Chapter 4

14 2 0
                                    


"Miss Foremeia, pakisign nalang daw po ito pinapasabi ni Miss Kristalyn." Napaangat ang kilay ko kay Prolazo. Ano naman kayang nakain nitong lalaking to at mabait ngayon ? May binabalak kaya ito ?

"Okay. Ako nalang magbibigay sakanya. You may go now." Sabi ko nang hindi nakatingin pero napansin kong hindi pa rin to umaalis sa kinatatayuan niya.

"I said you may now go." Walang lingon na sabi ko at patuloy na pumipirma sa pinapasign ng ate niya. Huminga nalang ako ng malalim at di na siya pinansin.

"I told you na maaari ka ng lumabas Mr. Prolazo." Nanlalaking matang sabi ko. Ilang minuto na kasi at naiilang ako dahil naglalakad siya ng pabalik balik sa office ko at sumisipol pa. Nakakairita.

Pero imbes na sundin ako ay lumapit siya sakin at inilapit ang mukha niya sakin dahilan ng pagatras ko. "Miss Foremeia, assistant mo ko rito at bilang assistant ay tutulungan kita sa mga ginagawa mo."

"Yun na nga eh. Pinapaalis na kita kanina pa but you keep being here in the office ! Naiilang ako !" I saw him smirked. Okay ? Assuming siya.

"Ba't ka naman naiilang ?" Lumayo na siya pero nakatingin pa rin siya sakin nang nakangisi.

"Because somebody is here ? I can't focus Mr. Prolazo. I used to do things without someone's presence. Lalo na kung ako lang ang gumagawa. Understood ?" Nawala ang ngisi sa mukha niya pero napalitan ng kunot ng noo. Pati tuloy ako ay napakunot.

"Okay. If that's what you want then I'll help you to clean this office. Napansin kong madumi na rin eh." Napanganga ako. Gusto ko siyang tawanan dahil kung ikukumpara kami sa ibang storya ng mga tao, ako dapat ang ganyan kakulit. Pero sa nakikita ko parang siya ang babae samin at ako ang lalaking arogante na ayaw na ayaw mapapakialamanan.

Natapos ang trabaho nang may pagod na nararamdaman. Okay lang sakin to dahil sanay na rin ako. May mga pagkakataon na mas nakakapagod pa kaysa rito pero ngayon ay iba. May isang tao kasi kanina pang nangungulit sakin kaya pati utak at bunganga ko ay pagod kakasaway sakanya.

"I told you that Im now going. Pagod ako at ayokong maggym." Simula kanina ay nangungulit na ito na maggym kami dahil wala daw siyang kasabay. Lame excuses eh ? Sa kanila yun. Pwede naman siyang maghanap ng iba. Bakit ako pa ? Nakakainsulto kahit pa gustuhin ko.

"Please Madonna.." I stopped. What did he just said ? I face him and I saw him stopped. "Anong tawag mo sakin ?"

"Madonna ? Why, pangalan mo naman yun diba ? Bakit parang takot ka sa pangalan mo ?" Huminga nalang ako ng malalim at hinawakan siya sa braso na ikinastiffened niya.

"Tara na. Maggym na tayo para matigil ka sa pangungulit mo."

Nakarating kami sa bahay nila at kahit pagod na ako at gusto ng matulog ay pinagbigyan ko na ito. Nakapagbihis na rin ako ng damit pang workOut. Pinahiram ako nitong lalaking ito ng damit niya. Kasya naman iyon kahit mataba ako. Mamuscle naman kasi ito tsaka kahit tee ng mapapayat na lalaki ay nagkakasiya sakin minsan. MINSAN.

"Tara na para matapos na." Pumunta na ako sa threadmill pero napahinyo rin ako at tinignan siya. "Sige mauna ka na. May kukuhanin lang ako." Magsasalita pa sana ako pero umalis na siya. Huminga nalang ako ng malalim at tinitigan ang threadmill.

Inabot ng ilang minuto ay nakabalik na rin si Prolazo. Nakita ko pa ang pag iling niya papunta sakin. "Sabi na eh." Nakangisi pa. Sos ! Ang sarap lamukusin ang pagmumukha nito.

"Yabang huh. Malay ko ba diyan.." napaiwas nalang ako ng tingin. Eh pa no ba naman. Anong alam ko sa gamit na yan. Oo alam kong threadmill yan but excuse me ! I dont know how to use it. Alam kong may on and off dun pero kasi natatakot ako baka mabilis yung mapress ko. Maganda na rin yung andiyan siya para may guide ako kaya hinintay ko na siya. Yun kasi sasabihin ko kanina kaso lumabas na siya.

Hanggang ngayon ay naririnig ko ang pagtawa niya nang pasaglit saglit. Ayoko maging assuming pero feeling ko ako pinagtatawanan niya dahil wala akong alam sa bagay na naandito.

"Psh." Irap na sabi ko at narinig ko nanaman siyang tumawa kaya tinignan ko siya ng masama. Nawawala pagod ko ngayon kahit ramdam ko ang lagkit sa katawan ko. Inabot kami ng dalawang oras dahil nagenjoy akong itry lahat ng andito sa gym room niya.

Nakishower muna ako bago magpaalam sakanya. Pinapakain niya ako pero tumanggi ako. Sayang kasi ang nabawas kung ikakain ko lang ulit. Kaya sinabi nalang niya na uminom nalang ako ng tubig.

Sabi niya ay magshashower muna siya bago niya ako ihatid pero dahil sa pagod ay nakatulog ako sa couch niya kakahintay.

"What did you do with that guy at mukhang nagkasiyahan kayo ?" Di pa man ako nagmumulat ng mata ay yaan agad ang narinig kong sabi ni Drei. Siguro ay hinatid ako kagabi ni Prolazo at ang alam niya ay dito ako umuuwi dahil dito ako nun nagpahatid.

Kinusot ko muna ang mata ko at tumingin sakanya. "Wait lang. Maghihilamos muna ako then we'll talk."

"So yun nga, yun ang ginawa namin. Nagwork out lang. Nakatulog ako kasi magaayos daw muna siya. Di ko alam na naihatid niya ako dito. Don't be mad Drei." Kinuwento ko lahat ng nangyari kahapon. Ngayon ay isang tingin na parang nanunumbat ang ibinigay niya sakin. "Wag na wag mo akong lolokohin Irin. You know me."

Yes I know him. Pag magseselos siya alam ko kung paano siya magalit at magtampo. Kahit ganun siya kababaw minsan ay natutuwa ako dahil sa ganung bagay mas nakikita kong mahal niya ako.

"Yes po Mr. Merrago. Tara na nga kumain na muna tayo at may pasok pa tayo." Hinila ko siya papuntang dining area at naghain. I wonder kung anong napagusapan nila kagabi ni Prolazo kung nagusap ito.

Pagkatapos namin kumain ni Drei ay hinatid niya ako sa trabaho ko.

"Im going now." He said and kissed me in my cheeks. Pumasok akong may ngiti sa labi at napangiti ako lalo ng makita ko ang mga officemate ko na maganda rin ang mood.

"Good morning Prolazo !" Bati ko sakanya. Pero tinanguan niya lang ako at umalis sa harap ko. Gusto ko tuloy sumigaw at hampasin siya ! Anong problema niya ?!

Don't you dare, Be Aware.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon