Chapter 11

14 3 0
                                    

I dedicate this Chapter to iameverywhere_ . ThanksYou for supporting !

~~~

"Aish !" Sinubsob ko ang mukha ko sa unan ko at saka tumili sa inis. Di ko akalaing mangyayari ito. Si Nicole kasi buntis nga. Tapos sinabi niya pa na complicated daw ang mayroon sa kanila ng nakabuntis sa kanya. Paanong complicated ?! Don't tell me ayaw sakanya ng parents nun ? Sos. Siya pa !

Baka may iba yung guy ? Napairap ako sa naisip ko. Uso ba yung kaliwaan ? Siguro nga uso yun. Mga lalaki naman kasi eh ! Teka. Kahit naman yung ibang babae eh. Hay ewan ! Nakakainis paano na yung pangarap ng pinsan ko ? Gusto pa naman niyang makapagipon muna. At saka against siya sa premarital sex. Kahit naman ako eh. Pero, ganoon niya lang talaga siguro kamahal yung lalaki. Grabe naman yung lalaki ! Di ko alam kung kanino ako dapat mainis, sa pinsan ko o sa nakabuntis sa kanya.

"Tara kain na tayo." Natigil ako sa pagiisip nang pumasok si Nicole. Lumalaki na ang tyan niya. One month na eh. Tinignan ko lang siya. Napahinga ako ng malalim.

Bumaba na kami at nakita kong naghanda siya. Napangiti ako. "Ganoon ba talaga pag preggy ? Sipag." Kinindatan niya lang ako.

Kahit buntis siya ay hindi niya pinapahalatang may dinadamdam siya. Siguro naisip niya din ang baby niya. Makakasama kasi eh. Over pa naman itong babaeng ito pag nagiisip. Sinabi ko sakanya na tutulungan ko siya pero hanggang ngayon wala parin akong naitutulong. Ayaw niya kasing sabihin kung sino. Ni picture wala siyang pinapakita. Ang dahilan niya lagi 'panget eh.' Hay nako.

Pag wala akong pasok sinasamahan ko siyang magpacheck up. Kahit yun lang ang maitulong ko okay na. Wala pa kasi akong nagagawa para sa kanya eh. Naisip ko rin noon si Drei at Prolazo. Napansin ko kasi na lagi nila akong tinatanong about kay Nicole. May parte sakin na nagseselos o tampo. Sino ba naman ang hindi magseselos eh pag kinakamusta ako ni Drei may kasunod na kay Nicole. Si Prolazo nakakatampo kasi kami ang friends pero si Nicole ang naiisip. Tinamaan na iyan. Ang sama mo Irin !

Natural na magaalala ang mga tao sa pinsan mo. Kahit naman ikaw ang nasa lagay na ganoon ay mararanasan mo iyon. Napabuntong hininga nalang ako. Naiinis lang talaga ako. Ganito lang talaga ako. Nababawasan ang confidence ko. Well, dapat masanay na ako dahil mahal ko naman si Nicole at okay lang. Tama okay lang.


"Pwede pa naman siguro akong magtrabaho noh ? Ayoko kasi ng walang ginagawa. Baka magsisi ako." Nasa hallway kami dito malapit sa hospital. Pauwi na kami. "No, magsisisi ka nga. Sa tingin mo hindi ka magsisisi pag tinuloy mo yan ? Pwedeng may mangyari sainyo ng baby mo. Mas maganda na sa bahay ka nalang. Ibuhos mo nalang atensyon mo sa ibang bagay. Wag ka ng umalis. Iutos mo nalang sakin."

"Ang bait huh. Baka pagnaglihi na ako sa maraming bagay mahaggard ka niyan ?" Tinawanan ko nalang siya. "Kaya mo yan ! Nine months is too fast. Malay mo mahanap mo narin ang guy na yun ? Lukong iyon. Pakatay ko siya eh." Nakatingin lang ako sa daan habang nagmamaneho.

"Nakikita ko naman siya eh. Masyado lang talagang komplikado pa." Tinapunan ko lang siya saglit ng titig. "Ba't naman ? May iba ba siya ? Maiintindihan naman siguro nun kung ieexplain eh. Tsaka mahal ka naman ba nung guy ?"

Nakita kong ngumiti siya ng matamlay at nagisip. "Oo. Mahal niya ako sinabi niya yun, hindi niya lang daw maiwanan yung girlfriend. "

"Bakit daw ?" Nakakainis yung guy. Umuusbong yung inis ko dahil mahal niya si Nicole pero di niya maiwanan ?! Bullshit.

"May.. hinihintay siyang makuha dun sa girl." I scoffed. "Virginity ba yan ? O material ? Sos. Uso pa ba yon ?"

Di siya sumagot at tumawa nalang din ng pagak. Nakarating kami sa bahay. "Oh paano ? Papasok na ako Nicole. Tawagan mo nalang ako." Tumango naman siya at nagpaalam.


Wala pang isang oras ay nakarating na ako sa office. "Kamusta ?" Si prolazo iyan. Nakakaumay na nga kasi iyan ang bati niya lagi eh. "Eto tao pa rin. Si Nicole naman ayun isang buwan na ang dinadala." Nakita kong nabigla siya nang banggitin ko si Nicole. Nginitian ko siya ng nakakaloko at nilapitan siya. "May gusto ka sakanya ano ?"

Ang sarap pagtripan ni Prolazo. Nakita kong naging uneasy siya at namula ang tenga niya. Cute. Lumayo ako sa kanya at tumawa. "Nakakaramdam ako ng kakaiba sayo Prolazo. Malaman ko lang na ikaw ang nakabuntis sa pinsan ko masasapak kita." Umupo na ako sa swivel chair at nagtingin tingin ng mga files.

"Paano kung kilala ko kung sino ang nakabuntis sakanya ?" Napatigil ako at tumingin sakanya. "Tell me who it is." Nagigting ang panga ko sa galit. Di ko alam pero naiinis talaga ako pag naiisip kong buntis ang pinsan ko at walang kwenta ang lalaking iyon.

"Joke lang. Nakakatawa mukha mo. Sobrang inis ka noh ?" Binato ko sakanya ang ballpen sa tabi ko at nasalo niya naman iyon. "Sinong hindi maiinis sa lalaking manloloko ?! Damn. Pag nalaman ko kung sino iyon.. "

"What's wrong ?" Napalingon kami ni Prolazo sa pumasok at si Drei. "Oh. Naligaw ata ?" Biro ko. Ngumiti siya at nilapitan ako para halikan sa noo. "Aayain sana kita mamaya maglunch. Anyway, ba't mukhang nagaaway ata kayo ?" Ni hindi manlang tinapunan ng tingin si Prolazo. Nakita kong napairap si Prolazo. Teka. Hindi ba siya lalabas ?

Tinignan ko si Drei at umusbong nanaman ang inis ko. "Wala. Napagusapan lang namin ang walang kwentang yun." Napaisip si Drei bago maintindihan ang sinabi ko. "Oh. Iyon ba ? Ang alam ko may girlfriend daw iyon diba ? Baka nahihirapan."

I rolled my eyes. "Bakit naman siya mahihirapan ?! Mahal niya ang pinsan ko pero di niya maiwanan. May benefits ba siya sa gf niya ? Ano ?! Arranged ba sila ? Damn. Uso pa ba yon ? Material. Pera ? Sos. Ano pa ba ang pwede ? Virginity ? A bet ? Grabe. Maiintindihan naman siguro nung girlfriend niya, right ?" Nakita kong napaawang ang bibig ni Drei at ni Prolazo.

"Are you serious ? Irin, isipin mo. Kung ikaw ang girlfriend na iyon. Tingin mo papayag ka ?" Hamon ni Prolazo. Napatingin din sakanya si Drei. "Well, ahm.. oo ? Pinsan ko si Nicole. Pero siyempre bakit naman ilalagay sa pwesto ko ? May gusto ba si Drei kay Nicole ?" Tinignan ko si Drei na bored look lang.

"I trust Drei. And also Nicole." Yun lang ang sinabi ko at lumabas na. Nawalan ako ng gana kumain. Ayokong may kausapin.

Nagpunta muna ako sa washroom. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Nagretouch ng kaunti. Nakakatawa. Pagkasabi ko ng i trust Drei and also Nicole, parang may bumara sa lalamunan ko. Parang gustong bawiin. Parang timang kasi si Prolazo eh. Kanina naman si Prolazo..

Napahinga ako ng malalim. Nung oras na lumapit ako sakanya lumakas ang tibok ng puso ko. Tapos nung biniro ko siya na kung siya ang nakabuntis sa pinsan ko, parang gusto kong bawiin iyon dahil ayokong isipin na siya iyon.

Normal ba ang magkagusto sa ibang tao habang may mahal ka ? Di ba iyon makasalanan ? Feeling ko ang traydor ko.

Don't you dare, Be Aware.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon