Chapter 19

8 0 0
                                    

Kristen Lucas' POV

I never thought of having a point of view here. =)) Anyway, kung itatanong niyo kung bakit pov ko ito. Baka kasi nauumay na kayo sa kanila. Just kidding. Alam ko naman na yung Andrei na yun talaga ang naikukwento nun sa inyo.

Nang pinauwi na kami ay sinundan ko si Madonna. Gym ? Bakit hindi nalang sa bahay ? What is her problem now ?

Lumayo ako ng pwesto dahil ayokong mahuli niya ako. I want to know why is she acting weird. I mean, okay naman kami pero pag naaabutan ko siyang mag isa sa office ay nakatulala siya. I sighed, is she still in love with that jerk ? Fck. Di ko masisisi si Andrei kung minahal niya si Nicole. But thinking of cheating ?! At girlfriend niya pa ay si Madonna ! Nakakainis ! Bakit pinsan pa niya ?

Natigil ang pagiisip ko nang makita kong gigil na gigil si Madonna sa pagsuntok sa punching bag. I smirked, maybe she is thinking that that punching bag is her ex. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa pumunta siya sa threadmill at nagkabit ng earphones. Nasa likuran niya ako pero medyo kita ko pa rin ang mukha niya - paside ng konti.

Di lumagpas sa paningin ko ang pagpunas niya sa mata niya. Umiiyak ba siya ? Nagigting ang panga ko. Bakit ba iniiyakan niya yung mokong na iyon ? Hindi niya ba alam na tapos na ? Kung may maitutulong lang sana ako para gumaan ang loob niya.

May something sa babae na ito na nakakagaan sa pakiramdam ko. Gusto ko siya but not like I want her to be mine. I just want to protect her. She's my friend after all. And she's closed to- "boss. Gagamit ka ba ?" Napatingin ako sa lalaking nagtatanong sakin hawak ang isang barbel. Umiling ako at umalis na.

Hinanap ng aking mata si Madonna but I can't find her. Where is she ? I sighed. Bakit ba lahat ng hinahanap kong malalapit naman, hindi ko mahanap ng ayos ?

Nag out na ako at nagpunta sa parking lot - nagbabakasakaling maaabutan ko siya but no signs of her. I sighed again. Tatanda ako ng maaga sa babaing yon !

'Bakit hindi nalang si Irin ang gustuhin mo kaysa naman sa babaeng iyon ?' I remembered what ate Krisa told me before.

'Did not I told you I dont love her ate.'

'Eh sinong mahal mo ? Iyong babae na hindi ka naman pinapansin ?' Inirapan ko siya. 'Pinansin niya ako.. but -' she cut me off.

'But she bullied you.'

Ayaw na ayaw ng ate ko sakanya. Basta pag narinig niya na siya ang kinukwento ko ay mainit agad ang dugo niya. Papatigilin niya ako at magtatanong nalang about kay Irin. I don't know why she like her that much. Basta alam kong natutuwa siya kay Irin at hindi sakaniya.

Pag nagkita ulit tayo. Tatanggapin ko lahat.. wag ka lang ulit mawawala.

'Hindi nga kasi kita gusto Luke ! Hindi mo ba maintindihan. May iba na akong mahal..' hinawakan ko ang kamay niya at pinagsalikop. 'Hindi ka niya mamahalin.. may iba siyang mahal.'

Inalis niya ang kamay niya at sinamaan ako ng tingin. 'Sinong mahal niya ? Sino ?! Hindi niya iyon mamahalin hanggang huli ! Makikita mo. Ako ang mamahalin niya at hindi ang babaeng yun..' pagkasabi niya non ay umalis na siyang walang pasabi sabi at naiwan akong nakatanga.


"Anong iniisip mo ?" Nawala ang pagaalala ko sa nakaraan nang nagsalita si Madonna sa harap ko. Hindi ko maiwasang humanga dahil kahit mataba siya ay bagay tignan sa kanya. "Wala naman.." inirapan niya ako at umupo sa harap ko.

"Iyan ba ang walang iniisip eh kanina pa nga kita tinititigan diyan hindi mo ako mapansin. Kulang nalang tumawa ako dahil para kang tulog !" Tatawa tawang sabi niya.

"Anong ginagawa mo rito ?" Tinignan ko ang orasan at 1:43am ?! She shrugged and looked aside. "I can't sleep. Masyado akong nabobored sa bahay. And ahm.. totoo kasi niyan ay hindi ko alam kung bakit dito sa bahay mo ako pumunta. Basta nagdadrive lang ako at nagulat nalang ako nang tumigil ako sa tapat ng bahay mo." She laughed nonchantly.

I smiled. "Para kang bata. Paano nalang kung sa bahay ng iba ka napadpad." Muntikan ko ng sabihin na 'paano nalang kung sa unit ng ex mong siraulo ang mapuntahan mo ?' Kaya binawi ko agad.

"Kumain ka na ba ?" Naalala kong sa gym siya galing at panigurado ay wala pa siyang kain. Knowing this girl. Di kumakain masyado pero mataba.

"Hindi ako gutom. Ikaw bakit gising ka pa ? Satingin mo ba lalabas lahat ng butiki sa kisame niyo at maghehello sayo ?" Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi. Hinihintay kong lumabas mga buhok sa sulok ng kisame baka sakaling lumabas si Sadako." Napatigil ako ng may marinig akong kaluskos.

"Ikaw ba iyon?" Tinignan niya lang ako at nagtatanong ang mga mata niya. "Alin yon.?" Umiling nalang ako dahil natakot akong bigla. Gay.

Inaya kong manood si Madonna pero tumanggi siya. "Magkuwento ka nalang.. " sabi niya habang nakatingin sa kisame at nakahiga habang ako ay nakaupo sa lapag sa tabi ng kama at nakasandal. "Anong ikukwento ko ? Eh ikaw ang madaldal." Naghintay ako ng batok pero hindi niya ginawa.

Ang weird talaga nitong babaeng ito. Tinignan ko siya at nakita kong nakapikit na siya. Huminga ako ng malalim.. "madonna.." wala akong narinig. Hinawakan ko ang kamay niya pero hindi niya ako pinansin.

Tulog na agad siya ? Lumunok ako at pinagmasdan ang buong mukha niya. Kung una ko siyang nakilala panigurado siya ang magugustuhan ko dahil mas maganda siya kaysa sakaniya. Mas mataba si Madonna kaysa sakaniya pero mas maganda siya.

Pero hindi naman ako nagkagusto dahil sa maganda eh. Hindi alam ni ate na dahil lang sa binullied ay lalong napamahal ako sakaniya. Dahil malakas ang loob niya. Hindi tulad ni Madonna na mahina ang loob pag nagisa na.

Tinitigan ko uli si Madonna at hinawi ang hibla ng mga buhok na natatakpan ang mukha niyang bilugan. Kidding. ^.^

I sighed as I held her hands once again.
"Good night Madonna. And Im sorry .. wag ka sanang magagalit pag nalaman mo ang totoo. I will not forgive myself if I see you cry because of me." I kissed her head and umalis sa kwarto ko. Sa baba nalang ako matutulog.

Don't you dare, Be Aware.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon