꧁ℂℍ𝔼ℕ𝕃𝔼' 𝕊 ℙ𝕆𝕍꧂
𝓜𝔂 𝓢𝓱𝓸𝓹𝓹𝓲𝓷𝓰 𝓑𝓾𝓭𝓭𝔂"Boring."
Wala akong kasamang magshopping o magwaldas ng pera ngayon, hindi ko alam kung anong gagawin sa perang nakuha ko kahapon. Birthday ko kasi kahapon tapos ayun, mga pera ang regalo sakin. Psh, eh payabangan lang naman sila. Pataasan ng kung magkano ang ibibigay. Kung sino ang pinakataas siya pinakagalante ngayong taon, psh. Mga siraulo, ginamit pa ako.
Eh ngayon saan ko toh gagamitin? May ipon na ako para sa sarili ko, nakakatamad magshopping nang magshopping tapos hindi ko naman nagagamit. Yung mga gusto ko nasakin na, ano pa ba ang hindi ko nakuha? Nasakin na ata lahat at kontento na ako.
Okay pa ang mga gamit ko, hangga't magagamit ko pa ay hindi pa ako bumibili ng bago. May stock na din ako, tambak na nga yung cabinet ko.
Si Jisung naman ay hindi marunong magwaldas o magshopping shopping nga, kahit libre ko. Kapag ayaw niya ayaw talaga-hindi na mapipilit. Nagdodonate din ako sa foundation, namimili ako ng maraming pagkain para ibigay sa mga taong nasa lansangan.
Naghahanap ako ng taong makakavibes ko pagdating sa pera pero hanggang ngayon wala akong makita.
Ayaw kong pera lang habol sakin, gusto ko kavibes sa pera pero tunay na kaibigan.
"Jaemin naman, nagmakakaawa ako sayo." Rinig kong pakiusap ng isang lalaki nakaupo sa kabilang upuan. Nandito nga pala ako park, nag-iisip nga. "Jae," ngumiwi naman ako. Parang kahit anong oras ay iiyak na siya sa pagmamakaawa. "Jae, promise ngayon lang. Ang ganda kasi!"
"Promise last na hehehe, sige na..." Ano ba ang gusto ng taong toh kung magmakaawa akala mo naman may nakatutok na baril sa kanya na ready nang iputok sa kanya, tch.
Ang OA ng iniisip ko..
"JAEMIN, PARANG SAPATOS LANG EH!!" Nagpapadyak padyak na ang paa niya. Anong klaseng sapatos? Binaba na niya ang tawag. At kung anu ano ang binubulong niya ngayon.
"Excuse me." Pagsasalita ko. Tumingin naman siya sakin.
"Dadaan ka? Ayun oh, ang lawak." Turo niya sa daan.
-_-
"Magtatanong ako, ano yung sapatos na tinutukoy mo?"
"Ay interesado ka sa sapatos? Ayoko nga! Baka bilhin mo, maubusan pa ako eh." Pagdadamot niya.
Bumuntong hininga naman ako. "Siguro oo, hindi ko ma-i-point out yung point ko eh. Sabihin mo na lang." Medyo iritang sagot ko.
"Gucci Interlocking shoes. Oy wag mo akong uunahan ha?" Pakiusap niya na parang bata.
"Gusto mong bilhin?" Tumango tango naman siya.
"Kaso ayaw akong payagan ng kaibigan ko na magwaldas ako ng pera eh." Nakangusong sagot niya, ngumisi naman ako. Ang bait talaga ni Lord hehe.
Tumayo naman ako. "Gusto ko magkaroon ng partner na mahilig magwaldas ng pera, pero syempre mas maganda kung magagamit mo. So ako bibili ng sapatos na gusto mong bilhin but in one condition." Sabi ko sa kanya, siya naman ay interesadong nakikinig sakin. "Kaibigan na kita ha?" Nakangiting tanong ko.
Tumango tango naman siya. "Sige basta libre-gora!" Masayang sagot niya. Ayos toh ah..
---TIME SKIP---
![](https://img.wattpad.com/cover/319602424-288-k426649.jpg)
YOU ARE READING
Stop Playing, My Love | 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 (𝓒𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭)
De Todo🅒︎🅞︎🅜︎🅟︎🅛︎🅔︎🅣︎🅔︎🅓︎ 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 𝙎𝙩𝙤𝙥 𝙋𝙡𝙖𝙮𝙞𝙣𝙜, 𝙈𝙮 𝙇𝙤𝙫𝙚 Nᴄᴛ