Chapter 2

23 2 0
                                    

Naghihintay ako ng reply ni Drei ngayon dito sa isang Cafe Resto. Dito kasi kami magkikita ngayon, Napalabi ako dahil sa pagiisip na nagkaayos kami nung pumunta ako sa unit niya. May sakit pala siya. Nung dumating kasi ako tahimik lang. Akala ko walang tao pero nakarinig ako ng ingit. Tapos pumunta ako sa kwarto niya at natagpuan siyang lamig na lamig kaya naman pandalas na akong kumuha ng gamot at pampunas para alagaan siya. Never ko pang nagawang magalaga at di ko alam kung anong gagawin ko nung nagkasakit siya. Ayoko pa naman sa lahat nakakakita ng nagkakasakit. Di ko kasi alam kung anong gagawin ko.

Nung gumaling siya ay bumalik ang saya niya at naglaro kami sa unit. Larong uhm, ano ba pwedeng itawag dun ? Basta yung larong parang truth or dare pero puro dare lang kaming dalawa. Lagi nga siyang nananalo eh ! Kaya yun, ang consequence sakin parati niya akong inuutusan pero madalas nagpapakiss siya sa pero dahil inaabuso niya kabaitan ko. Sa pisnge lang or sa ibang part ng mukha niya except sa lips ! Kaya nung natapos parang siya pa yung nalugi. HAHAHA ! hindi ko maiwasang mapangiti ngayon. Masyado akong kinikilig sa kung anong meron kami.

Sa relasyon naming dalawa aakalaing kapatid niya ako dahil sa itsura ko. Ang taba ko banaman eh ! Pero di niya ako ikinahiya. Do'n palang, nahulog na pala ang loob ko nang hindi namamalayan. Napamahal ako sakanya lalo dahil mukha siyang maangas but at the same time masarap siyang kasama. Totoo kasi siya. Anyway, lagpas na pala ng thirty minutes at wala pa rin siya. Huminga ako ng malalim.

Kahit pala malalim yung pagmamahalan niyong isa't isa di mo pa rin maiiwasang mabahala sa simpleng pangyayari. Lagi kang uunahan ng kaba at takot. Kaba dahil di mo maintindihan kung paniniwalaan mo yung naiisip mo. At takot dahil sa katotohanan. Napatingin ako sa orasan. Di na siguro siya dadating ?

Tumayo nalang ako at lumakad palabas. Paglabas na paglabas ko ay pumikit ako at huminga ng malalim.

Ayokong maniwala pero ba't ganun ?

Naisipan kong lumakad nalang pauwi. Medyo malapit lang naman ang tinutuluyan ko dito. Naiiyak ako. Kailangan ko bang magduda ? Mahal niya naman ako diba ? Tama. Di ko kailangang magduda.

Nasa kalagitnaan na ako ng nilalakad ko nang may humintong kotse sa tabi ko. Nagulat ako. Naglakad nalang ako ng may bilis dahil nakakatakot. Baka mamaya kidnapin ako niyan o kaya rape in. Rape ? Natatawa naman ako. Sinong mangrerape ng isang mataba ? Pero kahit na ! Basta maganda okaya makinis ay di pinalalagpas ng mga taong uhaw sa sex ano ! Nagagawa ko pang magisip ng kung anu~ ano sa kabila ng takot ko. Nakaramdam akong may sumusunod sakin. Napalingon ako. Yung kotse ! Ano bayan. Baka naman OA lang ako ? Baka dito rin ang daan niya. Tama, tama. Kaya binagalan ko ulit ang lakad ko.

Nakakatatlo palang akong hakbang ay may humawak sa braso ko. Sa gulat ko ay sinampal ko siya ! Napahinto kaming dalawa sa ginawa ko. Kahit yung mga tao sa paligid napatingin sa ginawa ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Ba't mo ko sinampal ?" Inis na sabi niya sakin.

"Wag kang manggugulat kung ayaw mong masaktan ! Ikaw pala may ari nung sasakyan eh ba't di ka manlang bumusina o binuksan yung bintana para man lang makilala ka ?! Nakakainis !" Singhal ko sakanya. Napaiwas ako ng tingin at nagbuntong hininga. "Sorry. Akala ko kasi kung sino eh. Natakot ako, pwede bang wag mo ng uulitin yon Mr. ?"

"Prolazo." Pakilala niya. "Okay. Mister Prolazo, bakit ka ba kasi nakasunod ?" Si Prolazo, siya yung assistant na inihire ni Ms. Krista. Ang alam ko ay magkapatid sila. Di ko kasi alam apelyido ni Ms. Krista, HAHAHA !

"Ano kasi, may dadaanan ako kaso nakita kita Ma'am. Tignan mo yung itsura mo ? Pinagtitinginan ka ng mga tao. Sa'n ka ba nanggaling at parang kawawang kawawa ka ?"

Napatingin ako sa sarili ko. Ano namang problema sa suot ko ? Naka blouse akong checkered, naka pants at walang sapatos dahil nagpaa ako pauwi. Yung buhok ko rin parang binagyo. Eto siguro nanira ng itsura ko !

Tinignan ko nalang si Prolazo ng masama at naglakad na paalis. "Sumabay ka na sakin Ms. Foremeia."

Tahimik. Nakakabingi. Nakakapanis ng laway dahil di kami naguusap ni Prolazo sa biyahe. Saan ba kami pupunta ngayon ? Malayo na to sa tinutuluyan ko kaya naman di ko na napigilan ang makati kong dila.

"Saan tayo pupunta ?" Tinignan niya lang ako at tumitig na kalsada. Napairap ako at umungol sa inis. "Hindi ka ba magsasalita ? Nakakairita huh ! Kahit kapatid ka pa ni Ms. Krista di kita palalagpasin !" Kung hindi lang ito nagdadrive ay sasabunutan ko to.

"Pupunta tayo sa bahay Ms. Foremeia. Baka magustuhan mo ang makikita mo roon." Saglit na tumingin siya at ngumisi.

"A-ano yun ? Bakit naman sa bahay niyo pa ? At anong magugustuhan k-ko ?" Di na siya sumagot pero di maalis ang kaba ko. May.. may gagawin ba siyang kasalanan ? Napatuwid ako ng upo at pilit na alisin ang nasa isip ko. Di ko alam na manyak ang kapatid ni Ms. Krista !

Kanina pa nakahinto ang sasakyan pero hanggang ngayon ay nakatulala ako. Hindi ko na kaya. Feeling ko matatae ako anytime dahil di ko gusto ang nasa isip ko. "Di ka pa ba bababa ? Mauuna na ako. Hintayin kita sa taas." Napaigtad ako at tumingin ng masama sakanya. Bumaba nalang ako at pinagtitripan lang ako nitong lalaking ito. Ipapakatay ko talaga siya pag kamanyakan ang ginawa niya !

"Open the door." Yun lang sinabi niya sakin. Binuksan ko ang kwarto at nagulat ako ng makita ang laman. Ang kwarto na to..

"Gym ?" Tumango siya at ngumiti. "I just want you to know na kung gusto mong magbawas.." tumingin muna siya ulo hanggang paa at binalik ang tingin "pwedeng pwede ka dito Ms. Foremeia. I'll be your gym instructor."

Napakunot naman ang noo ko. "Ano namang makukuha ko diyan ? Sus. Akala ko pamandin kung ano yun." Ano naman yun Irin ? Hay nakoo.

"Well, pampalipas oras. May boyfriend ka ba Ms. Foremeia ?"

"Please drop the 'miss'. You can call me Irin. Masyadong formal. And yes I do have a boyfriend. At tanggap niya ako kahit di na ako magpapayat. Okay na yung ganito. Basta wag lang madadagdagan. Sige, I have to go."

"Mahirap pa rin kung magiging confident ka masyado. Siya ba yung lalaking naandiyan pag kailangan ka niya pero pag ikaw na ang may kailangan nawawala na ? Well isa lang sasabihin ko sayo Foremeia. Di siya nagseseryoso sayo."

"Ano namang alam mo aber ? Mind your own business Prolazo." Naglakad na ako pababa pero narinig ko pa siyang sumigaw na hahatid niya na ako.

"Dito ka nakatira ?" Hinatid niya ako dahil nahihiya daw siya. Siya na mabait. Supalpalin ko pa siya eh. Pagkatapos niyang pagdudahan ang relasyon namin ng boyfriend ko ?

Di ko na siya pinansin at bumaba sa kotse. "Salamat sa paghatid. Ingat mister Prolazo." Di ko na hinintay ang pagalis niya at pumasok na ko sa bahay. Ano bang masama sa tinutuluyan ko ? Sabagay, isang condominium kasi ako nagpababa. Pupuntahan ko si Drei. I want to make sure.

Di ka nga ba seryoso sakin Drei ?

Don't you dare, Be Aware.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon