꧁ℍ𝔸𝔼ℂℍ𝔸ℕ'𝕊 ℙ𝕆𝕍꧂
𝓘 𝓵𝓸𝓿𝓮 𝔂𝓸𝓾 𝓽𝓸𝓸, 𝓶𝔂 𝓵𝓸𝓿𝓮"Haechan, kanina ka pa nagsisinungaling."
Natigilan ako sa sinabi ni Jaemin, nag-aayos kasi kami ng gamit ngayon para bukas ng umaga nakaready na kami sa pag-uwi.
"Hindi lang ako nagrereact dahil ayaw kong masira ang moment kanina." Dagdag pa niya. "Hindi ka uminom ng gamot, may malalim kang pinoproblema." Seryosong sabi niya. "Hindi mo sinasabi na sumasakit ang tagiliran mo, tiniis mo. Bakit Haechan?" Tanong niya.
"Gaya ng sinabi mo, ayaw kong masira ang moment nating lahat." Seryosong sagot ko, ayaw ko naman talaga masira ang araw na ito at hindi kami gaanong mag-enjoy dahil may bahid na ng pag-aalala sa kanila.
"Pero mas mahalaga ka."
"Mas mahalaga ang araw na ito, minsan lang mangyari toh."
"Pwedeng maulit toh, Haechan!" Biglang sigaw niya, nagulat naman ako dun kahit siya nabigla. "Sorry pero Haechan, naman." Parang nakikiusap na usal niya. "Kalusugan mo ang nakataya dito, hindi mo pwedeng isekreto ang kalagayan mo at nararamdaman mo lalo na sa asawa mong iniingatan ka. Kahit ngayon ko lang nakita ang mga ginagawa ni Mark sayo ay alam kong iingatan at aalagaan ka niya talaga." Sincere niyang pagsasalita, hindi naman ako makasagot.
"Haechan, mahalaga ka kay Mark. Nag-e-effort yung tao ng sobra sobra para sayo, yung nangyari nung 12 o'clock ay alam ko na higit pa dun ang kaya niyang gawing sopresa para mapasaya ka lang at makabawi siya sa oras na wala sayo ang atensyon niya. Kaya please, Haechan---nagmamakaawa ako, ingatan mo rin ang sarili mo at alagaan please." Pakiusap niya, lumapit siya sakin at niyakap niya ako. "Wag mo kaming iiwan, please..." Gumagaral na boses na pakiusap niya.
"Para kang sira! Hindi pa ako mamamatay!"
"Pero unti unti mong pinaparamdam."
"Siraulo." Ganun ba ang ginagawa ko?
"Haechan, best friend mo ako! Kilala na kita!" Asik niya sakin at kumalas sa pagkakayakap sakin. "Muntik ka ng mamatay noon! Buti na lang bumalik ka." Nakangusong dagdag pa niya.
"Hindi pa ako mamamatay, matagal pa."
"Siguraduhin mo lang, ga-graduate pa tayo kaya kaialngan mong magpagaling pagkatapos ng operation mo." Mahinang sambit niya.
Hindi na ako sumagot. Hospital na naman, bukas ay pupunta kami ni Mark sa hospital. Kaya ko naman siguro di ba?
Sa hospital din siguro ako babawiin ni Lord dahil sa hospital kami nag-usap nun at muntik ko ng ikamatay. Senyales ba yun? Pero kung dun nga ay wala na akong pakialam. Tutal may desisyon na ako.
Lumabas na kami ni Jaemin ng kwarto pagkatapos namin mag-usap at mag-ayos ng gamit. Magdi-dinner na kasi kami. Gaya ng breakfast at lunch kanina ay maingay na naman kami. Nakangiti kong pinakikinggan at pinapanood ang mga kahihiyan na lumalabas sa bibig ng mga kaibigan ko.
"Eh patay na patay ka nga dun!" Pang-aasar ni Chenle kay Renjun.
"Anong patay na patay?!" Nanlalaking matang tanong ni Renjun.
"Talaga naman ah! Crush mo kaya ang Yang---" tinakpan agad ni Renjun ang bibig ni Chenle.
"Anong Yang? Oh my gosh!" Parang kilala na namin kung sino ang tinutukoy niya.
YOU ARE READING
Stop Playing, My Love | 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 (𝓒𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭)
Random🅒︎🅞︎🅜︎🅟︎🅛︎🅔︎🅣︎🅔︎🅓︎ 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 𝙎𝙩𝙤𝙥 𝙋𝙡𝙖𝙮𝙞𝙣𝙜, 𝙈𝙮 𝙇𝙤𝙫𝙚 Nᴄᴛ