꧁ℍ𝕒𝕖𝕔𝕙𝕒𝕟 ℙ𝕠𝕧'𝕤 ꧂
ℱ𝒾𝓇𝓈𝓉 ℳℯℯ𝓉Nandito kami ng kaibigan ko sa punyemas na bahay ng pinsan niya. Bwesit kasi yung pinsan niya eh, lagi akong iniinis. Nandito lang kami ng kaibigan ko ay dahil may ibibigay siya rito-pinabibigay nung kuya ni Jaemin. "Ano ba yang pinsan mo? Pinaglihi ba yan sa pagong?" Iritang tanong ko. "Ang bagal bagal niyang kumilos, ilang taong ba siyang magbibihis ha?" Dagdag ko pa. Aba may project pa kaya kaming gagawin. Nananadya talaga tong hayup niyang pinsan eh.
Lunurin ko yun eh.
"Sandali lang," sabi niya sakin. Napairap naman ako. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid na ito. Hanggang sa dumapo ang paningin ko sa swimming pool area nila. At may lalaki akong nakita dun, walang tao dyan kakanina eh pero baka kakarating lang dyan.
Tutok na tutok siya sa laptop na nasa harapan niya. Ang bilis pa niyang magtype. Naka black t-shirt siya at black short, nakasuot din siya ng glasses. Medyo magulo ang buhok dahil mukhang bagong ligo siya. Shit, ang gwapo niya at ang puti pa.
Hot.
Oh gosh!
Sino naman kaya siya? Ngayon ko lang siya nakita dito. Kinalabit ko si Jaemin habang nakatingin pa rin sa lalaking yun. "Sino ang guy na yan?" Tanong ko sa kanya.
"Kapatid ni Baekhyun." Sagot niya at nagulat naman ako. Napatingin naman ako sa kanya.
"May kapatid ang siraulong yun?" Gulat na tanong ko at tumango naman siya. "Ano pangalan niya?"
"Mark Lee."
"Lee? Bakit magkaiba ang apelyido?" Takang tanong ko.
"Magkaiba ng daddy." Mahinang sagot niya at napatango tango naman ako. Muli akong tumingin dun lalaking nag-ngangalang Mark Lee.
Mas gwapo siya HAHAHAHAHAHA gwapo naman si Baekhyun, bwiset lang talaga.
"Mark!" Simula sa taas ay narinig ko ang malakas na boses ni Baekhyun, rinig na rin ang yabag ng paa niya. Nakita naman namin siyang bababa na. "Ito ba yun?!" Malakas pa niyang tanong. Tumakbo pa yan patungo dun kay Mark.
Si Mark ay naka-focus lang dun sa laptop nito, parang hindi naririnig si Baekhyun. Ano ba ang ginagawa nito sa laptop niya at parang ang hirap niyang madistorbo? Lumapit na si Baekhyun sa kanya at inabot ang folder. "Kuya, kelan pa naging yellow ang orange?" Dismayadong tanong ni Mark rito. Pinigilan ko naman wag matawa. Pero si Jaemin humagalpak ng tawa kaya napatingin si Mark sa kanya.
"Baekhyun-ah! Ano? Tumatanda na ba tayo?" Natatawang tanong ni Jaemin sa kanya. Ako ay malapit nang umiyak sa pagpipigil ng tawa.
"Tarantado!" Sigaw ni Baekhyun sa kanya. Bumaling naman siya kay Mark. "Orange ba sabi mo?" Pa-inosenteng tanong niya.
Tss, ayaw lang mapahiya. Tanggapin na kasi..
Bumuntong hininga naman si Mark, kinuha naman niya yung yellow folder. "Sige okay na toh, Kuya. Salamat." Nakangiting sabi niya, awit mabait. "Kanina ka pa ata nila inaantay eh. Pakuha ko na lang kay Manang yun." Dagdag pa niya na nginuso kami.
"Sorry bunso." Napakamot naman ng ulo si Baekhyun, tinanguan naman siya ni Mark at sinabing okay lang. Lumapit na samin si Baekhyun na masama ang tingin. "Nu kelangan niyo?" Masungit niyang tanong.
Pahiya ka lang!
"Oh, pinaaabot ni Kuya sayo." Binigay naman ni Jaemin kay Baekhyun yung isang box na dala niya kanina.
YOU ARE READING
Stop Playing, My Love | 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 (𝓒𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭)
De Todo🅒︎🅞︎🅜︎🅟︎🅛︎🅔︎🅣︎🅔︎🅓︎ 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 𝙎𝙩𝙤𝙥 𝙋𝙡𝙖𝙮𝙞𝙣𝙜, 𝙈𝙮 𝙇𝙤𝙫𝙚 Nᴄᴛ