CHAPTER 18

1 0 0
                                    

My head's in a jam

Can't take you off my mind

From the time we met

I've been beset by thoughts of you

And the more that I ignore this feeling

The more I find my self believin'

That I just have to see you again

I can't let you pass me by

I just can't let you go

But I know that I'm much too shy to let you know

Afraid that I might say the wrong words and displease you

Afraid for love to fade

Before it can come true

"Sigurado ka ba sa lyrics mo? " biglang dumating si Mama.

"Hindi nga po eh. " sabi ko tapos tumawa siya.

"May problema ka ba anak? " tanong niya.

"Wala naman po. Bakit niyo po natanong? " tanong ko.

"Wala lang. Medyo matagal tagal nadin kasi simula nung huli kitang marinig kumanta" sabi niya.

"Sinusubukan ko lang po kung nagana pa itong keyboard . Matagal nadin nung huli ko itong nagamit eh" sabi ko.

"Anak, hindi ka magaling magsinungaling. Anong problema? Negosyo? " tanong niya.

"Hindi po" sabi ko.

"Pera? " tanong niya.

"Hindi po" sabi ko.

"May sakit ka ba? " tanong niya.

"Wala po" sagot ko.

"Tao ba to? " tanong niya.

"Pwede" sabi ko.

"Sikat? " tanong niya.

"Pwede" sagot ko.

"Presidente ng pilipinas" sagot ko.

"Hindi" sabi ko.

Mabuti nalang hindi matino ang nanay ko. Naging pinoy henyo tuloy ang pagsasabi ko ng problema ko.

"Ano ba kasi talagang problema? " pangungulit niya pa."Babae? " sabi niya.

"Times up na 2 minutes na eh" sabi ko.

"Eh kung sinasakal na kita para wala ka nang problema. Tayong dalawa nanga lang ang magkasama hindi mo pa sasabihin" sabi niya.

"Hindi ko din kasi alam kung anong problema ko eh" sabi ko.

"Michael Ramires mahirap manghula hah. Sasakalin na kita talaga" sabi niya.

"Natatandaan mo yung babae sa paintings ko? " tanong ko.

"Oo" sabi niya

"Nakita ko siya kanina" sabi ko.

"Anong problema dun? " tanong niya.

"Kasama niya yung ex ko na niloko ko. Bestfriend niya yun eh" sabi ko.

"Problema nga yun" sabi niya. "Oh edi wala ka nang pag-asa? " tanong niya pa.

"Parang ganun na nga ata" sabi ko.

"Suko ka na agad? Sayang din ang ilang taon na wala nang nasugod dito sa bahay na babaeng niloko mo ah" sabi niya.

"Talagang yun pa ang pinanghinayangan mo Ma hah" sabi ko.

"Aba bakit hindi. Dati-rati lagi ka nalang wanted eh. Laging may gustong mambugbog sayo. Napaka-playboy mo naman kasi anak eh. Kinakarma ka tuloy ngayon. " sabi niya.

"Nakakatulong ka po" sabi ko.

"Oh eh anong plano mo? " tanong niya.

"Wala"sagot ko.

"Hindi ba yung kaibign niya ang problema mo? Bakit hindi mo simulan. Makipag-ayos ka muna" sabi niya.

"Pano kung hindi kami maayos? " tanong ko.

"Oh eh hindi naman siya ang liligawan mo, pabayaan mo siya. Atleast nag try ka" sabi niya.

"Oh eh pano kung nagkaayos nanga kami ni Trisha pero hindi parin pumayag si Angel? " sabi ko

"Anak, sabi nga, iba na ngayon. Ang panliligaw hindi na pinagpapaalam dahil ang love hindi hinihintay, pinagpipilitan. " sabi niya.

"Yung matinong advice naman Ma" sabi ko.

"Ano ba? Hindi ka na highschool. Magpaka-mature ka namam. Andami mong tanong eh" sabi niya.

"Eh first time ko kayang magseryoso sa babae. I really have no idea. " sabi ko.

"Sige ganto nalang. Tugtugin mo yung last part dun sa kinakanta mo kanina" sabi niya.

I can't let you pass me by

I just can't let you go

Let me say the things and say words to let you know

I would rather say the awkward words than lose you

Or for love to fade

Before it can come true...

"You get my point? " tanong ni Mama.

"I think so" sabi ko.

"Great !" sabi niya tapos iniwan niya na ako mag-isa.

Mother knows best talaga ano? Tama si Mama. Whatever happens kakayanin ko. I would move mountains if I have to just to win her heart. Sa mga oras na to , malinaw sakin na ang tanging makakapagpasaya lang sakin ay si Angel. I would rather say awkward words than loose her. I'm willing to swallow my pride para lang mapatunayan sa kanya itong nararamdaman kong ito

Playing the Game Called LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon