siya at umayos ng upo. "Si Suho.."
"Anong meron kay Suho?"
"Gusto koㅡmali. Mahal ko siya."
Nanlaki naman ang mata ko. "Pero sila ni Chen.."
"Hindi sila."
Naguluhan naman ako. "A-anong sabi mo?"
Ngumiti siya sa'kin. "Hindi sila, Xiumin. Palabas lang nila 'yon. Never naging sila.."
Hindi naman ako nakapagsalita. Hindi sila? Akala ko pa naman..
"Alam ko wala ako sa posisyon para sabihin sa'yo 'to. Pero kasi sa tuwing nakikita kita parang nakikita ko ang sarili ko sa'yo. Nasasaktan ka kapag nakikitang magkasama silaㅡkatulad ko. Para akong pinapatay kapag nakikita ko silang magkasama. Masaya. Magka-holding hands."
Nanahimik ako. Hindi ko alam kung ano ba ang ire-react ko. Tuwa ba? Dahil alam kong hindi sila at meron akong pag-asa kay Chen. Ewan koㅡnaguguluhan ako.
"B-bakit nila ginawa 'to?"
"Dahil sa'yo.."
Nagulat naman ako. "A-ano?"
"Oo. Sa'yo, Xiumin. Pinoprotektahan ka lang ni Chen. Alam mo naman na WD kami, 'diba? Syempre hindi maiiwasan ang gulo. Kaya minabuti niyang ipalabas sa lahat sila ni Suho para ni sinuman ay walang magkagusto kay Suho o kay Chen.."
"Naguguluhan ako. Sa'kin? Dahil sa'kin? Bakit ako? H-hindi ko maintindihan.."
"Dahil gusto ka ni Chen, Xiumin. Gustong-gusto ka niya.."
BINABASA MO ANG
He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)
FanfictionI'll do everything just to make this devil be an angel. [boyxboy story] @-deerqueen