Chapter 14

8 2 0
                                    

"Ah.. nagpasama kasi ako kay Andrei. Hindi kasi ako nasamahan ni Karl." Tumango ako habang nakangiti. "Oh. Sino si Karl ? Iyon ba ang walanghiyang lalaki ?"

Tumingin si Drei kay Nicole - na nakatingin sa akin at ngumiti. Pilit. "Hindi siya iyon." Hindi na ako nagtanong dahil gusto ko ng lumayo at umalis sa harapan nila.

"Ah. Sige, una na kami. Madami pa kasi akong gagawin. Ingat kayo, text mo na lang ako pag nakauwi ka na." O kung hindi man. Hay..

Hindi ako nagpahalata na naghihinala kaya naman lumapit ako kay Drei at hinalikan siya sa cheeks. Nakita ng peripheral vision ko ang biglang iwas ng tingin ni Nicole. "Sweet talaga ng boyfriend ko !" Kinurot ko siya sa cheeks at nagsimula ng maglakad papalayo. Kung saan hindi ko sila makakabunggo. Nang matantiya ko na malayo na ako ay umupo muna ako sa nakita kong upuan. Wala akong pakielam kung bawal dito o ano.

Kailangan ko lang umupo at pakalmahin ang sarili ko dahil nanghihina ako.. Di ko alam kung nakasunod ba si Prolazo o naiwan doon. Ngumisi ako ng matabang at hinawakan ang sentido. Gusto ko silang murahin pero hindi ko magawa.. kinain ko ata lahat ng sinabi ko.

"Makita ko lang ang walang hiyang lalaking iyon !"

Tumawa ako ng mapakla. Ngayon nakita ko na pero hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya.

"Bakit ayaw niyang hiwalayan ang girlfriend niya ?"

"Kasi.. baka nahihirapan siya, at may kailangan."

Anong mahirap sa hiwalayan ka kung may mahal ka namang iba ? Anong kailangan niya sa akin para mahirapang hiwalayan ako ? Pero kaya ko bang mawala siya ?

"Kung ikaw yung girlfriend, papayag ka ba ?" Huminga ako ng malalim. Madali lang talagang sabihin ang isang bagay pero napaka hirap pagdesisyunan.

Ngayong totoo na ako ang girlfriend ng walang hiyang lalaki na iyon, siguro nga ay kailangan kong tanggapin iyon at hiwalayan siya kung kinakailangan. Para sa pinsan ko. Para sa magiging pamangkin ko..

"Gusto mong magleave ?" Umangat ang tingin ko sa taong nasa harapan ko na may abot na hanky. Do'n ko lang napagtanto na umiiyak na ako. Kinuha ko ito at nagpahid ng luha.

Tumungo ako at kinagat ang labi ko. Naiiyak na naman ako. "Tara na sa office."

Wala pa masyadong ginagawa kaya naman ay naisipan namin ni Prolazo na magusap sa office ko. "Anong plano mo ?" I shrugged. "Makikipaghiwalay ako.." kahit labag sa kaloob looban ko.

Kumunot ang noo niya. "No." Mariing sabi niya kaya napatingin ako. "I mean, okay lang sayo ?"

"Sabi ko nga, hindi madaling gawin ang pakikipag hiwalay sa kanya, but sad to say.. I need to let him go for the sake of my cousin and her baby. Mahal ko ang pinsan ko. Sinabihan ko siyang gagawin ko ang lahat para sa kaniya. At nakikita ko naman na talagang mahal nila ang isa't isa eh.." di ko na napigilan ang luhang tumakas sa mata ko.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Prolazo sa akin. Kailangan ko ng makakasama ngayon. Kailangan ko ng kausap ngayon.. at nagpapasalamat ako dahil si Prolazo ang taong iyon.

"Paano mo nasabi ?" Kumalas ako at tinignan siya. "I saw how Drei cares for her. I can see how sincere he is also when I saw them kissing. At kay Nicole naman.. di siya susugal kung di niya mahal ng buo si Drei. Knowing the fact that Drei have me. Her cousin." He sighed. "Oh. May gusto ka ba kay Nicole ?" Tumitig siya sa akin at umiling.

"You are the one I like." Nanlaki ang mata ko at sinapak siya. "Hayup ! Drama tayo dito tapos panira ka !" Tumawa naman siya ng tumawa.

"I hate dramas. Ayaw mo nun ? Distraction ako ? And I mean it Irin. Madonna." Tameme. Iyon ang tawag sa akin ngayon. Nganga. Literal na napanganga ako sa sinabi niya sa akin.

"Psh. Thank you." Yun nalang ang sinabi ko ata nagayos. Tumikhim ako at nagsalita. "May pinapagawa ba si ate Krista ngayon ?" Tumayo siya at nag ayos ng coat niya.

"Yes. Here." Kumunot ang noo ko at tinignan siya. "Kanina pa ito na andiyan sayo ?" Ngumisi siya ng patuya at tumango. "Yes. Magpasalamat ka na lang dahil nabawasan ang sama ng loob mo."

Inirapan ko siya. Buti nalang at kakaunti ang pinabigay na files. Or baka siya na nag ayos ng ibang files ?

Napatulala ako saglit at biglang nag flash ang nangyari kanina na sinabi niya.

'You are the one I like.'

'You are the one I like.'

'You are the one I like.'

Sinubsob ko ang mukha ko sa mesa. Dapat ay wala lang iyon sa akin diba ? Ganito ba kapag naranasang maloko ? Bigla kang madidistract sa ibang tao ?

Umuwi na ako ng bahay at nadatnan si Nicole na kumakain ng mallows. Tinabihan ko siya. "Kanina ka pa ba dito ?" Tumango siya at sumubo ulit ng mallows. Inalok niya ako pero tumanggi din ako. "Shower lang ako."

Pagkatapos kong magshower ay nagsasoundtrip ako sa kama. Nakakamiss humiga sa kama. Kung kasiya lang kami ni Nicole eh. Kaso triple niya ang katawan ko. Pero ngayong buntis siya at doble nalang.

'Maybe it's true
That I can live without you..
Maybe two,
Is better than one..

Napatigil ako sa pagsabay sa kanta dahil parang iba ang dating sa akin. Hindi ko matukoy kung si Drei ba ang naiisip kong kumakanta o ako. Aminin ko, may something kay Prolazo na iyon pero mas matimbang si Drei. Ngayong nasa sitwasyon ko ay nasa tabi ko si Prolazo habang nasa iba si Drei. Cheater. Sino ba sa amin iyon ? Ako na nagsisimulang madevelop ang feelings sa isang tao habang may karelasyon, o si Drei na hinalikan ang ibang tao sa loob mismo ng bahay na tinutuluyan ko at sa mismong pinsan ko pa siya nagkaaffair ?
Affair. Psh. Damn him.

Natapos ang pakikinig ko ng music. Pinatay ko na dahil lalo lang silang nakaka dagdag ng dinadamdam ko. Fck.
Kung pupwede lang magwala ay kanina ko pa nagawa pero ayoko.

Naglatag na ako at humiga sa sahig. Itutulog ko na lang siguro itong sama ng loob ko. Masiyadong masakit. Pero dapat linawin ko ito hangga't maaga.

Bakit Drei ? Bakit di mo ako hiniwalayan ng maaga pa ? Anong kailangan mo sa akin ?

Don't you dare, Be Aware.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon