꧁ℝ𝔼ℕ𝕁𝕌ℕ'𝕊 ℙ𝕆𝕍꧂
𝓕𝓲𝓻𝓼𝓽 𝓑𝓻𝓼𝓽 𝓕𝓻𝓲𝓮𝓷𝓭"Ano na?! Nasan na?!" Pagmamadaling tanong ni Jamaica.
"S-Sandali.." utal na sabi ko habang hinahanap sa bag ko yung notebook niya na sinagutan ko.
"Ang kupad mo!" At dinuro duro niya ako sa sintido ko.
"I-Ito na." Kinakabahan kong abot sa notebook niya. Pahablot niyang kinuha sakin yun. Binuklat niya yun at paniguradong chinecheck niya kung may sagot nga lahat.
Ngumisi naman siya. "Good." Sabi niya sakin. "Next time kasi, matuto kang magbayad!" Sigaw pa niya sakin na sinasampal sampal pa ang notebook sakin. Nakatungo lang ako at nanataling tahimik lang.
"Let's go, babe." Rinig kong aya ng boyfriend niya sa kanya.
"Coming, babe." Sagot niya rito. "Hoy, Renjun. Pumunta ka mamaya rito ha, 2pm! May uutos ako sayo, naiintindihan mo?" Tumango naman ako.
"At anong iuutos mo sa kanya ha?"
Napalingon kami sa isang lalaking dumating dito sa rooftop. May dala siyang timba, nakapamulsa siyang naglakad papalapit samin. Wala siyang emosyong lumapit samin.
"Wag kang mangialam dito!" Sigaw ng boyfriend ni Jamaica.
"Pano naman naka-akyat dito ang hayup na yan?" Inis na tanong ni Jamaica.
"Dahil may hagdan?" Sarkatiskong tanong niya na sagot. "Kung hindi ka bsb0 hindi ka magtatanong kung pano pero kung bsb0 ka magtatanong ka talaga." Dagdag pa niya, ako ang kinakabahan sa kanya eh. Marami sila dito ngayon, kompleto ang grupo nila.
Hindi siya nag-iingat!
"Ano?!" Galit na galit na tanong ni Jamaica. "Ininsulto mo ba ako?!"
"Pano kung OO?" Matapang niyang tanong.
"Hoy, kung sino ka mang gsgu ka ay umalis ka na dito." Seryosong sabat ng boyfriend ni Jamaica.
Hindi siya nakinig. Naglakad siya palapit kay Jamaica at walang anu-ano ay hinablot niya ang notebook na inabot ko kanina at nilagay sa timbang dala niya na.. may tubig?! Lahat kami ay nagulat dun, shit.
Ano bang ginagawa niya?! Gusto na ba ang mamatay?! Pwes hindi ko pa gusto!
"Kung hindi ka bsb0 hindi mo papasagutan sa iba ang assignment mo." Wika niya pa.
"Aba walang hiya ka----" hindi natuloy ang sasabihin ng boyfriend ni Jamaica at napahinto sa pagsugod nang may ilabas na ID card yung lalaking ito. Nakaipit lang yun sa dalawang daliri niya.
Nagtaka ako nang magulat sila nang mabasa ang nakalagay dun. Napaatras pa sila at kita ko ang takot at kaba sa kanila ngayon, sino ba ito? Inis na hinablot ni Jamaica ang ID card sa kamay ng lalaking yun at tiningnan ang nakasulat dun. Gusto ko rin mabasa pero natatakot ako.
Nanlaki ang mga mata ni Jamaica nang makita ito. "H-Haechan Lee," utal niyang sambit na may bahid ng takot.
Haechan Lee? Yun ba ang pangalan niya? Bakit bigla silang natakot?
"Shit." Sabay sabay nilang sambit. "Takbo!" At nagsitakbuhan nga sila! Paunahan pa sila, may nadapa pa nga eh!
0_0
Kinabahan naman ako nang tumingin sakin ang Haechan na ito. "Tumayo ka dyan." Agad akong sumunod sa utos niya. Kung takot sila Jamaica sa kanya ay dapat akong matakot dahil takot nga ako kanila Jamaica eh. "Next time na mahuli kita na sinusunod ang mga utos nila ay hindi ka na makakapag-aral pa, naiintindihan mo?" Seryosong tanong niya.
YOU ARE READING
Stop Playing, My Love | 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 (𝓒𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭)
De Todo🅒︎🅞︎🅜︎🅟︎🅛︎🅔︎🅣︎🅔︎🅓︎ 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 𝙎𝙩𝙤𝙥 𝙋𝙡𝙖𝙮𝙞𝙣𝙜, 𝙈𝙮 𝙇𝙤𝙫𝙚 Nᴄᴛ