"Masaya ako para sayo" si Angel na naman. Nakita niya akong palabas ng chapel.
"Akala ko umalis ka na? " tanong ko.
"Well, Obviously, akala mo lang yun" pamimilosopo niya. "Wala ka kasing katulong pagbabantay sa Mama mo. Pwede ako" sabi niya.
"Hindi na. Gusto ko din talaga na ako ang magbantay sa kanya eh" sabi ko.
"Ikaw ang bahala. Basta sabihin mo nalang kapag may kailangan ka. Wag kang mahiya. " sabi niya.
"Ikaw nalang ang bahalang magpaliwanag kay Ma'am Aliah" pakiusap ko.
"No problem " sabi niya. "Panoh una nako. Bibisi-bisita nalang ako" paalam niya.
"Sige. Hindi na kita maihahatid hah" sabi ko.
"Okay lang. Bye" paalis na siya.
"Angel" tawag ko. "Salamat"
"No problem " sabi niya tapos ngiti tapos umalis na uli.
Malaki din talaga ang utang na loob ko kay Angel. Kundi dahil sa kakulitan niya, hindi ako kukulitin ng konsensiya ko para magbago. Lord, salamat pong nag meet ang mundo naming dalawa.
"Kamusta na si Mama mo? " tanong ni Angel. Bumisita uli siya.
"Ganun parin. Wala paring pagbabago. " sabi ko.
Lumapit si Angel kay Mama tapos minsahe niya.
"Anong ginagawa mo? " tanong ko.
"Kapag nagising siya, paniguradong masakit ang katawan niya. Ikaw na ang humiga ng ilang buwan noh" sabi niya.
Sabagay, may point siya. Pero bakit parang malungkot siya?
"May problema ba Angel? " tanong ko.
"May nabasa kasi ako. What if kausapin ka ng doctor? Minsan kasi kapag matagal nang coma yung pasyente, nawawalan na ng pag-asa na magising pa siya. Kasi kung magigising siya dapat noon pa diba? " tanong niya.
"Ano ang tanong mo dun? " tanong ko.
"What if tanungin ka na tanggalin na yung feeding tube niya? " sabi niya.
"Ikaw ang nagturo sakin magtiwala diba? Naniniwala akong gagaling siya. Kahit sobrang liit ng tyansa. Kahit abutin pa ng taon" sagot ko.
Tapos ngumiti siya.
"Tama ka. Ewan ko nga ba kung bakit ko nabasa yun. Napasugod tuloy ako dito" sabi niya.
"Maiba ako. Pwede bang ikaw muna ang magbantay kay Mama. Kailangan ko kasing puntahan yung pinagbentahan ko ng sasakyan. Medyo lumalaki na kasi ang bill namin dito sa ospital eh. " pakiusap ko.
"Sige. Ako na ang bahala" sabi niya.
Umalis nako. Sa totoo lang kinabahan ako dun sa tanong ni Angel kanina. What if hindi magising si Mama? What if kausapin ako ng doctor na wala na talagang pag-asa.
Hindi.
Hindi pwede.
Naniniwala akong magigising siya. Hindi nako mawawalan ng tiwala kay God ngayon. Alam kong hindi niya kami pababayaan. Kailangan ko lang magtiwala.
Pinuntahan ko na yung buyer nung sasakyan ko. Kaya lang hindi din malaki yung kita ko kasi pabigay nadin eh. Mabuti nalang naawa na sakin kaya binili na din. Malaking tulong nadin ito kahit papano. Natagalan ako kasi medyo traffic din at andami din naming inasikasong papeles.
Pagtingin ko sa cellphone ko, 10 missed calls galing kay Angel.
Teka anong nangyari?
Nagkatotoo kaya yung sinabi ni Angel?
Kinakabahan ako.
Hinanda ko na yung sarili ko eh pero nabablangko talaga ako ngayon.
Tinawagan ko si Angel.
"Angel anong nangyari? " sabi ko.
"Hello Michael nasan ka na? " sabi niya.
"Pabalik nako diyan. Traffic kasi eh" sabi ko.
"Bilisan mo na. Pagdating mo na saka ko sasabihin sayo" sabi niya.
Tapos nag end na yung call. Ano ba tong babaeng ito. Papatayin niya ako sa nerbyos sa ginagawa niya eh.
Anong nangyari kay Mama.
Huminto na ba siya sa paghinga?
Iniwan niya na ba ako?
Hindi pwede.
At sa daan para akong batang natakbo habang naiyak. Bumaba na ko sa sasakyan. Hindi naman kasi nagalaw. Hindi ko kayang basta umupo at maghintay.
Madaling madali ako.
Nakita ko si Angel sa labas ng pintuan ng kwarto ni Mama. Papasok sana siya. Tinawag niya ata yung mga doctor.
"Asan siya? " sabi ko. "Anong nangyari? " tanong ko. Kitang kita kong kabadong kabado ang mukha niya.
"Nasa loob tinitingnan ng mga doctor." sabi niya. "She's awake " at ngumiti siya.
Pumasok ako sa loob at nakita ko si Mama. Lord, salamat po. Tinupad Niya ang hiling ko. Salamat po talaga. Maraming maraming salamat po.
Napakasaya ko.
Iba. Ibang-iba.
There can be miracle when you believe. Ansarap sa pakiramdam dahil nagtiwala ako. Dahil naniwala ako.
BINABASA MO ANG
Playing the Game Called Life
RandomPAALALA: hindi ito pangkaraniwang fairytale kaya wag mag expect ng happily ever after