CHAPTER 2

12 0 0
                                    


CHAPTER 2

When I was in gradeschool, napalibutan ako ng mga bully na kaklase. Siguro parte na talaga yun ng pagkabata ehh. Yung apelyido, hindi nila pwedeng palampasin lalo na kung may panlait talaga. Kagaya nung isa kong kaklase. Her name is Shiela Eclipse.  Sa tuwing tinatawag sya sa recitation,  laging may kasunod na "lunar o solar" at susundan ng masiglang tawanan. Ganun naman talaga kapag bata. Basta may makitang kapintasan, asahan mong hindi yan makakalampas. Yung malaking mata, kwago. Yung may nunal sa may labi,  Gloria Arroyo.  Pag payat, patpat. Pag mataba, baboy. And the list goes on.

"May martilyo, may pako anong tunog?  Pokpok" kanta nung kaklase ko.

Yan ang joke na hindi ko kayang palampasin. Yan ang panlalait na hindi ko kayang tiisin.

"Gusto mo ba talaga ng gulo? " sabi ni Trisha, kaklase ko din. Sya kasi yung pinapatamaan nung nakanta kanina. I mean, yung nanay niya.

"Eh bakit tinatamaan ka ba? "

Dahil isa akong pakielamera at kalahati, sumabat nako.

"Hindi ka ba titigil? Lagi mo ba talaga syang aasarin? Siguro may gusto ka sa kanya noh? "sabi ko.

"Yuck. Eh pokpok nanay niyan eh"

Aba! Talagang pinupuno ako ng kaklase kong to ah!

Pero bago pako nakapag-react, nabato na sya ng libro ni Trisha. Hindi nagpatalo ang isa kaya nagkagulo sila. Umawat nalang ako pero wala akong nagawa. Tumigil lang sila nung dumating si Ma'am. Mabuti nalang mabait yung titser namin at hindi na sila dinala sa guidance pero pinagalitan sila.

    Pagkatapos ng klase sinundo ako ni Harord.

"Angel gutom nako. Kain muna tayo" sabi nya

"Tara foodtrip. Gusto ko ng fishball at kwek-kwek eh. Ah teka"

"Oh bakit?  May problema ba? " tanong ni Harold.

Wala naman. Nakita ko lang si Trisha. Mag-isa. Nasa duyan. Wala syang kalaro.

Pero hindi ako lumapit sa kanya. Ni hindi ko sya inayang sumama samin. Hinayaan ko lang sya mag-isa.

Ilang araw matapos nun, hindi napasok si Trisha. Pakiramdam ko napahiya siya dahil usap-usapan nadin sa school ang trabaho ng nanay niya.

Hindi ko na sya uli nakita.

"Nay mali po ba talaga maging pokpok? " out of the blue napatanong ako kay nanay.

"San nanggaling yan? " nagtataka. Sabagay, bata pako para sa word na yun. pero ang hindi nila alam, gustuhin man nila o hindi, kalat na yung mga ganung word sa mga batang tulad ko. Siguro out of curiosity. Hindi ko din alam kung bakit. Basta ang alam ko, mali ang matatanda kung pilit nila kaming iniiwas sa ganung mga bagay dahil ang totoo, wala na silang magagawa. Kailangan nalang nila kaming gabayan para naman yung nalalaman namin, hindi namin mamisinterpret.

"Yung kaklase ko po kasi, hindi na sya napasok. Napahiya po ata kasi inasar nung isa ko pang kaklase na pokpok daw po yung nanay niya" sagot ko.

"Nak, may mga bagay talaga na mali sa paningin ng society eh. May mga nagsasabing ayos lang yun as long as hindi nakakasakit sa ibang tao. May mga nagsasabing mali kasi hindi tama sa paningin ng lipunan. Alin man sa dalawa, depende parin yan sa taong huhusga" sabi ni nanay

"Eh panoh po yan, madami pong tao sa mundo? " tanong ko.

"Wag nalang kamong magpaapekto yung kaibigan mo. Isa pa ginagawa lang naman yun ng nanay niya para mabuhay sila eh" sabi ni nanay.

"kaya lang hindi ko na sya nakikita ehh. Hindi na po siya napasok. " malungkot kong sabi.

"Ahh ganun ba? Edi ikaw nalang ang wag magpaapekto. Bata ka pa para sa mga ganyang bagay eh. May panahon para maintindihan mo yan. Lahat ng bagay na minamadali, kapahamakan ang dinudulot. At wag mong isiping pabor ako sa pagpopokpok hah. Depende parin yun sa sitwasyon. Kagaya mo, kaya ka namin pinag-aaral para hindi ka bumagsak sa ganung klase ng trabaho" bilin ni nanay

"Opo nay"

Kinabukasan, pumasok na uli si Trisha. Naalala ko tuloy yung sinabi sakin ni nanay kagabi. Kung depende sa taong huhusga ang magiging paningin sa kanya, paano ko ba sya pakikitunguhan?

"Antagal mong absent ah?  Wala tuloy akong seatmate. " tama. Hindi niya din naman ginusto ang sitwasyon niya eh. Sigurado akong kung may choice sya, hindi nya pipiliin o ng nanay niya ang ganung trabaho. Hindi ko sya dapat ituring na iba dahil biktima lang naman siya ng buhay.

"Pumunta samin si Ma'am eh. Pag hindi padaw ako pumasok babagsak daw ako" sagot niya. Halatang nahihiya siya. Hanebe Trisha. Sakin pa ba?

"Ahh sige. Gusto mo pahiramin kita ng notes para makasabay ka sa discussion?" pag-aalok ko.

"Okay lang ba? " tanong niya. Haynaku iaalok ko ba naman kung hindi.

"oo naman'

"Salamat" sabi niya.

"Sows. Wala yun. Maliit na bagay" sabi ko sabay tawa. Hindi sya nagjoke at hindi din ako. Tumawa lang talaga ako para matanggal yung awkward atmosphere.

Hindi ko na siguro kailangang sabihin sa kanya yung phrase na sinabi sakin ni Harold. Kailangan ko nalang ishare sa kanya at iparamdam. I may not be that great to protect her. But I'll make sure I'll be there to join her.. as a friend.

Playing the Game Called LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon