𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 𝑆𝑖𝑥-𝒟ℯ𝒸𝒾𝓈𝒾ℴ𝓃

16 6 0
                                    

ℍ𝔸𝔼ℂℍ𝔸ℕ'𝕊 ℙ𝕆𝕍
𝓓𝓮𝓬𝓲𝓼𝓲𝓸𝓷

"Haechan,"

Sa tono palang ni Jaemin ay alam kong inaantay niya ang sagot ko. Nandito palang kami sa may gate ng school, malapit pero nasa loob na kami ng school namin. Nakatungo naman ako.

"Ah eh kasi.." ano ba isasagot ko dito?

"Nasaang bahay ka kahapon?" Seryosong tanong niya sakin.

"Ito naman parang nanay. Don't tell me na paninindigan mo ang pagiging nanay?" Maarteng tanong ni Chenle, kumunot naman ang noo ko ng makita ang iniinom niya.

"Ang aga aga, Chenle---milktea?" Ngiwing tanong ko sa kanya.

"Oh eh ano naman? Kumain naman ko ng kanin duh." Sagot niya, inirapan ko naman siya.

"Sagutin mo tanong ko." Amp, akala ko nakalimutan na niya.

"Eh ano naman Jaemin kung nasa ibang bahay siya kahapon?" Tanong ni Renjun.

"Tch, ang sabi niya sakin noon ay kahit saan kami nagpunta ay ipapaalam namin sa isa't isa kung nasan kami, kung anong oras uuwi, kung sino ang kasama." Seryosong sagot niya kay Renjun at tumingin ng matalim sakin. "So bakit hindi mo sinabi sakin?"

Napalunok naman ako. "Sasabihin ko sayo mamaya." Mahinang sagot ko.

"Wow oh! Silang dalawa lang makakaalam! Bahala nga kayo dyan, di tayo bati!" Kunwaring nagtatampong asik ni Chenle samin bago siya umalis tapos umalis na rin si Renjun, kami na lang ni Jaemin ang naiwan.

"Hoy, sabihin mo na.." Pagkalabit ni Jaemin.

"Wag kang atat, Jae. Mamaya na, sige pasok na ako." Kumaripas na ako ng takbo dahil alam kong kukulitin niya pa ako.

Dapat pala ay hindi ko pinost yun, wrong move pala ako dun. At nakalimutan kong magprivate account, agoy.

Basag na basag ang utak ko sa klase ngayon. May recitation na nga, may assignment na, may performance na, may QUIZ PA! Ano ba ang meron sa araw na ito at ang aga aga ay binabasag agad nila ang utak ng mga studyante nila?! Buti na lang may dala akong gamot sa sakit ng ulo. Hilong hilo na ako!

Kung pwede lang magpaka-matay dito ginawa ko na eh! Bakit kasi itong course na ito ang pinili ko? Sino ba kasing nagsabi sakin na gayahin ko ang PAPA KO?!

Mayabang ka ba di ba? O nasan yabang mo ngayon?

Nampucha, wag mo akong baliwin ngayon hayup!

Matapos ang limang taong dekada ay nakalabas din kami ng impyerno. Rinig ko ang mga reklamo ng mga blockmates ko.

"Himala buhay ka pa, Ken?" Natatawang tanong nito sa kaibigan niya.

"MAMAMATAY NA ATA AKOOOO!!!" Sigaw niya na parang iiyak na.

"Pucha yung mga pawis ko kanina, tagatak!"

"Mga siraulo, BROKEN HEARTED PROF NATIN!" lahat kami napatingin dun sa sumigaw na yun.

"ANO?!" sabay sabay naming tanong sa kanya.

"Oo, satin ata binuhos lahat ng galit amp." Inis niyang sagot, lahat kami ay kanya kanya na ng inis at galit ngayon.

"Hindi tama yun! Sino ba jowa ni prof? May ituturo lang ako." Seryosong tanong ko.

Stop Playing, My Love | 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 (𝓒𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭)Where stories live. Discover now