𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 𝐹𝑜𝑢𝑟𝑡𝑒𝑒𝑛-𝒪𝓃ℯ 𝒹𝒶𝓎

17 7 0
                                    

ℍ𝔸𝔼ℂℍ𝔸ℕ'𝕊 ℙ𝕆𝕍
𝓞𝓷𝓮 𝓭𝓪𝔂

"Good morning, love."

Binati agad ni Mark nang makita niya ako. "Good morning." Bati ko rin sa kanya. "Kayo palang nandito?" Tanong ko dahil si Mark at Jeno palang nakikita ko.

"Yes," gaya ng ginawa niya kagabi sa upuan ay ganun din ginawa niya ngayon bago ako maupo.

"Thank you."

"For you, my love." Bahagya kaming matawa sa sinabi niya. Linya na niyan tuwing magtha-thank you ako sa kanya, cute.

"Good morning, babe." Napalingon kami kay Jeno nang may batiin dito, nakangiti siya sa kung saan kaya sabay naming nilingon ulit ni Mark yun. Si Jaemin!

Nagkatinginan naman kami ni Mark na gulat na gulat din siya, parehas kaming nagsasalitan ng tingin jay Jeno at Jaemin. "Good morning." Bati din ni Jaemin sa kanya.

Sabay naman kaming tumikhim ni Mark. "Maybe you want say... something..." Pahina ng pahinang tanong ni Mark.

"Ano yun ha?" Biglang sulpot ni Chenle. Nandito na din sila. "Ano toh, by partner na rin ba ang pagbreakfast? Kaya pala minsan wala akong ganang mag-almusal eh." Ngiwing sambit niya, natawa naman kami.

"Wag ka, by partner na rin ang pag-good morning kaya walang bumabati satin tuwing umaga." Gatong naman ni Renjun.

"Yun na nga eh! Umagang umaga eh sinampal agad sakin ang 'single ka!'" Sagot ni Chenle.

"Jisung batiin mo na kasi," panunukso ni Jaemin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Good morning," bati niya. "guys." Dugtong niya, inirapan naman siya ni Jaemin. May alam siya, ano na naman. Late na naman ba ako sa balita?

"Hoy," makahulugang tawag ko kay Jaemin.

"Hehehe." Nagpeace sign naman siya. Sabi na eh!

Umupo na rin sila, si Mark ang naglalagay ng pagkain ko sa plato ko. Siya din nagserve ng coffee ko. Pinagsisilbihan ako ng asawa ko hahahaha.

(。♡‿♡。)

Si Jeno ay inaasikaso din si Jaemin. Si Chenle, Renjun at Jisung ay parang hindi maipinta ang mga mukha nila dahil sa nakikita nila ngayon. May pairap irap pa sila at kung anu-ano ang mga binubulong nila, hindi ko masyadong marinig dahil sobrang hina talaga o walang boses na lumalabas sa bibig nila.

Baka naman sinusumpa na kami ng mga ito ah.. wag naman sana.

Bahagyang kumunot ang noo ko nang sumakit ang tagiliran ko. Umayos din ang ekspresyon ko nang tumingin sakin si Mark at nilagyan niya ng ham ang plato ko. "Are you okay?" Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. "After you eat, take the medicine. By the way, did you take medicine last night?" Tanong niya na kinagitla ko.

Hindi ako uminom. "O-Oo naman." Pagsisinungaling ko. Nakalimutan kong uminom kagabi, hindi ko nga naalalang iinom pala ako ng gamot eh. Kaya siguro sumasakit ang tagiliran ko ngayon

"Good." Nakangiting sabi niya. Shit. Ngayon lang naman eh.

Matapos namin kumain ay nagtungo kami sa may tabing dagat para dun magpahinga. Mas dumami ang mga tao ngayon dito. Nagkwe-kwentuhan ang mga kaibigan ko kasama si Mark at Jeno, tahimik lang ako dito sa tabi.

Nakatingin lang ako sa magandang lagay ng dagat ngayon. Pagkatapos ba ng operation ko kung sakali ay mawawala na ba tong sakit na nararamdaman ko?

Hindi ba yun pansamantala lang?

Stop Playing, My Love | 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 (𝓒𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭)Where stories live. Discover now