Chapter 3

22 2 0
                                    

Nakarating na ako sa unit ni Drei. Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay niyakap ko siya. Naiiyak ako kanina habang yakap yakap ko siya. Tinanong niya ko kung bakit pero sinabi ko lang na namimiss ko na siya. Natuwa ako ng sinabi niya yung "Miss na rin kita,"

Tinanggal ko muna sa isip ko ang pagdududa dahil baka magaway lang kami.

Naliligo siya ngayon, ako naman nakaupo. Naisipan kong maglaro ng xBox niya. Namimili ako ng lalaruin ko nang lumabas siya ng nakatapis lang. Sexy talaga ! Dinaig pa katawan ko. Sanay na ako kahit nakaganyan siya. Pero di ko parin maiwasang mamangha.

"Ano.. Drei may gusto akong sabihin sana.." panimula ko. Kumuha siya ng damit niya at nagbihis. Hindi naman ako nakatingin dahil ang manyak ko naman ! Tsaka nasa ko likod siya.

"Ano yun ?" Tumabi siya sakin at kinuha ang isang controller. Nilapag ko ang akin at tinignan siya. "Do you..

Do you still love me ?" Natigilan si Drei sa ginagawa niya at tinignan ako ng nakakunot ang noo. "Of course I do. Down ka nanaman ba ? I told you not to stress yourself too much. Come on, kain nalang tayo."

Nakatayo siya ngayon at hinawakan ang braso ko para itayo pero hinawakan ko siya. "Bakit parang hindi ako convince ? Kailangan ko bang magpapayat para maramdaman ko na hindi mo ako iiwan ?" This time, he let go my hand and sighed.

"Anong problema ba ?" Napayuko ako. Sinaktan ko si Drei. Alam kong masasaktan ko siya dahil pinagdududahan ko ang relasyon namin. "Sorry. Masyado akong nadedepressed nitong mga nakaraang araw dahil na siguro di tayo masyadong nagkikita at nagkakausap. Atsaka nahihiya ako kasi hindi manlang ako makaharap sa mga kakilala mo dahil inaakala nilang magkapatid tayo.." narinig ko siyang huminga ng malalim at niyakap ako.

"Gusto mo dito ka na muna sa unit para naman mawala ang insecurities mo sa katawan."

"Hindi.. hindi ka ba nanghihinayang o naiinis dahil di ko maibigay sayo ang pangangailangan mo ?" Nagulat kaming pareho sa nabitawan kong salita. Ang halay mo talaga Irin !

Narinig kong natawa ito kaya hinampas ko ang balikat niya. "Wag ka nga ! Seryoso pag uusap natin eh."

"Okay.. Syempre sa lalake hindi mo maiiwasan ang pagiging needy. But to tell you frankly, I dont mind kahit foam ang katawan mo. Kaya kong maghintay.."

"Hintay ? Maghintay na pumayat ako para gawin yon ? Pwes mister Merrago, wag kang gago diyan ! Hintayin mong magpakasal tayo. Dun papapayat na ako."

"Ang tagal naman !" Nakangusong sabi niya. Hinayaan ko nalang siya diyan. Ayoko ng topic namin. Hinila ko siya papuntang kusina at inayang kumain. Nagpahila naman siya at siya na ang naghain.

Tinititigan ko lang siya sa ginagawa niya. Hindi ko mapigilang mangiti sa kung anong meron kami. Kahit di niya patunayan. Kahit di ako umuwi dito sa unit niya okay lang. May tiwala ako sa kanya. Sa tagal ng relasyon namin alam kong di niya ako lolokohin. Ramdam kong mahal niya ako.

Pero hindi ko parin maiwasan kasi na may posibilidad na maloko. Mga magaganda nga niloloko eh. Sa tulad ko pa kaya ?

Kung niloloko man ako ni Drei, malalaman ko rin yan balang araw.

Tanggapin ko nalang kaya alok sakin ni Prolazo ? NAKAKAINIS KASI EH ! SIYA MAY KASALANAN NETO !!

Tinotoo ni Drei ang sinabi niya sakin. Dito niya muna ako pinatira. Tutal wala naman akong kasama sa tinutuluyan ko. Nasa Canada kasi ang mga parents ko. Si kuya naman nasa La Union ngayon kasama ang fiancee niya. Kaming dalawa lang ng kuya Zack ang magkapatid. Twenty eight na siya.

Natulog si Drei sa waterbed niya. Ako naman sa kama niya mismo. Nakatagilid ako at nakatitig sa mukha niya. Kung niloloko man ako nitong lalaking ito. Ano naman ang dahilan niya ?

Hay nakoo Irin ! Naniniwala ka masyado sa sinabe ni Prolazo sa mga lalake ! Malay ko naman kung parepareho sila diba ? Pano kung mahal nga ako ng Drei pero magsawa siya sakin ?

Kakaisip ko ay nakatulugan ko na. Nagising nalang ako ng may naramdaman kong may nagvibrate. Masyadong aware ang senses ko. Tinignan ko ang phone ko pero wala namang text. Baka kay Drei ?

1:05AM. Sino naman ang magtetext ?

Sinilip ko si Drei na tulog na tulog. Kinuha ko ang phone niya at pinindot. Nakalocked. Napanguso ako.. nilapag ko nalang ulit ang phone niya at itinulog ulet.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig nang biglang may kumurot sa pisngi ko. "Good morning !" Napatin ako sakanya.

"Ang saya mo ata ?" Ngumiti siya ng malawak at tumango na parang bata. "Bakit masaya ata ang boyfriend ko ?" Napansin ko na napaiwas siya ng tingin at binalik din agad. "Wala naman. Ang ganda kasi ng panaginip ko. Tara kumain ? O magjogging ?" First time niya akong ayaing magjogging. Kaya pumayag ako na jogging nalang kami.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagjajogging nang magring ang phone ko.

"Good morning ma'am. Nasaan po kayo ngayon ?"

"Kasama ang boyfriend ko. Ba't ka napatawag mr. Prolazo ?" Wala akong pasok ngayon ah.

"Pinapatawag ka ni ate." Si maam Krista ?

"Bakit naman daw ? Wala akong pasok ngayon. Ikaw na munang bahala diyan huh ? Sige na. Bye." Pinatayan ko na at baka mangulit.

Tumingin ako sa paligid pero di ko na nakita si Drei. Lukong iyon ! Iniwan ako ?

Patakbo na ako ng may nakita akong keychain sa paanan ko. Pinulot ko to at tinignan. Isang keychain na sa tingin ko ay pang couple chain dahil padlock to. Siguro babae ang may ari nito. Luminga linga ako para makita kung may nakahulog pero wala naman akong napansin kaya tinabi ko nalang sa bulsa ko at tumakbo ulit.

Hahanapin ko si Drei. Pinagtaguan ako ah !

Don't you dare, Be Aware.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon