CHAPTER 3

17 0 0
                                    


Michael's POV

Sabi nila, there's a turning point in life na, in looking back, masasabi mong dun nagsimula ang lahat. Turning point kasi yun yung dahilan ng pagbabago sa buhay mo.

Pagbabago?

San nga ba nag-umpisa ang mga pagbabago sa buhay ko?

I used to have a perfect family. Mahal ng tatay ko ang nanay ko. Mahal ng nanay ko ang tatay ko. Maayos nilang naibibigay sakin hindi lang kailangan ko, pati lahat ng gusto ko. Nagstart ng business si papa nung maliit pa ako and fortunately, lumago iyon hanggang sa makabili kami ng malaking bahay, kotse, at iba pang luho. Nasanay nakong kotse, condo unit, credit card, at iba pa ang regalo sakin ng parents ko as I grow up. Sino pa nga ba ang makikinabang ng lahat ng kayamanan nila kundi ako rin. Who else will? I am their only son.

Pero syempre sabi nga, you cannot serve two masters at the same time diba? Nawalan sila ng time sakin. Hindi ako nagdrama at nagmukmok. Pinilit kong i divert yung oras ko sa kapakipakinabang. Nag workshop ako kung saan saan at kung ano ano. Mema kumbaga. Memagawa lang. Nagaral akong magsayaw, kumanta, magpainting, ultimo mag martial arts pinasok ko. Life is a choice. Kung magmumukmok lang ako sa isang tabi, wala din akong magagawa. After all, lahat naman ng ginagawa ng parents ko ako din naman ang nakikinabang. Kahit papanoh, sinisiguro naman nila na sisimba kami every Sunday tuwing end of the month. Well ganun sila kabusy ehh. Sapat na sakin yung once a month. Atleast we pray together that's why we stay together. Corny? Baduy!

Pero eto ang reality ko. Lahat ng bagay Pinagpapasa Diyos ko na. I trust Him. Yan din ang no. 1 sa list ng tinuturo sakin ng parents ko. Pray! Just pray! Na sa kabila daw ng luho na ibinibigay nila sakin, wag kong kakalimutang tumingin sa Kanya. Dadating ang araw, ako ang magmamana ng Ramires Corporation. Ako nga pala si Michael Ramires

Turning point...

Siguro mali talaga ang magtiwala ng buo. Kahit ako naloko eh. Akala ko mahal na mahal ni Daddy si Mommy. Akala din ni Mommy. Akala ko may forever eh. Pwe. Ano ba to? Angbakla naman.

Isang araw may dumating na babae sa bahay. May dalang bata. Anak nila ni Dad. Hindi ko na idedetalye ang nangyari dahil obvious na naman. Syempre sa una nag-away sila. Pero tinanggap din ni mommy yung bata. Kaso totoo pala yung kapag nasira na yung tiwala mo, hindi na maibabalik ng buo. Akala ko gawa gawa lang yun ng mga taong bitter ehh. Hindi pala. Totoo pala. Si Mommy lagi nang naghy hysterical. Gabihin lang ng uwi si Dad asahan mo na ang gyera sa bahay. Bumili nanga ako ng ear plug kasi sawang sawa nako.

Hindi lang isang turning point ang nangyari sa buhay ko may isa pa.

Napabayaan nila pareho ang kumpanya. ayun nagkalugi-lugi.

Naghiwalay sila at kay Mommy ako sumama. Hindi ko ito pwedeng pabayaan.

Kaso ako ang pinabayaan niya eh. Naging lasingera siya. Ako ang nagttrabaho para samin.

"Ma tigilan mo na ang pag-iinom. Buti sana kung ikinaganda mo yan. Kahit anong gawin mo hindi ka na babalikan ni Daddy"

"Correction! Ako ang nang-iwan"

"Okay."

Oo tama. Ikaw nga ang nang-iwan. Hindi lang kay Dad kundi pati sakin.

Yung desktop ko, binenta ko nung minsang muntikan kaming maputulan ng kuryente. Yung laptop ko pinambayad ko ng tuition. Tumigil nadin ako ng pag-aaral kasi kailangan kong magtrabaho. Halos lahat ng naibigay nila sakin noon naibenta ko na. Ang natira nalang sakin, etong kotse kong malapit nading bumigay. Ang masaklap pa, pinagdidiskitahan pang pilit ng magaling kong ina. Andami niya nadaw utang at sinisingil na daw kami ng landlady na inuupahan namin.

Hindi na maganda. Hindi talaga. Palaging sento ng inspiring story ang rags to riches. Hindi nila alam mas mahirap ang riches to rags. Bukod sa hirap yung haharapin mo, kailangan mo pang mangapa. Hindi naman ako tinuruang magtrabaho nung bata ako. Nasanay akong gigising na may pagkain nang nakahain. Nasanay akong sa tuwing magugutom ako, may pagkain sa ref. Nasanay akong may maglalaba ng damit ko. Nasanay akong want-to-sawa sa kuryente na hindi iniisip ang meralco bill. Nag-aral akong kumanta, sumayaw, magpaint, mag martial arts. Pero hindi ko naisip na mas kakailanganin ko palang pag-aralan ang paglalaba, paglilinis, pagliligpit ng pinag kainan at pagtitipid.

Minsan napapaisip ako kung bakit kailangang mangyari sakin to. Naging mabuti naman akong tao. O kaya, bakit hindi nalang ako pinanganak na mahirap para bata palang alam ko na ang gagawin ko. Daig ko pa ang bata na nangangapa kung ano ang dapat gawin. Hindi ko na alam kung ano ang tama at mali. Hindi ko na alam kung ano ang mga gusto ko, kasi kailangan kong unahin yung mga kailangan ko. Lagi kong inaalala yung buhay ko nun. Pinipilit kong balikan kung saang part ako nagkamali o kung anong masama ang ginawa ko bakit wala na yung mga kaibigan ko noon. Oo. Walang natira. Nung wala nakong pera para makasama sa kanila, ngayung hindi ko na kayang ilibre sila, ngayong hindi ko na kayang makipagsabayan sa kanila, bigla nalang silang nawala. May mga tumulong kaya lang sinusumbat din nila agad eh. Parang kailangan kong sundin lahat ng gusto nila at itatak sa isip kong mas mataas na sila sakin. Sorry. Hindi ko kaya. Sa bawat panunumbat nila, gusto kong ibalik na mas madami akong naitulong sa kanila nung kaya ko pa. Sinubukan ko pero nasabihan lang nila ako ng mayabang eh wala naman akong ipagyayabang. Siguro nga mahirap na ang buhay ko ngayon, pero hindi ko kayang ibaba ang pride ko para lang tumaas ang kanila. Bakit pako hihingi ng tulong kung paulit ulit ko din naman yung pagbabayaran. Magttrabaho nalang ako ng akin. Kaya ko naman eh.

Pero bakit sakin nangyari to? Kahit anong isip ko, wala talaga akong nakikitang mali sa mga ginawa ko noon na sapat na rason para parusahan ako ng ganito. Siguro nga maling magtiwala. Nagsayang lang ako ng oras pagtitiwala sa KANYA. Hindi nadin ako nagsisimba. Nagsasayang lang ako ng oras na dapat sana nagttrabaho nako. Hindi naman niya ako mabubusog ehh. Siguro nga wala akong ibang aasahan sa mundo kundi sarili ko. Walang iba kundi ako. Kung talagang may Diyos, nasan siya nung kailangan ko siya? Nasaan siya nung nahingi ako ng tulong sa kanya. Nasaan siya nung nakikiusap akong wag masira ang pamilya ko? Natutulog? Nagpapahinga? Nagbibingi-bingihan? Nasaan? O, baka naman wala talaga. Kaya ako? Wala nakong pinaniniwalaan kundi sarili ko. Hindi nako naniniwala na may pinakamakpangyarihang nagkokontrol at nagpprotekta sakin. Life is a game..at hindi ako magpapatalo. Hindi ako magpapatalo kahit mag-isa ako.

Playing the Game Called LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon