Chapter 13

7 1 0
                                    

Sorry for the late update. Every weekend ako makakapag update.
Eto na..

Nadelete yung una kong draft so, inulit ko.hay nakoo..

~~~

I sighed. "Pang ilan na iyan huh ?" Tinignan ko lang siya at huminga ulit ng malalim. "Buti nakakapag trabaho ka pa ng lagay na iyan. Ano bang nangyayari sayo ?" Oo nga.. buti natatapos ko lahat ng pinapagawa ni ate Krista sa akin. Its been three days at hanggang ngayon hindi ako makarecovered sa nakita ko. "Pwede mo ba akong samahan sa mall ?"

Naandito kami sa mall. Bukod sa kape ay ice cream ang stress reliever ko. Si Prolazo naman ay kasalukuyang umiinom ng coke in can. "Anong nangyari ? Nagbreak ba kayo ng boyfriend mo ?"

Tinignan ko siya na ngayon ay nakangisi. Hinampas ko siya pero umilag din siya na natatawa. "What made you say that ?"

"Wala lang. Malay ko ba kung totoo ang hinala ko ?" Huminga ako ng malalim. "Naiinis lang ako. Hindi ko alam kung sa pinsan ko, dun sa nakitang kong lalaki o sa sarili ko." Natigilan siya. Hindi na siya nagtanong pa..

Nakita kong nagsisiuwian na ang kalahatan pero nakatulala lang ako. Nakita kong pumasok si Prolazo. "Di ka pa uuwi ?" Umiling ako at nagsimula ng mag ayos ng gamit.

Nilagpasan ko si Prolazo at dumiretso sa isang convenient store para bumili ng pagkain.. saktong pagkapasok ko sa kotse ay umiyak ako. Sinubsob ko ang mukha ko sa manibela. Hikbi ako ng hikbi, ayaw matigil.. hinayaan ko lang umiyak ako at ang akala kong hindi titigil na luha ay huminto dahil sa pagkatok ng isang tao sa pintuan ko.

Nagpunas muna ako ng luha at tinignan kung sino.. nakita ko si Prolazo na nakatingin. Hindi naman heavy tinted ang bintana kaya paniguradong nakita niya ako. Binuksan ko ang bintana. "Why? " tinitigan niya muna ang mukha ko at kumunot ang noo. "Work out ?"

Inabutan niya ako ng juice. "Thanks.." ngumiti ako ng matamlay. "Nahiya naman ako. Baka himatayin ka kung two hours ka ng nagpapapawis at di pa kumakain." Ngumisi ako. "I know. But what I mean is thank you for inviting me here. Alam kong hindi matatanggal ang lungkot ko sa pagkain pero hindi ko rin alam na makakatangggal ng stress ang pagwowork out. Eto na ang gagawin kong stress reliever !" I can't hide my smile. Nabawasan ang dinadamdam ko. Prolazo has a great idea. He helps me to ease the pain I am feeling right now. I know somehow, it made me happy.

Ngumiti siya. "I know we are not that closed but may I know what is your problem ?" Sasabihin ko ba ? Magkukwento ba ako ?

"Nakita ko na kung sino ang walang hiyang lalaking iyon." Nakita ko ang paglaki ng mata niya pero agad ding naglaho. "Anong.. ginawa mo ?" Umiling ako.

"Wala. Di naman nila alam na gising ang diwa ko. All they knew is that Im asleep. Isn't that great ?" Makita ko lang ang lalaking iyon !

"Hindi ka galit ?" Tanong niya habang ngumunguya ng cupcake. "Why would I ? Ni hindi ko nga alam ang mararamdaman ko. Kung galit man ako. Hindi ko alam kung kanino. " mukhang naguluhan siya pero hindi niya na ako kinulit pa.

Tatlong oras din akong nagwork out. Hinayaan niya lang ako. Kung ganito ako kastress baka mamayat ako with a week. Kung sisipagin akong magwork out. Nakishower ako at bumaba na para magpaalam.

Nakita kong prenteng nakaupo si Prolazo habang nanunuod ng tv. Nakatopless siya at shorts kaya naman kita ang pangangatawan niya. Bago pa ako makalusaw ng tao ay nagsalita na ako. "Una na ako Prolazo. Salamat ulit." Palabas na ako nang lumapit siya sa akin at inakbayan.

Natigilan ako. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hangin kaya tinabig ko ang braso niya. "Psh. Sige na." Tumango siya at ngumiti..

Pagkarating ko sa bahay ay umaasa akong tulog na si Nicole. Ganito lagi ang inaasahan ko simula nung nakita ko yun. Di ko lang talaga matanggap. Gusto konng magtanong sa kanya o kaya naman ay naghihintay akong magkuwento siya sa akin pero tatlong araw na at wala lang sa kanya. Siguro nga ay ang akala niya hindi ko nakita o narinig.

Kahit ganun pa man ay sinasamahan ko pa rin siya sa iisang kwarto. Mahirap na, baka mapano iyon. Mahal ko naman ang pinsan ko kahit nakakatampo siy minsan.

Pagkapasok ko ng kwarto ay nakita kong nakahiga siya at nagsecellphone. Napalingon siya sa akin. "Overtime ?" Tanong niya habang nagtitipa. "May ginawa lang ako."

Tumagilid siya ng pwesto paharap sa akin. Umupo ako sa sahig na hihigaan ko. "Anong ginawa mo ?" Nginitian ko siya. "Sinamahan ako ni Prolazo na magwork out." Tumango naman siya at ngumiti.

"Kayo huh. Baka nakakalimutan mong may boyfriend ka.." nakangising saad niya. Ngumisi ako ng matabang. "Wala naman kaming ginagawang masama eh." Natigilan siya saglit.

Naaghikab siya at may sinilip na kung anu man sa phone niya. "Inaantok na ako. Nighty Irin."

Buti at nakatulog ako kahit papaano. Nagpaalam na ako kay Nicole at sinabihang itext nalang niya ako pag may kailangan. Sabi niya ay may pupuntahan siya kaya sabi ko ay mag ingat.

Nagtext muna ako kay Drei dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita.

Me: Lunch later ?

Wala pang isang minuto nang nagtext siya.

Drei: may pupuntahan ako. Dinner nalang, okay ? Love you..

Di na ako nagreply pa. Nakakapanibago dahil ngayon ay napapadalas ang pagsama ni Prolazo sa akin.. hindi ko alam kung maganda ba iyon para sa akin o hindi.

"Anong.. balita ?" Tanong ni Prolazo habang kumakain kami dito sa inasalan. Sumubo muna akk bago magsalita. "Wala akong balita eh. Pero alam ko magkikita sila ngayon."

"Wala kang gagawin ?" Umiling ako. "Wala akong maisip na gawin eh. Kahit alam kong walang hiya ang lalaking iyon ay alam kong mahal nila ang isa't isa." Tumitig muna siya.

"Hindi ka ba nasasaktan ?" Inirapan ko siya. "Ano ba namang mga tanong iyan Kristen Lucas Prolazo ! " Alam kong titigil na siya dahil sa pag banggit ko ng pangalan niya pero ngumisi siya. "Bakit parang wala lang sa iyo ang hindi pagsasabi ng totoo ng pinsan mo? " huminga muna ako ng malalim.

"I need to understand her situation as of now. Alam kong magsasabi siya sa akin. At saka nagpapasalamat na rin ako dahil na andito ka at nakakausap ko. " I saw something flickered in his eyes. Takot ? Guilt ? Bakit naman ? Inalis ko nalang sa utak ko iyon at kumain ulit.

Paalis na kami nang makita ko si Drei na nakatayo at nakatingin sa amin. Most probably, sa akin. Galit ba siya ? Selos ? Napangisi ako ng hilaw, wala naman kaming ginagawang masama.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso. "Di mo sinabing na andito ka ?"

Kumunot ang noo ko. "Sabi mo hindi ka makakasabay ng lunch, so kasabay ko ang assistant ko. May masama ba doon Drei ?" Rumehistro ang pagtataka niya sa akin.

"What's the matter ?" Lumitaw si Prolazo sa likod ko. Nakita kong nagigting ang panga ni Drei. At ginantihan naman ng masamang tingin ni Prolazo si Drei. Kung normal lang siguro ay kikiligin ako at iisiping pinagaagawan ako ng dalawang ito. But No. "Andy !" Napalingon kaming tatlo sa babaeng papunta sa direksiyon namin habang ang laki ng pagkakangiti niya. Kulang nalang ay mapunit ang labi niya.

Saktong dating niya ay ang pagkirot ng puso ko. Bigla akong napahawak sa laylayan ng polo ni Prolazo kaya naman ay napatingin siya. Nakatungo lang ako.. I don't know what should I do. Will I leave ? Run ? Faint ? O saktan ang dalawang taong nagmamahalan sa harap ko na hindi ko man lang alam kung bakit nila nagawa iyon sa akin ?

Katahimikan. Yan ang bumabalot sa amin ngayon. Natigilan ang pinsan ko nang makita niya kami ni Prolazo. Ngumiti ako at hindi nagpahalata.

"Magkasama pala kayo ? Ikaw pala Drei ang sumasama kay Nicole eh ! Kayo huh, bakit di niyo ako isinasama ? Next time kasama ako huh ? You know, bonding sa pinsan at boyfriend ko." Hindi ko alam kung ayos ang pagkakasabi ko, sarcastic o may halong bitterness. Basta ang alam ko ay I don't even know kung paano ko nakuhang maging matapang sa kabila ng nakita ko apat na araw na ang nakaraan.

Don't you dare, Be Aware.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon