Chapter 18

6 0 0
                                    

"Akin na nga iyan ! Sino ba kasing nagsabing kuhanin mo yung phone ko ?!" Singhal ko kay Prolazo dahil bigla bigla ba naman kinuha yung phone ko. Eh kita ngang may kausap yung tao eh..

"No phone calls during office time dear. Baka gusto mong isumbong kita kay ate?" Inirapan ko siya at nag made face. "Oh come on Prolazo ! Si Kyle lang naman yun. Bakit ba ganyan ka umasta ? Akala mo naman boyfriend kita. Ilang weeks ka ng ganiyan sa akin." Yup. Kung umasta siya akala mo boyfriend. Two weeks na simula ng.. hm. Yung araw na iyon at ito ako, laging kinukonsumisyon ni Prolazo.

"Sabi naman kasi sayo. Ako nalang. Lets have a truce, magiging tayo." Sabi niya habang nakacrossed arms. "Anong mapapala natin sa truce truce na iyan aber ?" He smirked and lean on my table kaya naman ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Makakamove on ka kay Drei." Tumaas ang kilay ko. "Eh sayo ?" Nilayo niya ang mukha niya at nagside view. "Wala.. wala pa akong naiisip kung anong silbi niyan sa akin."

Tumayo ako para lumapit sa kanya at binatukan siya. Tumingin naman siya sa akin at sinamaan ng tingin. "Baliw ka ba ? Paano kung nakamoved on nga ako, di mo ba naisip na masasaktan ulit ako dahil may possibility na mainlove ako sa iyo?" Ngumiti siya ng malawak. Nagtaka naman ako bigla, may nasabi ba ako ? Inisip ko ang sinabi ko at biglang nanlaki ang mga mata ko dahil ambobo ! Assuming ako masyado. Napalunok ako at umiwas ng tingin sa kanya.

"Malay mo pag nainlove ka na sa akin maging masaya ka na ? I like you Irin. And alam kong matutulungan kitang makalimutan ang bastardong iyon." Napatingin ako sa mata niya at nakita kong sincere? Nah.. hindi ko kayang basahin ang mata ng lalaking ito pero ewan ko ba ! Pakiramdam ko kailangan kong magtiwala sa mga binitawan niyang salita.

Umupo ako at tumingala. "Tigilan mo ako lalaki. Wala kang mapapala sa akin." Naramdaman kong lumapit siya sa akin at umupo sa table ko. Nabigla ako nang hawakan niya bigla ang kamay ko ng mahigpit. Ramdam ko ang pagiging safe at ang init ng kamay niya sa kamay ko. "I will wait for you.. " pagkasabi niya no'n ay lumabas na siya dala dala ang mga files na natapos ko ng gawin.

Napabuntong hininga ako. Naisip ko, paano kung si Prolazo ang boyfriend ko ? Kami pa rin kaya hanggang ngayon ? O malalaman ko rin na tulad siya ni Drei ? Kahit hindi ko man aminin, alam kong naaattached na ako sa lalaking ito. Bakit ba kasi ganito siya ? Hindi niya ba nararamdaman na nakakafall ang ginagawa niya ? Wait. Let me clear you, hindi ako napofall but may parte sakin na masyadong naooverwhelmed sa mga ginagawa niya. Nakakaspecial kasi ang dating.

Ayoko siyang maging rebound pero nakikita kong sasaya ako pag nandiyan siya. Yun nga lang iba na kapag may something na sa inyong dalawa. Hindi mo alam kung hanggang saan kayo mapupunta. Hindi mo alam kung para ba kayo sa isatisa.

Okay lang naman ang sumubok ulit pero ang hirap maibalik ang sarili mo sa dati. Isang beses pa nga lang mahirap na. Paano pa pag paulit ulit at alam mong naging totoo ka ? Masasaktan ka diba. Pero ganun talaga, hay ano ba ang pinagsasasabi ko ?! Hahaha. Nababaliw na ata ako.

Nang dumating na ang paguwi namin ay dumaan ako sa isang gym at nagwork out. Naging past time ko na ang work out. Yung dating weight ko na 76 ? 74 Nalang. Hoy ! Malaking bawas na yun sakin ano. Simula ng wala na akong boyfriend at kasama sa bahay ay ito ang ginagawa ko. Ayoko sa bahay nila Prolazo. Hindi sa nahihiya ako, medyo nakakaramdam na kasi ako ng awkwardness pag kaming dalawa lang ang magkasama eh.

Naka tee lang ako na maluwag sakin at jogging pants. Ang baduy tignan para sa ibang tao pero anong magagawa ko ? Alangan namang mag crop sando ako at shorts, baka ipatapon pa ako ng mga instructor dito gamit ang barbel. XD

Nagpunta na ako sa boxing area. Sabi nila effective ang pagboxing kaya naman ito ang napili kong gawin. Ang isipin na si Drei ang punching bag at susuntukin ko ito ng lakas na kaya ko.

Nagsimula na akong suntukin ang punching bag at halos panggigilan ko na ito dahil sa pagiisip na ang Drei na iyon ito !

Nang magsawa na ako ay pumunta na ako sa threadmill. Sinaksak ko ang earphones ko at nagsimula ng tumakbo..

"Wala na kong magagawa
Para mapigilan ka.
Tinatanong ko ang sarili
Kung saan ako nagkamali ?

Wala na talaga. Tinapos niya na, at hindi ako ang nagkamali sa amin. Kung may kulang man sa akin. Maling mali pa rin siya. Teka !
Ano ito ?! acoustic habang tumatakbo ? Hahaha. Nababaliw na talaga ako.

Di ko rin inakala
Na ika'y mag iiba.
Oh ka'y saya ko sayong piling
Bibitaw ka rin pala.

Tama. Lahat ng bagay masaya ka man o hindi, may hangganan. Kahit sabihin mo pang siya na ang naiimagine mong maghihintay sayo sa altar, di mo aakalain na posible palang siya ang mangiwan sayo sa ere.

Di ka ba nanghihinayang sa atin
Kailangan na bang tapusin.. ?

Wala na, nakapag usap na kami eh. Binigyan ko siya ng chance para mapatunayan ang sarili niya pero nabigo ako. Mas pinili niya ang pinsan ko - ang tinuturing kong kapatid.

Sandali lang wag mo munang
Sasabihin ayaw mo na.
Di ba pwedeng pag usapan ang lahat
Ng ito ?

Kaya pala unti unting lumalamig
ang iyong mga halik
Di ko na maramdaman
Ang dati mong pag ibig.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mata ko. Hindi ko agad naramdaman na may nagiba sa mga halik niya. Pero nang maramdaman ko iyon, di ko alam na dahil yun sa pinsan ko.

Di ka ba nanghihinayang sa atin
Nagsawa ka na sa akin ?

Sawa na siya sa akin ? Baka hindi. Baka natukso lang talaga siya. Baka kasi mahal niya talaga ako pero .. hays.

Sandali lang wag mo munang sasabihing
Ayaw mo na
Di ba pwedeng pagusapan
Ang lahat ng ito.

Di ko alam
Kung may nagawa akong
Kasalanan..
Bigla ka lang nang iwan ng walang dahilan
walang dahilan..

May dahilan naman sa akin eh. Yun lang hindi ko talaga matanggap hanggang ngayon.

Pinatay ko na ang music ko dahil lahat ata ng maririnig ko ay maiisip ko siya.
Tinignan ko ang oras at 11:28 na ng gabi. Nag ayos na ako para gumayak, pagtapos ko ay nagpaalam na ako sa kakilala kong instructor at pumunta na sa parking lot para magdrive.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong nanibago. Napakatahimik. Di ko alam pero sobrang laki ng nawala sa akin.

Hanggang kailan ba ? Hanggang kailan ba kita maiisip ? Gaano katagal pa bago kita makalimutan ?

Don't you dare, Be Aware.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon