Devil 21

3K 150 10
                                    


"Luhan." Lumingon ako sa tumawag. Nakita ko si Kyungsoo na parang naiiyak naㅡna pumunta sa'kin. "Luhan.."

"Anong problema, Kyung?" Tanong ko.

"Si Sehunㅡmay sakit siya ngayon. At wala siyang ibang hinahanap kundi ikaw.."

Biglang sumikip ang dibdib ko. Sumama ako kay Kyungsoo at pumunta kami sa bahay nila.

Ang ganda bahay nila. Parang museum sa laki. Makikita mong maraming guest room. Pero walang katao-tao. Kahit maids, hindi ko makita. Siguro maraming pasikot-sikot ang bahay na 'to.

Iniwan na ako ni Kyungsoo dito sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Sehun. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto.

"Ugh.." Nataranta ako nang marinig ko ang pag-ungol ni Sehun.

Nananaginip siya. Tapos pinagpapawisan siyaㅡtagaktak ang pawis. Kaya naman mahina kong sinasampal ang pisngi niya. Mabuti naman at nagising na siya.

"Luhan.."

"Sehun-a! I'm here, don't worry." Sabi ko habang binabanlawan ko ang bimpo para pampunas sa katawan niya. "Ano ba kasing pinag-gagawa mo?"

Umiling na lang siya. Tapos ako naman tinanggal ko yung kumot niya at nakita kong shirtless siya.

Jusko, patawarin niyo akoㅡpatawarin niyo rin po si Sehun dahil sa ka-sexy-han niya.

Nagmadali na lang akong pinunasan ang mukha, braso at tiyan niya. "Aray ko, Luhan. Masyado mong dinidiinan. Masakit!"

"Ay sorry!" Eh kasi naman. Nakaka-distract 'tongㅡugh. Nevermind.

Nang matapos akoㅡkinumutan ko agad siya at pinatay ang aircon. In-on ko na lang yung electric fan. Pero nasa low lang.

"Kailangan mong pagpawisan para medyo bumaba ang lagnat mo, okay?" Tumango naman siya. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Luhan, pangako mo sa'kin 'wag na 'wag mo akong iiwan, ha?"

Umiling naman ako. "Sehun, bakit ka nagsasalita ng ganyan? 'Di naman kita iiwan eh. Nandito lang ako oh."

Napahiwalay naman siya sa yakap. Tapos umiwas siya ng tingin. "Wala. Sige."

Naninibago ako kay Sehun. Kahapon pa 'to. Ano bang meron?

Wala naman akong ibang nagawa kundi bumaba at nagpainit ako ng cup noodles.

"Sehun-a! Kumain ka na muna. Dahil pagtapos nito, iinom ka na ng gamot mo."

Ilang oras din akong nagbantay sakanya. Pinakain at pinainom ko na siya ng gamot. Tapos ngayonㅡeto siya. Natutulog na.

Hinipo ko ang noo niya. Medyo bumababa na ang lagnat niya. Kaya naman medyo lumuwag ang pakiramdam ko.

Sinuklay-suklay ko lang buhok niya. Ang payapa niyang natutulog. Kaya napapangiti na lang ako dahil ang cute cute niya. Para siyang bata na natutulog.

Sinong makakapagsabi na sa demonyong 'to pala ako mahuhulog. Kung sino pa yung nambubully sa'kinㅡsiya pa yung nagustuhan ko. Hindi ko rin maintindihan minsan kung bakit ganito eh. Totoo nga yung sinasabi nila naㅡthe more you hate, the more you love.

Mahal na nga ba kita Sehun? Kasi kung eto na nga talaga ang nararamdaman koㅡsigurado naman akong hindi ko pagsisisihan 'to.

---

Lumipas ang dalawang araw. Nakapasok na si Sehun. Pero hindi na siya katulad ng dati. Yung kinukulit akoㅡpinapakilig ako.

Ewan koㅡbigla ko na lang namiss. Magkasama kami lahat ngayonㅡpero ni isa sa'min wala siyang iniimikan.

"Ang tahimik naman!" Basag ni Baek sa katahimikan.

"Oo nga! Anong mga mukha 'yanㅡmukhang na-biyernes santo." Sabi naman ni Kyungsoo.

Nagulat naman ako nang biglang tumayo si Sehun. Hindi ko na alam kung sa'n siya pumunta.

Natapos ang lunch. Kami na lang nila Baek, Kyungsoo at Xiumin ang magkakasama.

"Kyung, anong meron kay Sehun? Bakit siya gano'n?" Tanong ko.

"Ewan ko nga rin eh. Hindi na ako pinapansin niyan sa bahay. Lagi na rin nagkukulong sa kwarto."

Naiiyak ako sa ginagawa ni Sehun. Nong inalagaan ko siya nong may sakit siyaㅡsabi niya 'wag ko daw siyang iwan. Tapos ngayonㅡbakit iniiwasan niya ako? Ano bang nagawa ko?

"Nag-away ba kayo ni Sehun?" Tanong ni Baek.

"Hindi. Wala naman akong naalalang pinag-awayan naming dalawa."

Tumahimik naman silang tatlo. Maski si Kyungsooㅡultimong kapatid niya hindi niya alam kung ano nangyayari kay Sehun. Naging ganyan lang siya nong pag-uwi namin galing sementeryo.

Anong meron sa'yo, Sehun? Bakit ka nagkakaganyan?

---

Nang matapos ang klase. Inayos ko na yung gamit ko. Hindi rin pumasok si Sehun sa buong oras ng klase. Hindi ko alam kung nasa'n siya.

"Bye na, Luhan. See you tomorrow."

"Sige, Suho. See you. Ingat ka sa pag-uwi."

Lumabas ako ng classroom. Tapos habang naglalakad ako sa hallwayㅡnakita ko si Sehun na nasa garden nakaupo sa ilalim ng puno at naninigarilyo.

Tumakbo ako palapit sakanya. "Sehun, anong ginagawa mo? 'Diba sabi ko 'wag ka na mag-smoke. Bawal 'yan dito at nakakasama 'yan sa katawan mo!" Aagawin ko na sana yung cigarette pero nilayo niya.

Tumayo siya at lalakad na sana pero pinigilan ko. "Ano ba nangyayari sa'yo?! Bakit ka biglang naging ganyan?! May galit ka ba sa'kin?!"

"Tss!" Tanging sinabi niya lang tapos tinabig ang kamay ko at naglakad. Pero hindi ako tumigilㅡhinabol ko pa rin siya.

"Sehun, ano ba?!" Pinaharap ko siya sa'kin pero sa iba siya nakatingin. "May nasabi ba ako? May nagawa ba ako? Sabihin mo naman oh. Ayokong nagiging tanga ako, Sehun. Ano bang problema mo?"

Pero hindi siya sumagot. "Sehun, makinig ka naman oh. Masaya naman tayo last week, 'diba? Hindi naman tayo nag-away. Nong may sakit kaㅡinalagaan kita. Sabi mo 'wag kitang iiwanㅡpero ikaw. Ikaw 'tong umiiwas. Ano ba nangyayari sa'yo? Bakit ka bigla-biglang naging ganyan?"

"Wala."

Sa dinami-dami ng sinabi koㅡayan lang ang sinabi niya? Tatalikod na sana siya pero pinaharap ko ulit siya sa'kin at sinampal ko siya.

At kasabay non ang biglang pagbuhos ng luha ko. "Demonyo ka talaga! Nakakainis ka! Dahil kung kailan naman ako nagkagusto sa'yoㅡiiwasan mo ako!"

Gulat siyang humarap sa'kin at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Pinunasan ko ang luha ko. "Gulat ka? Oo! May gusto na ako sa'yo, Sehun! Nahuhulog na ako sa'yong demonyo ka!"

---

Sorry sa maikli at walang kwentang update. Nade-drain na ang utak ko! Jusq. -..-

He's My Devil Boyfriend (Hunhan Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon