SAMLFY- CHAPTER FOURTEEN

1 0 0
                                    

CZARINA's POV

Katapos niyang mag kwento ayon nag ligpit na kami si Louie kasi umalis kasi may meeting sila with his team. Ayun naman si Twittle nakatulog. Si Melvic...

"Tulongan na kita."

"Di wag na at saka bisita ka."

"I insist." hinayaan ko na sya kasi ayokong mag karoon kami ng diskusyon baka mahantong sa ibang usapan

"ahm..ang ganda ng tawagan ninyo. Katulad ng sa--"

"Si Louie ang nag isip nun"

"di ba ayaw mong tinatawag kang Chubby."

"Dati yun...Maraming nag babago Melvic."

"Pati ba yung puso mo nag bago."

"Wag natin yun pagusapan matulog ka na--"

"Czarina okay lang sakin na saktan mo ako. Pero wag si louie. Wag mo syang gamitin--"

"Hindi ako ganun kadesperado para gamitin ko sya. Mahal ko si Louie at kahit kailan di ko gagawin ang ginawa mong pang iiwan sakin."

"Kailanman di kita iniwan"

"Talaga? Hindi ba't sinabi mo sakin na ikakasal ka na?"

Di umimik si melvic.

"Iyan ba ang hindi nang iwan? Pinangako mo yun sakin pero nagiba dahil nag kasakit lang ako. Ang sabi mo pa laban lang tayo. Pero bakit ako lang yung lumaban. Ang dali mong sumuko"

Sa mga oras na iyon bigla nalang tumulo ang luha ko. Akmang aalis na sana ako ng hawakan nya ako sa braso.

"Pls Melvic bitawan mo ako."

"I-Im sorry." Lumuha din sya.

"Sana ganun lang kadali yun. Yung pag sinabing sorry lang ok na, Pero hindi eh. Pinatunayan mo lang na hindi mo talaga ako mahal."

"Minahal kita Rina."

"Tama na Melvic... wag na natin palalain ang sitwasyon maraming bagay ang hindi na maibabalim... kaya pls bitawan mo na ako."

Binitawan nya ako at pareho kaming umalis sa pinaroroonan namin.

MELVIC's POV

"Iyan ba ang hindi iniwan?"

Yan ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko.

Bakit ba iniwan ko sya kung kailan kailangan nya ako sa tabi nya

'Kung alam mo lang Czarina. Mahirap na desisyon ang iwanan ka'

Iyan nalang ang nasabi ko habang patuloy parin na inulit ulit ang mga salitang sinabi nya sakin kanina. Matapos yun ay pinilit ko nalang itinulog ito upang di ko ito lubos na isipin.

Kinabukasan maaga akong nagising dahil nagplano si Louie na maglalaro kami ng basketball--pangalawang paborito ni Louie at Pinaka paborito ko. Nag bihis na ako ng maamoy ko ang tila may masarap na pagkain na niluluto sa kusina ng apartment ni Louie. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa nang aakit na amoy sa kusina at Nakita ko si Czarina na busing-busy sa pag luluto. Kumakanta kanta sya at may pakembot kembot sa balakang. Sandali ko syang pinag masdan. Ang saya saya niya. Bakas sa mukha nya ang saya sa ginagawa  iya. Lalapit na sana ako ng dumating si Louie at niyakap niya sa likod si Czarina.

"Wow ang bango ha?"

"Siyempre niluto ko ito para saiyo yhabby!"

"Ang sweet naman ni chubby ko!" Sabay hinalikan niya ito sa tenga.

"Oy Louie! Ano ka ba! Nagluluto ako!"

"Asus, gusto mo naman!"
Hinalikan nya ito sa leeg.

"Louie! Nakikiliti ako!"
Itinuloy nya parin ang pag halik ng iniharap ni Louie sa kanya si Czarina at hinalikan.

..SAVING ALL MY LOVE FOR YOU..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon