꧁ℍ𝕒𝕖𝕔𝕙𝕒𝕟'𝕤 ℙ𝕠𝕧꧂
𝒞𝓇𝓊𝓈𝒽Bakit? Bakit kailangan kong magkaroon ng crush sa isang lalaking alam naman nating lahat na malabong magkagusto sa taong tulad ko.
Parang walang pumapasok sa isip ko ngayon, parang hindi ko narinig ang pagtuturo ng proof namin kanina. Kahit kwentuhan naming magto-tropa kanina ay hindi ko rin narinig. Kahit yung pakikipag-ayaw nila Renjun sa ibang grupo dito sa school ay hindi ko narinig kahit nandun ako sa harapan.
Laman lang ng isip ko ay yung nalaman ko lang kaninang umaga. Ang lakas ng tama ko agad kay Mark, eh kahapon ko lang naging crush yun pero kung umasta ako parang ilang buwan o taon na. Grabe ang OA ko.
Nandito ako sa may triangle area, minsan ay maraming studyante na nandito para magbasa, magkwentuhan, tumambay, o kung anu-ano pa. Ngayon kunti lang ang studyante dito. Pinag-aaralan ko lang naman ngayon ay yung binigay na design nung architect na kapartner namin ni Jaemin sa project. Yung babaeng yun, pahirap ng pahirap ang mga design niya bwiset.
Minsan pin-rank pa kami nun eh, binigay samin na design baliktad na bahay---tuwang tuwa ang loko. Eh kung baliktarin ko kaya ang utak niya o buong katawan niya? Matutuwa ba siya dun?
Habang pinag-aaralan ko yung design ay may biglang umupo sa katapat ko kaya tiningnan ko yun at nagulat ako nang malaman kung sino ito. Oh my gosh! Nananaginip ba ako? Hibang na ba ako? Nasobrahan na ba ako kakaisip sa kanya kanina?
"So dito ka rin pala nag-aaral?" Tanong niya sakin ng nakangiti.
Tumango naman ako ng dahan-dahan. Nagpa-process pa sa utak ko itong nangyayari ngayon, nasa harapan ko siya! "I-Ikaw? A-Anong ginagawa mo rito?" Nauutal na tanong ko.
"Sumama ako kay Kuya. he was talking to dean, while I was walking around here---thinking I might see my crush here, in case I saw you, I approached you." Paliwanag niya, napatango tango naman ako. Ouch.
Dito rin pala nag-aaral ang crush niya, partida hinahanap pa niya! Wow, just wow. Mapapa-wow na lang ako sa sobrang inggit at selos siguro. Yung ginagawa niya ay gagawin ko sa kanya eh, nagbabalak pa naman ako na sabihin kay Jaemin na pumunta sa bahay nila para makita siya kaso parang wag na dahil wala na akong pag-asa, may crush siya mga ka-tropa.
"Why are you here alone? Where is Jaemin?" Tanong niya.
"Hindi ko alam eh." Sagot ko na lang at bumaling sa design.
"Ano yan?" Papel.
"Design. This is the design we will do in the project." Sagot ko, takte. Napa-english pa tuloy ako, para akong tigas-buto kung um-english eh. Kakahiya..
"I see, good luck with your project. Alright, I'm leaving, maybe they're done talking. See you around." Paalam niya, tumango lang naman ako sa kanya.
Nang makaalis na siya ay dun ako nakahinga ng maluwag, gosh. Kinakausap lang naman niya pero kinakapos na ako sa hininga ko! I need oxygen pero siya ang oxygen ko :'( char.
Buti nga umalis na siya, so bale hindi na ako pupunta dun para makita siya.
❀❀❀
YOU ARE READING
Stop Playing, My Love | 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 (𝓒𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭)
De Todo🅒︎🅞︎🅜︎🅟︎🅛︎🅔︎🅣︎🅔︎🅓︎ 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 𝙎𝙩𝙤𝙥 𝙋𝙡𝙖𝙮𝙞𝙣𝙜, 𝙈𝙮 𝙇𝙤𝙫𝙚 Nᴄᴛ