CHAPTER 13

5 0 0
                                    

Angel's POV

Kinailangan nadin naming umuwi kasi may trabaho pa si Mommy. Bilhan din ako ni Mommy ng bagong cellphone . Pagkasalang ko nung sim ko, bumungad ang text ni Harold at Trisha.

May nangyari kaya?

Matawagan nga si Harold.

"Hello Harold. Anong meron bat andami niyong text ni Trisha? Nasira kasi yung phone ko eh" sabi ko.

"Gusto ka daw makausap ni Trisha eh. "Kailan ka ba pwede? " tanong niya.

"May problema ba? " tanong ko.

"Broken hearted ata tong kaibigan mo eh" sabi niya.

Kailan pa nagka lovelife si Trisha?

"Wa-ech? " sabi ko kay Harold.

'Hindi din ako sigurado ayaw sakin magsabi eh. Natatakot atang sugurin ko yung lalaki" sagot niya.

"Sige pupunta ako diyan. " sabi ko.

Hayy, Ano kayang nangyari?

Si Trisha naman ang susunod kong tinawagan.

"Babaita anong kalokohan na naman ang pinasok mo? " bungad ko.

"Ewan ko nga din" matamlay na sagot niya.

"Aba mukhang may drama ka ata talaga ngayon hah. Bakit di mo agad ako sinabihan? " sabi ko.

"Anong hindi. Bruha ka naka-ilang punta nako sa inyo. Tawag ako ng tawag hindi ka sumasagot. text ako ng text hindi ka naman nagrereply"sabi niya

"Sorry na nasira yung cellphone ko. Galing din kasi akong Bicol. Pupuntahan kita ngayon. Wag ka munang magbibigti hah. Hintayin mo ako magdadala ako ng lubid" sabi ko.

"Bilisan mo hah" sabi niya.

"Opo" sabi ko.

Tapos nagpaalam nako kay Mommy at nagpahatid kay Michael.

"Dito nalang muna ako. Tatawagan kita pag susunduin mo nako" sabi ko kay Michael.

"Sigurado kang safe ka diyan?" tanong niya.

"Hanebe. There's no place like home " sabi ko.

"Sige. Aalis nako. Magtext ka nalang pag susunduin na kita o kaya tumawag ka" sabi niya tapos umalis na.

"Hello Philippines and Hello World. I'm back. " Masiglang bati ko

"Antagal mo" bati ni Trisha.

"Hindi mo kasi pinahiram sakin yung walis mo. Edi sana lumipad ako. " sabi ko naman. "Asan sila? " tanong ko.

"Wala. Nasa trabaho silang lahat. Isa pa ako naman ang pinunta mo dito diba? " sabi ni Trisha.

"Oh kwento na" sabi ko.

"Nagkaboyfriend ako" sabi niya.

"Tapos niloko ka. End of story? " sabi ko.

"Oo parang ganun" sabi niya.

"Oh eh tapos na pala eh ano pang pinunta ko dito" sabi ko. Nag-amba akong aalis.

"Hindi mo ba ako pipigilan? " tanong ko. Aba loko to hindi ako pinigilan.

"Sino bang may problema dito? ako o ikaw? " sabi niya. "Moment ko to inaagawan mo ako" dagdag niya.

"Sabi ko nga eh. Sorry na. Ang arti mo kasi ambagal mong magkwento" sabi ko.

"Nung nawala ka kasi nalungkot ako. Tapos dumating siya. Siya yung pogi sa restaurant na bagong apply. Sayang nga hindi mo nakita eh. Nanligaw siya. Sinagot ko agad kasi diba sabi nila hindi panliligaw ang pinatatagal, dapat daw yung relasyon" sabi niya.

"Naniwala ka naman kasi sa sabi sabi. Ang babaeng pinaghihirapan, Hindi pinakakawalan. Oh anong nangyari, iniwan ka agad. Dapat talaga pinapahirapan yang mga lalaking yan eh" sabi ko.

"Teh, hindi ikaw ang niloko. Ako! Mas bitter ka pa sakin eh. " sabi niya.

"Panoh ka ba niloko? " tanong ko.

"Pagkatapos ng break up namin, lumapit sakin si Rica. Niligawan din daw pala siya. Pero nung nalaman niyang kami, nagalit siya kaya hindi niya pinayagan. Pero sabi -sabi din na hindi lang kami. Madami pang iba. " paliwanag niya.

"All this time hindi ka nakahalata? Eh sasaglit palang akong wala ahh? " sabi ko.

"Yun nanga. Sa totoo lang wala nakong confidence sa sarili ko. Naubos na. Hindi pala madali sa feeling ng niloko. Nakakababa. " sabi niya.

That moment binigyan ko siya ng mahigpit na hug. Sa boses niya alam kong sobrang nasaktan siya. I don't wanna say anything nor I don't wanna speak. Sa tingin ko mas mabuti kung mafeel ni Trisha na nandito lang ako sa tabi niya.

"Wala ka bang gustong sabihin? " sabi niya. "Alam mo bang antagal kitang hinintay para may manermon sakin? " sabi niya.

"Hindi na kailangan alam ko namang alam mo nang tanga ka" sabi ko.

"Yun nanga eh . Kaya hindi ko alam kung ano ang next step ko. Hindi ko alam. " sabi niya tapos umiyak na naman.

"Ampangit mong umiyak. Tumahan ka na. Kung hindi mo alam ang susunod mong gagawin, edi alamin mo muna. Wag ka kasing magmadali. Walang magandang idudulot yan. " sabi ko. "Ibalato mo na kay Aling Karma yung lalaki. Pero kung gusto mo ng forever, kay God ka lumapit" sabi ko.

"Gusto mong magmadre ako? " sabi niya.

"Isa't kalahating tanga ka talaga ano? " sabi ko. "Ibig kong sabihin, ipagpasa-Diyos mo na ang lahat. Kung may darating, edi dumating. Pero wag mong madaliin. Magtiwala ka sa Kanya. Wag kang mawalan ng confidence o kaya tiwala sa sarili mo o sa ibang tao. Hindi ikaw ang unang babaeng niloko. Kung kinaya nila, edi kaya mo din. Tama na ang mukmok. Lalo kang pumapangit" sabi ko.

"Tama na din ang panlalait mo. Hindi ako salamin" sabi niya.

"Oh ano okay ka na? " sabi ko.

"Syempre hindi pa. Pero magiging okay din ako. Susundin ko yung mga sinabi mo" sabi niya.

"Aba dapat lang" sabi ko.

Tinawagan ko na si Michael para sunduin ako. Dumating naman siya agad.

"Ikaw? " sabi ni Trisha kay Michael.

"Magkakilala kayo? " tanong ko.

"Magkakilala kayo? " tanong ni Trisha.

"Teka, Magkakilala kayo? " tanong naman ni Michael.

"Aba nauna akong magtanong" sabi ko.

"Siya yung ex ko" sabi ni Trisha.

"Siya yung driver ko" sabi ko naman. "Ikaw yung naloko kay Trisha? " tanong ko kay Michael. Hindi niya sinagot.

"I'm sorry " yun lang yung sagot niya. "Hindi ko ginustong masaktan ka ng sobra pero sinadya kong lokohin ka" sabi ni Michael.

"Umalis ka na" sabi ni Trisha. "Layas" sigaw niya.

Umalis na kami ni Michael. I'm sure magiging okay din si Trisha. She's stronger than me at alam kong kaya niya yun.

Playing the Game Called LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon