𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 𝐹𝑜𝑢𝑟-𝒦ℯ𝓁𝓈𝓎

18 7 0
                                    

ℍ𝔸𝔼ℂℍ𝔸ℕ'𝕊 ℙ𝕆𝕍
𝓚𝓮𝓵𝓼𝔂

"Haechan ayos ka na ngayon?" Agad na tanong ni Renjun nang makita niya ako..

"Oo naman HAHAHA." natatawang sagot ko. "Anong dahilan para hindi ako maging maayos?" Nakangising tanong ko.

Ngumiwi naman siya. "Fake news ata tong si Chenle eh."

"Bakit?"

"Sabi niya kasi nasa hospital ka kahapon---HOY CHENLE NA FAKE NEWS!" Biglang sigaw niya at turo sa likuran ko. Napalingon ako dun at nakita ko nga si Chenle na kumaripas ng takbo patungo sakin.

"Ayos ka na? May masakit pa ba sayo? Ha?" Sunod sunod niyang tanong sakin na tinitingnan pa ang kabuuan ko.

"Ayos nga lang ako." Nakangiting sagot ko.

"Eh bakit nasa hospital ka kahapon?"

"OA lang sila. Sumakit kasi tyan ko.." Pagsisinungaling ko.

Parang nakahinga naman siya ng maluwag. "Buti naman.. akala ko kung ano na ang nangyari sayo eh." Nakangusong sabi niya. "Nga pala, asan si Jaemin? Hindi kayo magkasabay?" Takang tanong niya. Hindi naman ako agad nakasagot.

Mas nauna ako kay Jaemin, hindi ko siya inantay o pinuntahan sa bahay nila Baekhyun. Nagtatampo, nagagalit at naiinis pa rin ako sa kanya, alam kong nag-aalala siya pero sana pinakinggan niya ako. Alam kong may mali ako pero anong magagawa ko? Takot ako sa hospital, may trauma ako sa hospital.

Dahil dun naalala ko ang lahat lahat---hindi ko inaasahang maaalala ko ulit ang lahat ng yun sa sandaling oras lamang.

---TIME SKIP---

Lunch time ngayon, hindi pa ako nagpunta sa cafeteria. Nandito ako sa Triangle Area, inaantay sila. Sabay sabay kasi kaming kakain magto-tropa. Bale makakasama si Jaemin, hay.

"Tropa!" Sigaw ni Jisung na tumakbo papalit sakin. Nag-handshake naman kami, may handshake kami---iba iba ang handshake ko sa kanila.

"Maaga ka ba kaninang umaga?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

"Maraming task eh, 6am ako pumasok." Sagot niya at tumango tango naman ako. "Gusto mo?" Alok niya sakin ng chocolate, shit. Hindi ako pwede ngayon. Umiling naman ako, nagtaka naman siya.

"Kakasakit lang ng tyan ko kahapon HAHAHA." Natatawang sagot ko sa kanya.

"Ay oo nga pala, sorry.. itatabi ko na lang toh para sayo, dude." Nakangiting sabi niya at tumango naman ako. "Ang tagal ata nila." Nilabas niya ang cellphone niya at nagtype dun.

Tumunog ang cellphone ko, nagchat pala siya sa gc namin eh.

✧.*TROPA-Malandi charrr*.✧

pinakacutedito:
Oy, nasan na kayo? Aba, uubusin niyo po ba ang oras ng lunch time?🤨

akocutedito:
kami palang ni jisung dito mga hoy.. GUTOM NA AKO!

sponsor:
sinong hayuuppp ang nagchange ng nickname ko dito?!

sponsor:
wait lang.. may epal dito.. 🙄

humihingalang:
baka ikaw epal, Le?😂

sponsor:
tanggalan kaya kita ng hininga? U want? If u want lng nman eh.

Stop Playing, My Love | 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 (𝓒𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭)Where stories live. Discover now