꧁𝕁𝔸𝔼𝕄𝕀ℕ'𝕊 ℙ𝕆𝕍꧂
𝓢𝓾𝓼𝓹𝓲𝓬𝓲𝓸𝓾𝓼"Pagod, Haechan. Want na magpahinga.."
Lahat kami ay napatingin kay Haechan na nagsalita. Matapos ang ilang oras na pag-aantay namin sa kanya na magising ay yan ang maririnig namin sa kanya? Hindi pa siya gising niyan.
Agad naman kaming lumapit sa kanya. "Anak please, please wag muna." Agad na umiyak si Tita. "Anak.. Haechan..." Sunod sunod na nakikiusap si Tita sa anak niya at wala ng tigil sa pag-iyak. Ako naman ay naiiyak na din, tahimik akong umiiyak at nagdadasal.
Lord naman.. please wag muna.
"Anak ko, gising na please.. gagaling ka anak."
Lahat kami ay nagulat simula nang bumaba ang beat ni Haechan. "Doc! Doc!" Agad na sigaw ni Baekhyun na tumawag palabas ng kwarto. Agad naman akong lumapit kay Haechan at hinawakan ang kamay niya.
"Haechan, please! Wag ganito!" Sigaw ko sa kanya habang nakikiusap.
"Anak! Haechan, wag mong iwan si Mama!" Mas lalo pa kaming umiyak nang dumeretso ang linya ng heart beat niya.
"Pvtang*na, Haechan! Wag kang ganyan! Wag kang mang-iwan! Gumising ka!!" Sigaw ko habang umiiyak at pilit siyang ginigising. "Tita!" Agad na sinalo ni Tito si Tita nang manghina ito at nahihirapang huminga.
Binuhat ni Tito si Tita, pinaupo niya sa upuan at pilit na pinakakalma ako naman ay pinapaypayan si Tita para mabigyan ng hangin, habang ginagawa ko ay napapatingin din ako kay Haechan. Si Mark ang nasa tabi niya ngayon na umiiyak na din. Nakahawak siya sa kamay ni Haechan. Hindi ko marinig ang sinasabi niya. Dumating na din ang doctor at si Baekhyun. Panay ang pagrevive ng doctor dito, pang sampu na pero hindi pa rin bumabalik ang heart beat ni Haechan. Nanghina na ako..
Wag niyong kunin sakin ang kaibigan ko lord please po.
"Haechan..." Umiiyak na banggit ko sa pangalan niya. "Wag mo akong iwan.. wag mo kaming iwan." Paulit ulit kong sinasabi yun habang umiiyak ako at nakatingin sa kanya.
"My husband, please wake up.. please come back to us." Rinig kong pakiusap ni Mark rito. Nilapitan naman siya ni Baekhyun.
Lahat kami ay natigilan nang bumalik ang heart beat ni Haechan sa normal. Tumayo ako at agad na lumapit kay Haechan, niyakap ko siya. "HUHUHUHU SABI SAYO, DI KA TATANGGAPIN NI LORD!" Umiiyak na sigaw ko sa kanya habang nakayakap ako sa kanya.
"Anak ko!" Lumapit din si Tita. "Wag na uulit please.." humihikbing usal ni Tita. Umalis naman ako sa pagkakayakap kay Haechan para mayakap siya ni Tita. Si Tito naman ay dun ko na siyang nakitang umiyak.
Tama bang isipin na kaya hindi siya umiiyak kanina ay para siya ang umalalay kay Tita at kailangan niyang maging matibay dahil kung iiyak din siya at hina-hina ay walang pagkukuhaan ng lakas si Tita.
Nagmulat ang mga mata ni Haechan. "M-Mama, masakit." Unang sinabi niya. Agad na lumayo si Tita.
"Anak please.. laban lang ha? Wag kang susuko parang awa mo na. Nandito kami ni Papa, nanito ang kaibigan mo, nandito ang asawa mo, nandito ang pamilya mo. Please anak.." Pakiusap ni Tita sa kanya habang tumutulo ang luha niya.
Ngumiti naman si Haechan ng nakakaloko. "Ma, nakita ko yung liwanag. Sasama na sana ako kasi may gwapo---ouch." Agad siyang hinampas ni Tita. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dito o hindi.
"Ikaw'ng bata ka!" Asik ni Tita.
"Joke lang syempre pero ma, may liwanag akong nakita tapos nakita ko yung batang ako noon tapos nakita ko din yung batang lalaking na kinuwento ko sainyo noon, Ma. Tanda mo po?" Tanong niya dito, tumango naman siya. "Mama, ang cute talaga nun. Sana makita ko po siya, papagaling ako kasi gagawa ako ng maraming memories kasama yun hehe.. hindi ko pa rin maalala pangalan niya po Ma, ang bad." Pagdaldal pa niya. Kung dumaldal toh akala mo hindi nag-agaw buhay--no, namatay na nabuhay.
YOU ARE READING
Stop Playing, My Love | 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 (𝓒𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭)
Ngẫu nhiên🅒︎🅞︎🅜︎🅟︎🅛︎🅔︎🅣︎🅔︎🅓︎ 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙇𝙚𝙚 𝙎𝙩𝙤𝙥 𝙋𝙡𝙖𝙮𝙞𝙣𝙜, 𝙈𝙮 𝙇𝙤𝙫𝙚 Nᴄᴛ