𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 𝑇ℎ𝑟𝑒𝑒-ℋℴ𝓈𝓅𝒾𝓉𝒶𝓁

26 7 0
                                    

꧁ℍ𝕒𝕖𝕔𝕙𝕒𝕟'𝕤 ℙ𝕠𝕧꧂
𝓗𝓸𝓼𝓹𝓲𝓽𝓪𝓵


"Patulong tayo kay Mark, Civil Engineering yun." Sabi ni Jaemin.

"Sira, may bisita yun tsaka busy yun." Ngiwing sagot ko.

"Sus, kunwari ka pa." Panbibintang pa niya sakin, langya toh! Tumayo naman siya. "Papatulong tayo siraulo." Asik niya sakin, anak ng! Ano ba yan? Lalayuan ko na nga sana para maka-move on at kapag nagkita kami ulit di ko na siya crush pero tong si Jaemin! ARGHHH!

Sumumod naman ako sa kanya. Ang bilis naman niya? Tumakbo pa ata ang loko. Nakita ko siyang nakikipag-usap na kay Mark, nakakahiya naman. 2nd year college na kami pero hanggang ngayon ay hirap na hirap kami sa simpleng project---simple daw sabi ng iba. Pucha anong simple sa project na uupuan pa o kung anu-anong mga bagay ang ipatong para malaman kung matibay o hindi?!

"Are you fully equipped?" Rinig kong tanong ni Mark.

"Eh nasa bahay pero yung iba nandito." Sagot ni Jaemin.

"I have things there that can be used." Bumaling naman siya sa mga bisita nila. "Mga Kuya, tulungan ko lang---hey," agad na nag-iba ang tono niya nang makita ako. Biglang sumakit ang tagiliran ko pucha! Nakita niya ang naging reaksyon ko dun kaya mukhang concern siya.

Agad na lumapit sakin si Jaemin at hinawakan ako sa braso. "Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya sakin.

"Jae," taragis, ang sakit ng tagiliran ko. Anong nangyari? Lord, please wag mo muna ako kukunin.

"Tara, hospital." Agad naman akong umiling.

"Jaemin," makahulugang banggit ko sa pangalan niya. Umiling ako muli sa kanya.

"Pero Haechan, baka mapano ka eh. Please ngayon lang, hindi ako aalis." Pakiusap niya.

"Ano ba yan?" Tanong ni Baekhyun. "Sobrang sakit ba?" Tumango naman. Bumalik na naman ba? "Ito na naman ba gaya ng dati?"

"Hindi ko alam.. pucha, mama!" Mangiyak ngiyak na usal ko, nanlalambot na ako. Buti nakaalalay si Jaemin sakin.

"Haechan, tara na sa hospital." Seryosong sabi ni Jaemin..

"Jaemin--"

"Haechan, anong gusto mo? Lumala yan?!" Inis na tanong niya sakin. Ayaw ko talaga sa hospital, mama. "Baekhyun-ah tara, dalhin natin siya sa hospital." Utos niya rito. Nagmamakaawa akong tumingin kay Baekhyun. "Haechan," nagbabantang tawag sakin ni Jaemin.

❀❀❀

Wala akong tigil sa pag-iyak ngayon. Sa dalawang dahilan. Una, sobrang sakit ng tagiliran ko, mamamatay na ako dito sa sobrang sakit, pawis na pawis na ako kahit naka-aircon at nakatutok sakin yung aircon---nasa tapat ko kasi. Pangalawa, naalala ko ang nangyari sakin nung bata pa ako--lintiang hospital!

Hindi lang paggagamot sa mga patient ang kaya gawin, kaya ding gawin na magbigay TRAUMA.

Oo, may trauma ako sa hospital.

Kaya simula nang makalabas ako sa hospital ay pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako babalik sa hospital at hindi na ako pupunta pero ito ako ngayon, nasa hospital na naman.. ayaw ko na.. want ko na umuwi..

.·'¯'(>▂<)'¯'·.

"Haechan," nag-aalalang sambit ni Jaemin sa pangalan ko.

"Ang sama mo! Dapat kasi sa bahay na lang---aray! Tapos pinapunta mo nalang yung doctor! Aray ko pucha ka!" Habang inis akong kumakausap kay Jaemin ay nagrereklamo ako sa sakit ng tagiliran ko, binigyan na ako ng gamot para mawala ng kunti ang sakit pero ang sakit pa rin. Mamaya daw nila ako bibigyan ng anesthesia, uminom daw kasi ako ng gamot. Mga siraulo sila, dapat kasi anesthesia nalang ang tinurok sakin agad hindi gamot!

Stop Playing, My Love | 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 (𝓒𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭)Where stories live. Discover now