Trisha's POV
How life should be live? Is it really unfair? If according to mathematics, negative times negative equals positive, will it be better if we'll live this unfair life in an unfair way to have a positive result?
Kagagaling ko lang sa break up kanina at nakipagbreak sakin yung lalaking minahal ko ng tapat. Nagmahal naman ako. Nagbigay. During the process, nasaktan. Bakit kailangan sa ending masaktan parin?
Hindi kami nagtagal ni Michael. Pati panliligaw hindi ko nadin pinatagal. Nagkataon kasing nandiyan siya on my weakest moment kasi napahiwalay ako sa kaibigan kong kasama ko mula pagkabata. Nandiyan siya para pasayahin ako. With him, I don't feel so alone. Akala ko minahal niya din ako eh. Pinakilig lang pala.
Bakit ganun?
Nung una masaya eh. Lagi siyang nangungulit. Lagi siyang lumalapit. Lagi siyang nandiyan. Naiinlove ako sa bawat sinasabi niya. Ansarap sa feeling na may nagmamahal sakin. Biglaan siyang dumating. Biglaan din siyang umalis.
"Teh break na kayo?" may chismosang nagtanong. Yung kasamahan ko pala ditosa opisina.
"Panoh mo alam? " tanong ko. Kaming dalawa lang naman kasi ni Michael ang magkausap kanina.
"Simula't sapul naman alam kong magbbreak din kayo" sabi niya.
"Huh? " sabi ko. Bitter ba siya o may gusto lang talaga siyang palabasin.
"Usap tayo mamaya pag-out natin. May sasabihin ako sayo" sabi niya.
"Bakit hindi pa ngayon? " sabi ko.
"Para may privacy. Alam kong hindi mo 'to gustong malaman ng biglaan" sabi niya. #Arti. May pa mysterious effect pa eh.
Okay
Patience is virtue naman eh.
I wait (but not patiently ). Antagal naman kasi ng out eh. Gusto ko nang malaman.
Waiting
After 10 years, sa wakas nag-out na kami. Nagpunta kami ng kasamahan ko sa trabaho na itago natin sa pangalang Rica.
"Masyado kang pabitin hah. Sabihin mo na agad yan" sabi ko.
"Sigurado ka kaya mo? " tanong niya.
"Andami mong paliguy-ligoy" napipikon nako eh.
"Okay basahin mo nalang itong convo nato" sabi niya.
She handed me her phone. Nabasa ko lang naman yung convo nila ni Michael
Is it real? Is it real?
Dandandan dalandan
Totoo ba ito? Nabasa ko lang naman ang kalandian ni Michael. Nililigawan niya si Rica habang kami.
"Totoo ba ito? " tanong ko.
"Gusto ko sanang sabihin sayo pero nakita kong masaya ka eh" sabi niya.
"Bakit hindi mo agad sinabi sakin? " tanong ko.
"I tried, but I failed " sabi niya. "Nagalit nga ako kay Michael nung nalaman kong kayo pala. Hindi niyo naman kasi kinakalat saamin. Don't worry hindi naman naging kami. Nung nalaman kong kayo pala, inaway ko agad si Michael kahit basahin mo pa diyan yung iba. " sabi niya.
At bumagyo na ng luha sa mata ko.
Hindi ko. magawang magalit kay Rica kasi alam ko namang wala siyang kasalanan. I still owe her the truth atleast.
Si Michael naman talaga ang may kasalanan eh. Siya ang nakipagflirt kay Rica na, thank God, hindi sinakyan ni Rica. Kung may naging mali man si Rica, hinayaan niya muna akong lokohin bago siya umamin.
Nanggagalaiti ako. Ansarap pumatay ng tao. Pero nabasag talaga ako. Lahat ng confidence ko tinangay ng hangin. Walang natira. Pangit ba ako? Masama bang ugali ko? Bakit ako? Bakit ako niloko? Anong naging kulang ko? Pero ang pinakaimportanteng tanong "Bakit ako nagpaloko? " .Hindi ko manlang ba talaga nahalata na niloloko nako o hindi ko lang talaga pinansin?
BINABASA MO ANG
Playing the Game Called Life
RandomPAALALA: hindi ito pangkaraniwang fairytale kaya wag mag expect ng happily ever after