Chapter 5

16 2 0
                                    

Hanggang ngayon nagtataka ako sa inasta ni Prolazo sakin. Simula nang ihatid niya ako sa unit ni Drei ay ganun na ang trato niya sakin. Akala mo meron ! Dinaig ang babae sa pagiging snob.

Tatlong araw na yun, naandito ako ngayon sa office. May tinatapos akong project na ipapasa kay Krista. Ayaw niya kasing magpatawag sakin ng 'miss'. Nasa labas naman ngayon si Prolazo. Dati lang nagistay siya dito kahit walang gagawin. Teka nga Irin ! Ba't para ka namang masyadong apektado sa kilos niya ?

Napahinga nalang ako ng malalim at lumabas para ibigay kay Krista ang project. Ako nalang ang magaabot. Naiilang akong kumausap sa mga tao na hindi ako pinapansin kaya ako nalang.

Nadaanan ko si Prolazo sa table niya. Hindi ko siya tinignan, ganun din siya. Napanguso nalang ako habang naglalakad.

"Eto na po yung project. Nasa flashdrive na rin yung ibang files na pwedeng gamitin." Tumango tango si Krista at inilapag sa mesa niya ang mga binigay ko.

"Thank you. And please, I told you to drop the po. You may now have your break." Tumango naman ako ako at papalabas na nang may sinabi siya. "Wait, magkagalit ba kayo ni Lucas ? Bakit hindi siya ang pinagdadala mo ?"

Tumingin ako sakanya at ngumiti. "Hay nako ma- Krista ! Yung kapatid niyong iyon eh parang meron. Dinaig ako sa pagiging snob. Di ko alam kung bakit may toyo ata yun eh." Derederetso kong sabi. Buti nalang ay tinanong ako nito, may nasabihan ako.

Babalik muna ako sa office dahil kukuhanin ko ang gamit ko dun tsaka nalang ako magbebreak. Napadaan ako sa pwesto ni Prolazo pero wala na siya. Masyado naman ata akong naaattached sa lalaking iyon. Kaya siguro nagselos si Drei.

"One Cappucino, and cheesecake." Pagkatapos kong umorder ay naghanap ako ng mauupuan. Palingalinga ako pero puno na ang mga upuan. Napatigil ako nang may mahagilap ako at nakita ko siyang nagiisa. Napangiti ako at pumunta sa lugar niya para makiupo.

Walang sabi sabi ay umupo ako sa harap niya na ikinagulat niya. "Hi dear, makikiupo lang ako huh ? Wala ka naman sigurong kasama eh. Wala na kasi akong maupuan. Thanks !" Saka ko hinigop ang inorder kong cappucino.

"Galit ka ba ?" Tanong ko sakanya nang hindi nakatingin. Kumakain lang ako ng cheesecake. Tinignan ko siya saglit at ibinalik din ang tingin sa kinakain ko. "Well, I guess galit ka nga. Pero bakit ?" This time nakatingin na ako sakanya. Nakita ko siyang tumingin sakin at umiling. Napahinga nalang ako ng malalim. Ayoko ng ganito. Yung masaya naman kayo ng mga nakakasama mo pero ilang oras o araw lang iba na ulit ang pakikitungo sayo.

Nilakasan ko ang loob ko at nginitian siya. "Yun naman pala eh !" Kumain lang kami nang tahimik. Medyo naiilang ako pero hinayaan ko nalang. Muntik na akong mapasigaw nang magsalita siya.

"Boyfriend mo pala yun ? Siya ba yung loyal mong boyfriend ?" Si Drei ? Malamang Irin ! May iba pa ba ?

"Ah. Oo, bakit ? Nagusap ba kayo nung hinatid mo ko ?" Uminom muna siya ng frappe niya bago magsalita.

"Wala naman, umuuwi ka sa unit ng boyfriend mo ? Di ka natatakot ?" Napairap ako. "Ba't naman ako matatakot ? Siya lang naman ang kasama ko. Atsaka kami may gusto nun."

Napailing naman siya. "What I mean is kayong dalawa lang. May nangyayari ba sainyo ?" Nabilaukan ako bigla. Shit ! Ano bang pinagsasasabi niya ?! Tinignan ko siya ng masama at nakita kong napangisi siya.

"So meron nga ?" Aish ! Ramdam ko ang pagiinit ng aking mukha. Pinagtitinginan kami ng iba. Huminga muna ako ng malalim at tinadyakan siya sa paa. Napadaing siya at siya naman ang tumingin ng masama sakin. Tinawanan ko siya.

Don't you dare, Be Aware.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon