Chapter 10

15 2 2
                                    

Dedicated to iamVIPolar
May binigay siyang idea. XD

~~~

Maaga akong natulog nung gabi iyon dahil sinabihan din ako ni Drei na wag akong magsanay na puyat. Napangiti ako. Baliw talaga siya kahit kailan. Two weeks na rin yun.

Wala naman masyadong nangyari ngayong araw kasi wala din ang aking assistant. Kaya walang nangungulit.

Nung nakauwi ako ay nakita ko si Nicole. Kung nagtataka kayo kung bakit si Nicole ay laging nasa bahay.. Well sabi niya sakin ay nagresign na siya. Di ko alam kung bakit niya yun ginawa. Kaya ako ang bahala sakanya ngayon.

"Oh. Tubig.." alok ko kay Nicole na kasalukuyang hinihimas ko ang likod. "Ano bang kinain mo ?" Tanong ko sakanya. Nagiging matamlay siya nitong week. Ahm, three days na siguro. Niloloko ko nga siya lagi na 'baka buntis ka ?' Kaso iniirapan niya lang ako minsan. Minsan naman magdedeny siya ng pabiro.

Im not a doctor, but I know some things. Kaya di ko maiwasang magduda. Two weeks na rin kasi nung nagclubbing siya. Remember the night I went club para hanapin siya ? Hindi siya umuwi ng gabing iyon at alam kong pwedeng mangyari yun. Malay ko ba kung kasama niya ang ex niya. Madami kasing possibilities eh.


"Ayoko nga kasing magpacheck up, Irin !" Ayan. Lalo akong naghihinala dahil parang takot na takot siya pag inaaya ko siyang magpacheck up sa OB.

"Sige. Bili nalang tayo ng PT. hindi ka naman siguro maghihysterical diyan no ?" Wala na siyang nagawa kaya pumunta ako ng Drugstore. Nakakahiya !

"Mukha ba yang buntis ? Eh ang taba niya eh.." sabi nung isang babae na di masyadong kalayuan.

"Malay mo naman.." napangiti ako nang may magsabi nun pero agad nawala dahil may idinagdag ito. "Malay mo kung may baby kaso di talaga halata kasi puro pagkain ang laman." Narinig ko pa ang tawanan nila. Wala ako sa mood makipagaway dahil di ko naman din sila kilala.

Pagkatapos kong bumili ng PT ay binigay ko kaagad kay Nicole. Nagaalangan pa siya nung una. Alam kong nakakatakot talaga pag nalaman mong buntis ka. Kailangan kasi maging aware ka. Yun lang mas nakakatakot ang lagay niya dahil kung may baby man siya. I know it will hurt her feelings because of the father of their child. Bakit ba kasi mukhang sex mga taeng yan ?!

Hinihintay ko lang na matapos si Nicole nang tumawag si Drei.

"Hello.. bakit ka napatawag ?" Sabi ko sakanya.

"Irin, naandiyan ba si Nicole ?"okay ? Tumawag sakin para hanapin ang pinsan ko. Ba't hindi nalang si Nicole ang tinawagan niya ? Jealous ? Hindi naman..

"Oo. Nasa CR lang siya. Tawag ka nalang mamaya.." ako na ang nagend ng call at kinatok si Nicole.

"Cole, ano na ? Are you okay, there ?" Naghintay ako ng sagot pero wala akong narinig. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto but wala parin. Napahinga nalang ako ng malalim. Siguro kailangan ko siya hayaan sa loob muna ? Kaso natatakot ako. Baka kung anong gawin niya eh ! 5Mins. Irin..

Four minutes and twenty seconds. Di pa rin lumalabas si Nicole. Saglit lang ang five minutes pero tingin ko ang tagal tagal dumating ng hinihintay kong oras.

Eight.. seven.. six.. ang tagal litse !

Five.. four.. three..


Napahinto ako nang marinig kong may kung ano sa banyo. Napatakbo ako at kinatok muli si Nicole. Walang sumasagot. Shit naman Nicole !

Naisipan kong tawagan si Drei.. "Drei.. s-si Nicole. Help us.." narinig ko pa ang mga kalansing ng susi niya bago patayin ang call.

Pabalik balik ako ng lakad habang hinihintay si Drei. Ang tagal mo Drei !
Katok lang ako ng katok kay Nicole. Saan ko ba kasi nilagay ang susi ng CR !!

Napaigtad ako nang biglang magring ang phone ko.

"Kailangan ka sa office.." bungad ni Prolazo.

"Kailangan ako ng pinsan ko. Di ko mabuksan ang pinto ng CR. kanina pa siya." Paiyak na ako. Nakakainis. Ako may kasalanan nito eh. Kung hindi ko siya pinilit hindi magkukulong ngayon si Nicole. For pete sake ! Kanina pa siya diyan. Dibale kung naliligo siya o ano. Pero hindi.

Maya maya pa ay dumating si Drei. "Ano bang nangyari ?" Tanong niya sakin.

"Kanina pa siya diyan. Kasalanan ko. Oh my. " Nanghihina na ako. Sinipa sipa ni Drei ang pinto. Medyo natagalan bago mabuksan. Napatakbo kami ni Drei kay Nicole na umiiyak parin sa loob ng CR. A silent one. Yung tipong iyak ng sobrang nasasaktan dahil walang magawa. Never ko pang naranasan ang iyak na yan. Lumapit ako para yakapin siya at itayo. "Sorry Nicole."

Dinala muna namin siya ni Drei sa kwarto. Buti nalang nakatulog ito. Ganon ba kasakit ang magkababy ? O ganun kasakit ang maiwanan pagkatapos ay may dadating. Yun nga lang, sino ang ama ?

"Ano bang nangyari Irin ?" Kanina pa ako tinatanong ni Drei. Pero ayoko naman sabihin na buntis si Nicole dahil ayokong manghimasok. Yes, she's pregnant. Nakita ko ang PT sa lapag ng CR kaya kinuha ko ito.

"Hintayin mo nalang na masabi sayo ni Nicole." Walang ganang sabi ko.

"Anong sasabihin ?"

Tinignan ko siya. "Drei, I told you. To wait for her to tell you. Hindi ko pwedeng sabihin. Alam kong friends kayo at sasabihin niya rin sayo. Wag lang ngayon. " I said in frustration.

Di na nangulit pa ng tanong si Drei. Nagluto siya ng dinner. Pinuntahan ko si Nicole sa kwarto. "Cole.." lumingon siya sakin.

Tumabi ako sakanya at niyakap siya. "Tara kumain.. para lumakas ka. Babawi ako ngayon. Ako naman ang tutulong sayo." Tumayo na ako at hinila siya pero pinigilan niya ako.

Mukhang may sasabihin siya kaya hinintay ko siya.

"May kasalanan ako.."

Kumatok si Drei kaya napahinto kaming dalawa. Binuksan niya ang pinto, kasabay nun ay ang pagluwa ni Prolazo katabi niya. Anong ginagawa niya ?

Kumakain kaming apat ngayon. Di ako mapakali. Feeling ko may something na namumuo ngayon pero ikinakain ko nalang. Nakakainis kasi si Drei eh ! Panira. Yan tuloy hindi nasabi ni Nicole ang gusto niyang sabihin. Baka matagalan pa..

"Anong pinunta mo pala ?" Biglang tanong ko kay Prolazo. Tumitig muna siya sakin at napatingin sa dalawa. "Sabi mo kasi may emergency. That's why I came. Okay na pala eh."

"Then you can go after you eat." Sasawayin ko sana si Drei kaso biglang sumabat si Nicole. "Please respect the food. Kung may di kayo pagkakaunawaan, sa ibang pagkakataon niyo nalang yan ituloy." Napatahimik ang dalawa. Aba. Malakas ang charisma talaga ng pinsan ko !

Di rin nagtagal ay umuwi na si Prolazo at Drei. Nakaramdam ako ng tensyon sa pagitan nila pero isiniwasiwas ko lang ito. Si Nicole naman ay umakyat na. Ako ang nagligpit ngayon ng kalat.

Napahinga ako ng malalim.. di ko alam pero di ko maiwasang magassume. Bakit nakakaramdam ako ng tensyon sa dalawa ? Kahit si Nicole ay nakaramdam din. Di kaya..

Nah.. imposible naman yun. May boyfriend ako. Di pa ba ako kuntento ? Bakit nga ba iniisip ko ang nararamdaman ng iba para sakin ? May nabubuo na nga ba talagang feelings para kay Prolazo ?

Sana naman ay wala, ayokong saktan si Drei.

Don't you dare, Be Aware.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon