CHAPTER 22

5 0 0
                                    

Tinuloy-tuloy ko ang panliligaw kay Angel. Hatid-sundo. Kung saan saan nga kami nagpunta eh. Nakakatawa nga kasi lagi akong nagreresearch kung saan ko siya dapat dalhin. Daig ko pa ang estudyanteng may report araw-araw. Para niya akong naging tour guide sa iba't ibang lugar.

"Yung totoo, nanliligaw ka ba o nag-aaply na tour guide ko? " sabi niya.

"Anything goes " sagot ko.

"Saan mo naman ako dadalhin ngayon? " sabi niya.

"Gaano na ba ako katagal nanliligaw sayo? " sabi ko.

"Hindi ko alam eh. Hindi ko binibilang" sabi niya.

"Okay lang wag mo nang bilangin. Naawa ako sayo kasi siguradong dadating ang panahon, hindi mo na talaga mabibilang. Kasi kahit UM-OO ka sakin, liligawan parin kita" sabi ko.

"Ambaduy" sabi niya.

"NgaNga mo kinikilig ka naman" sabi ko.

"NgaNga mo din. Asa ka pa" sabi niya.

"Andito na tayo" sabi ko.

"Anong ginagawa natin dito? " tanong niya.

"Papakasalan na kita" sabi ko tapos nanlaki yung mga mata niya.

Dinala ko siya dun sa simbahan na pinipilit niya ako dating pumasok.

"Joke lang hindi pa kita papakasalan" sabi ko. "Gusto ko lang pumasok diyan na kasama ka tutal, ikaw ang nagbigay sakin ng dahilan para maniwala uli eh" sabi ko.

Pumasok na kami sa loob at nagdasal.

Panginoon,

Kasama ko po ngayon ang anghel na pinadala niyo sakin. Sa dinami dami ng blessings niyo sa buhay ko, siya po ang pinaka-paborito ko. Maraming maraming salamat po. Lord, ngayon lang po ako naging ganito kadesidido sa buong buhay ko at naging ganito kaseryoso kaya humihingin po uli ako ng tulong sa inyo. Lord, hihingin ko po sana ang kamay ni Angel sa inyo. Tulungan niyo po ako at gabayan para mapasaya siya hanggat kaya ko. Maraming Salamat po.

In Jesus name Amen

Pagkalabas namin si Angel sa simbahan dinala ko naman siya sa hinanda kong surpresa para sa kanya.

"Ano to? " sabi niya. "Bakit hindi mo sinabing may pa ganito edi sana nakapagbihis ako ng matino"

"Sana nga sinabi ko ano para nasurprise ka" pambabara ko. "Hayaan mo na maganda ka naman kahit ganyan lang ang suot mo eh" sabi ko kay Angel. Naka T-shirt at pants lang kasi siya.

Madaming bulaklak ang nakapalibot sa amin pati sa sahig gaya ng sinabi niya.

" Okay na ba itong ganito kadaming bulaklak? " tanong ko.

" Yeah I like it " sabi niya.

" Eh yung ganito kadaming chocolate? " tanong ko.

"Tamang tama lang" sabi niya

" Eh yung ganito kalaking teddy bear? " sabi ko sabay abot ng human size teddy bear.

"Wow. Oo salamat" sabi niya.

"Eh yung effort ko para sa pagagawa ng mga paintings nato? " sabi ko tapos tinanggal ko yung takip ng mga bagong painting ko sa kanya.

"Wow. Sobra sobra pa kasama nadin ang pagsingit mo sakin sa busy mong schedule araw araw at pagreresearch para madala ako sa ibat ibang lugar, pati narin sa pag aayos mo ng ganitong surprise" sabi niya.

"Pero hindi kulang pa yan" sabi ko.

Tapos kinuha ko yung gitara at tumugtog

When I see your smile

Tears run down my face

I can't replace

And now that I'm stronger

I've figured out

How this world turns cold

And break through my soul

And I know deep inside me

I can be the one

Tapos tiningnan ko siya sa mata kasi ang mga susunod na lyrics ng kanta ay ang mga bagay na gustong gusto kong sabihin sa kanya.

I will never let you fall

I'll stand up with you forever

I'll be there for you through it all

Even if saving you sends me to heaven

"I love you Angel Santos. For the nth time, seryoso ako" sabi ko.

Ngumiti siya. Yung ngiting nakakaloko.

"I love you too " sabi niya.

At sa isang iglap nagunaw ang mundo ko. Napaltan ng paraiso.

Masaya ako.

Sobra.

Hayy, ang life parang buhay.

Thank you Lord the best ka talaga forever

Oo, naniniwala nako sa forever.

Ambaduy.

Playing the Game Called LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon