Chapter 8

15 2 0
                                    

Nakakaloka ! Pagkatapos masabi sakin yun ni Prolazo ay agad akong tumungo sa office ko at dinial ang number ni Drei.

"Hi Drei. Nasaan ka ?" Ilang sandali ay nagsalita siya. Pinakikiramdaman ko lang ang kabilang linya.

"Here in resto."

"Oh. Pupunta ako. San ba yan ?" Pinakiramdaman ko ulit iyon. Pero wala akong naririnig masyado. Siguro nga ay nasa resto siya. Di naman ganun kaingay sa mga resto, right ?

"Irin, Im on a hurry. Punta ka nalang unit later okay ? Love you." Then he hunged up. Napaupo ako sa swivel chair at humanga ng malalim.

I have no works today so I went to Drei's unit. Nasa elevator ako ngayon. Di ko maiwasang kabahan. And I don't know why. Hindi ako dapat naniniwala sa pinagsasasabi ng iba. Pero kasi.. may something kay Prolazo na lagi akong napapasunod. May something sa pananalita niya na akala mo dapat ka laging maniwala sa kanya kung hindi ay magsisisi ka.

Pero dapat din ay iwasan ko iyon dahil baka pinaglololoko lang ako nun. Nakakatawa pero para sa assuming katulad ko. Malay ko ba kung crush niya ako at sinisiraan niya lang si Drei. Pero hindi eh. Ay ewan ! Katotohanan lang ang magsasabi kung ano talaga ang dapat at sino ang paniniwalaan ko.

Pumasok ako sa unit ni Drei. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig nang may magsalita sa likod ko. "Kanina ka pa ?"

"Ano ka ba Drei ! Nakakagulat ka naman eh." Nginitian niya lang ako at umupo sa couch. "What's with the sudden visit ?"

Tumabi ako sakanya at kumuha ng throwpillow at ipinatong sa lap ko. "Nah.. wala kasi akong pasok. Pero pinatawag ako sa office. Naiwan ko tuloy si Nicole sa bahay. Tara sa bahay ? Kilala mo naman pinsan ko right ? Tara dun ?" Napatingin siya sakin. I saw something in his eyes.. no, bakit naman ?

"Ahm, .. " biglang nagring ang phone niya. Text lang actually. Tinitigan ko lang siya habang binabasa ang text at kita ko na naging uneasy siya. He blinked before facing me. "Ahm, sige."

Dala ko naman ang kotse ko kaya ito nalang ang ginamit namin. Ako ang nagdrive dahil mas sanay ako na ako lang ang nagdaddrive kapag nakasakay ako dito. Baka sabihin nila ginagawa ko silang driver.

Pagdating namin sa bahay ay nakita namin si Nicole na nagsecellphone. Nang makita niya kami ay nabigla siya at napangiti. "Oh. Hi." Bati niya samin.

Nagpunta ako sa salas at uminom ng tubig. Ewan, masyado akong nagiging uhawin ngayon. Dala siguro ng init ng panahon. Nagtimpla narin ako ng juice at idinala kay Nicole at Drei.

Napansin ko na nagkakasundo ang dalawa kaya iniwan ko muna sila sa salas at naligo ako. Pagkatapos kong maligo ay may text sa phone ko.
2 unread messages

Kay Prolazo. Ayokong buksan pero baka tungkol sa trabaho.

Prolazo:: dadalhin ko mamaya diyan yung mga paperworks. Bukas mo rin daw ipapasa.

Prolazo:: I will help you.

Help saan ? Sa paperworks ? Bumaba ako at nakita kong nagtatawanan si Nicole at Drei. I flinched. Bakit nakaramdam ako ng sakit ? Nagseselos ba ako sa pinsan ko ? Bumaba nalang ako at nilapitan ko sila. "Seems like you're enjoying each other, huh ?"

Napatingin silang dalawa sakin at biglang ngumiti si Nicole. "Yep. Madali naman palang pakisamahan ang boyfriend mo eh." Nginitian ko siya at tumabi kay Drei. "Naku. Nung una hindi, akalain mong magiging kami ? I didn't expect that coming." Tumingin ako kay Drei nang nakangiti. Nginitian niya ako but I know its not real. Why ? Iniwasan kong magisip ng kung ano. Ayoko. Dahil sa pinagsasasabi ni Prolazo nalalason ang utak ko.

Don't you dare, Be Aware.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon