"Hi ako si Michael. Tanda mo pa naman ako diba? pwede ka bang makausap? " sabi ko sa salamin
Nagppraktis kasi ako kung paano ko kakausapin si Trisha. Makapal na kung makapal pero wala nang lugar sakin ang pride kung si Angel ang pinag-uusapan.
Makikipag-ayos ako kay Trisha at kung maganda ang mangyari, hihingi nadin ako ng basbas kay Harold. Bahala na.
Andito nako sa tapat ng bahay nila. Hopefully maging maganda ang resulta. Lord, kayo na po ang bahala sakin hah
"Michael?" may nagtanong." Michael Ramires tama ba? " si Harold pala.
"Oo ako nga" sagot ko.
"What brings you here? " tanong niya.
"Andyan ba si Trisha" tanong ko.
"Oo nasa loob" sabi niya. "Trisha may bisita ka" sabi ni Trisha.
Tapos lumabas na si Trisha ng kwarto. Halata kong nagtataka sila pareho kasi nagkatinginan pa sila eh.
"Sigurado kang ako ang ipinunta mo dito? " sabi sakin ni Trisha.
"Oo sigurado ako. Kung pwede sana gusto kitang makausap" sabi ko.
"Tungkol saan? " tanong niya.
"Tungkol satin" sagot ko.
"Teka Michael hah. Gusto ko lang malaman mo na masaya na ko ngayon. May bago nakong mahal at hinding hindi nako babalik sayo" sabi niya.
"Kung ganon masaya ako para sayo. But don't get me wrong wala akong planong makipagbalikan " sabi ko.
"Basag" sabi ni Harold tapos halatang nagtatawa.
"Basagin ko kaya yang mukha mo. Napaka-chismoso mo kalalaki mong tao. Wag ka ngang makinig sa usapan ng may usapan" sabi ni Trisha.
"Wag kang mag-alala hindi ko naman narinig yung pag-aasume mo eh" nang-aasar na sabi ni Harold.
"Nililinaw ko lang" palusot niya.
"Andito ako para mag sorry " singit ko tapos napatigil silang dalawa sa pagbabangayan.
"Sorry? " tanong ni Trisha.
"There's a point in the past na niloko kita. Pasensiya na talaga. Sa totoo lang sinasadya ko yun pero sobrang pinagsisisihan ko ng husto hanggang ngayon" sabi ko.
"Sinasadya mo? " tanong niya.
"Yung panloloko ko nga babae, sinasadya ko yun. Nung mga panahong yun napariwara ako. Ultimo Diyos hindi ko pinaniwalaan. Ginawa kong libangan ng walang kwenta kong buhay ang pambabae. Hindi ko kayang magtiwala kahit kanino. Kaya, OO, sinadya kong manloko para manira din ng tiwala ng iba. Pasensiya na pati ikaw nadamay pa. Andami kong nasaktan hanggang sa may nagparealize sakin kung gaano ako ka tarantado" paliwanag ko.
"Si Angel ba yun? " tanong niya.
I nodded.
"Medyo makapal din ang mukha mo ano? Gusto mo lang ata maka good shot kay Angel kaya ka nagsosorry sakin eh. Pero sinayang mo lang yung punta mo dito" sabi niya.
"Huy" panunuway ni Harold.
"Oh bakit? " sabi ni Trisha. Kumuha siya ng papel tapos may sinulat. "Si Angel ang puntahan mo imbis na ako. Wala ka nang problema sakin nakalimutan ko na lahat ng ginawa mo. Gaya ng sinabi ko kanina masaya nako. " tapos iniabot niya sakin yung papel" eto ang address ng hospital na pinagttrabahuhan ni Angel. "
"Salamat" sabi ko.
"Layas na aba! Wag nang magpatumpik tumpik pa boom karakaraka. Sayang ang oras baka maunahan ka pa ng iba" sabi niya.
Paalis na sana ako pero hinabol ako ni Harold
"Teka sandali" sabi niya. "Kailangan ko ng mag-aalaga at magpprotekta kay Angel, pwede ka ba? " tanong niya.
"Kahit hindi mo sabihin gagawin ko yun" sabi ko.
"Aasahan ko yan" sabi niya.
"At sa oras na bumali ako sa usapan, suntukin mo ko hanggang gusto mo. " sabi ko.
"Gagawin ko talaga yun. Nabalitaan ko ang panloloko mo kay Trisha, paano mo ako mapapanigurado na hindi mo gagawin yun kay Angel? " tanong niya.
"The last thing I want to do ay ang saktan si Angel. Kung sino man ako ngayon, dahil yun sa kanya. Alam ko kung gaano kadilim yung past ko pero believe me, binago na ni Angel yun. " sabi ko.
"So you mean mapagkakatiwalaan kita? " tanong niya.
"Don't trust me. Trust Angel Pagkatiwalaan mo ang mga pinag gagawa niya sa akin. " sabi ko.
"Anlabo. Mo dun brad" sabi niya
"Kahit ako hindi ko din maintindihan eh. Ang malinaw lang sakin mahal ko siya at handa akong gawin lahat para mapasaya siya at habang buhay kong ipagpapasalamat na nag meet ang mundo naming dalawa" sabi ko.
"Ambaduy mo. Inlove ka nga. Sige na. Payag na akong ligawan mo si Angel" sabi niya
At umalis nako. Lord, salamat po.
BINABASA MO ANG
Playing the Game Called Life
CasualePAALALA: hindi ito pangkaraniwang fairytale kaya wag mag expect ng happily ever after