꧁ℍ𝔸𝔼ℂℍ𝔸ℕ'𝕊 ℙ𝕆𝕍꧂
𝓕𝓲𝓻𝓼𝓽 𝓰𝓸𝓸𝓭 𝓶𝓮𝓶𝓸𝓻𝓲𝓮𝓼"Haechan, gising." Mahina niyang pinagsasampal ang mukha ko kaya irita akong gumising.
"Ano ba yun?!" Inis kong tanong sa kanya at bumangon ako. "Anong oras na oh! 11:50pm na!"
"Wag kang sumigaw. Tara, labas tayo." Aya niya at inabot sakin ang jacket.
"Nakasinghot ka ba?" Madiing tanong ko sa kanya na may gigil.
"Tara na. Maganda ang langit, bilis!" Hinatak niya ako paalis sa kama. Kahit labag na labag sa kalooban ay sumama na lang ako sa kanya. -_-
Walang wala ako sa mood ngayon, inaantok pa ako eh. Nakahawak si Jaemin sa braso ko dahil hila hila niya ako. "Hoy, hindi ka ba pagod?" Alam na niya kung ano ang tanong ko.
"Hindi." Nakangising sagot niya. Tibay. Inirapan ko lang siya.
Pagdating sa labas ay huminto siya. Humarap siya sakin at lalagyan niya sana ang mata ko ng panyo para piringan, agad akong umiwas. "Ano yan?" Kunot noong tanong ko.
"Basta, piring lang. Bilisan mo! Aba!" Pagmamadali niya sakin at sapilitan akong piniringan.
"Ano ba tong ginagawa mo, Jae?" Iritang tanong ko.
"Basta." Inalalayan na niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, kinakabahan na ako. Mama! Nasa buhangin na ata kami naglalakad eh. "Malapit na tayo. 11:55pm na." Rinig kong sabi ni Jaemin.
"Jaemin," nagbabatantang wika ko sa pangalan niya.
"Matutuwa ka dito." Hindi na ako sumagot. Huminto kami sa hindi ko alam kung saan at ramdam ko ang pag-alis ni Jaemin sa tabi.
"Gsgu, Jaemin wag mo akong iwan." Natatakot na sambit ko.
"Wag kang mag-aalala, nasa tamang ka. Pagbilang ko ng tatlo, tanggalin mo yan." Utos niya. Pucha..
"Isa.."
"Dalawa.."
"Tatlo.."
Sinunod ko ang utos niya. Pagtanggal ko nito ay bumungad sakin ang hindi ko inaasahan. May mga kandilang nasa buhangin parang naging daan ito o tulay. Sa gitna ay may mga petal ng rosas. Sa dulo nun ay may table at dalawang upuan na ang ganda ng pagkakadesign. Ang ganda ng pagkakaset up! Hindi ko kayang idescribe lahat ng nakikita ko ngayon.
"Love,"
Napalingon ako sa likod ko nang may tumawag sakin. Si Mark, may hawak siyang bouquet of roses, iba iba ang kulay.
"Happy First Monthsary and Happy First Wedding Monthsary." Nakangiting bati niya at inabot sakin ang bouquet.
Pinipigilan ko namang wag tumulo ang luha ko. "What the hell...?" Mahinang usal ko, hindi ko alam ang sasabihin ko. Masyado akong nabibigla dito.
"Don't cry, love. I told you, babawi ako bukas di ba? And that's now because it's exactly 12 o'clock na." Nakangiting usal niya.
Kaya pala nagmamadali si Jaemin. Hinanap ko siya at nakita ko siya sa may kubo kasama sila, Jeno, Chenle, Renjun at Jisung na kinikilig ngayon at tuwang tuwa. Pinagtulungan nila ako.
"I'm sorry, everything is planned." Pag-amin ni Mark.
"A-Akala ko hindi mo alam." At tumulo na ang luhang hindi ko mapigilan.
YOU ARE READING
Stop Playing, My Love | 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 (𝓒𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭)
De Todo🅒︎🅞︎🅜︎🅟︎🅛︎🅔︎🅣︎🅔︎🅓︎ 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 𝙎𝙩𝙤𝙥 𝙋𝙡𝙖𝙮𝙞𝙣𝙜, 𝙈𝙮 𝙇𝙤𝙫𝙚 Nᴄᴛ