Pinuntahan ko na si Angel.
Nakita ko si Angel. Naka puting coat siya sa uniform niya. Mas lalo tuloy siyang nagmukhang anghel.
"Michael anong ginagawa mo dito? " tanong niya.
"Mag-date tayo" sabi ko.
"Huh? " sabi niya.
"Manliligaw ako sayo" sabi ko.
"Ayus ah. Pumayag ba ako? " sabi niya.
"Sisihin mo nanay ko. Sabi niya sakin hindi pinagpapa-alam ang panliligaw dahil ang pag-ibig hindi hinihintay" sabi ko.
"Eh ano pala? " tanong niya.
"Pinagpipilitan" sabi ko.
Pinagtawanan niya lang ako.
"Seryoso ako" sabi ko.
"Bahala ka madami pakong trabaho" sabi niya.
Umalis na ai Angel at nagtrabaho . Umalis din muna ako at pinuntahan si Ma'am Aliah para magpaalam. Nagsabi din ako na kung maari, ako na muna ang driver ulit ni Angel. Mabuti nalang at pumayag si Ma'am Aliah.
Hinintay ko si Angel hanggang matapos ang office hour
"Andito ka parin? " tanong ni Angel.
"Sabi ko naman sayo seryoso ako eh. Liligawan kita at wala kang magagawa." sabi ko.
"Pwes, pinapatigil na kita. " sabi niya sakin.
"Titigil lang ako kapag um-OO ka na" sabi ko. "Teka mali pala. Hindi ako titigil. PERIOD " sabi ko.
"Ang corney no'n" sabi niya tapos ngumiti.
"Kunwari ka pa kinilig ka naman" sabi ko. "Sakay na ako na uli ang driver mo" sabi ko.
Wala siyang nagawa sumakay din siya.
"Saan mo gustong pumunta? " tanong ko.
"Sa bahay malamang" sabi niya.
"Really? Gusto mo nang mag-isa sa maganda, malaki, at tahimik mong bahay ngayon? " tanong ko.
"Sanay nako" sagot niya.
"Pwes hindi na ngayon kasi hindi na kita pababayaang mag-isa" sabi ko.
"Aba nagagamit mo ang skills mo sa pambobola ah" sabi niya.
"Hindi ko nga magamit ng ayos. Hindi naman talaga ako marunong manligaw ng seryosohan eh. First time ko to. Tulungan mo naman ako oh" sabi ko.
"Aba ayos ka ah. Magpatulong ba naman manligaw sa nililigawan. Kakaiba ang trip mo ah" sabi niya.
"Seryoso ako" sabi ko.
Seryoso talaga ako sa sinabi ko.
"Mahilig ka ba sa flowers? " tanong ko.
"Basta madami" sabi niya.
"Chocolates? " sabi ko.
"Basta wag sobrang dami" sabi niya.
"Music? " sabi ko.
"Oo naman" sabi niya.
"Stuff toy? " sabi ko.
"Basta malaki" sabi niya.
'Ano pa ba? " sabi ko.
"Effort. Yun ang gusto ko. " sabi ko. "Saan mo ba ako dadalhin? Siguraduhin mong wala kang gagawin saking masama hah" sabi ko.
"Sira ulo ka ba? Wala nga akong ibang gustong gawin kundi protektahan ko tapos gagawan kita ng masama? Ano ko shunga? " sabi ko.
Tinawanan niya lang ako.
"Andito na tayo" sabi ko.
"Anong lugar to? " tanong niya.
"Bahay namin. Ipapakilala kita kay Mama" sabi ko.
"Agad-agad" tanong niya.
"Sinabi ko naman sayo seryoso ako eh" sabi ko.
Pumasok na kami sa loob.
"Michael nandiyan ka na pala" sabi ni Mama tapos nakita niya si Angel. "Ikaw yung babae sa mga paintings ah".
"Ma si Angel po. Angel si Mama" pagpapakilala ko.
"Good Evening po" bati ni Angel.
"Good evening " sabi ni Mama. "Dito ka na mag dinner. Tamang-tama nagluto ako"
Hindi naging Awkward ang dinner kasi nagkasundo naman sila. Kung tutuusin nga mas nawala pako sa eksena eh. Hindi ako makasingit sa kanilang dalawa.
"Salamat sa dinner. Nag-enjoy ako" sabi ni Angel. Nandito kami sa tapat ng bahay nila. Hinatid ko siya.
"Kahit araw-araw pa kung gusto mo" sabi ko.
"Paninindigan mo talaga yan hah" sabi niya.
"Seryoso kasi talaga ako" sabi ko.
"Osige tingnan natin. " sabi niya. "Sige pasok nako"
"Sige Ingat. I love you" sabi ko.
"Ambaduy" sabi niya.
"Sige na pumasok ka na" sabi ko.
Parang rebisco, ansarap ng feeling ko. Sobrang gaan sa pakiramdam na nasabi ko na sa kanya yung gusto kong sabihin matagal na. Kung saan man ito mapunta, wala na akong pakialam. Ang mahalaga alam niya na kung ano ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Playing the Game Called Life
RandomPAALALA: hindi ito pangkaraniwang fairytale kaya wag mag expect ng happily ever after