Michael 's POV
"Oh eh tara na. Kahit saan. Basta masaya. May tiwala naman ako sayo eh" sabi ni angel. Tapos nagising na ako.
Ayus yung babaeng yun ahh. Sumama hanggang sa panaginip ko. Buti nalang talaga day-off ako sa restau kundi nagka-absent ako ng hindi oras. Napahaba ang tulog ko dito sa sasakyan nila eh. Napagod kasi ako pakikipagtalo sa kanya sa mall kanina. ANGKULIT!
Lahat ng sinasabi ko may pambawi siya eh. Nanahimik lang siya nung nasa salon na. Pero kung kaninang umaga mukha siyang anghel, pagkagaling niya sa salon nagtataka nako kung tao ba talaga siya. Grabe angganda niya talaga. Sweet and thoughtful pa. Kanina nung namimili kami, andami niyang binabanggit na tao na hindi ko kilala. Binilhan niya din ng mga damit. Hayy, makatayo nanga. Oops. May nahulog ako. Ano ba yun?
Paper bag?
may nakalagay na note na:
Para sayo talaga yan. Salamat sa pagsama sakin
-Angel
Yung babaeng yun talaga. May paregalo effect pa ehh.
Lumabas nako ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.
"Ba't hindi ka pa tulog?" tanong ko. Nakita ko kasi si Angel.
"Hinihintay ko kasi si Mommy kanina. Ipapakita ko sana sa kanya itong transformation mo sakin kaso nagtxt siya. Baka daw sa weekend na siya makauwi" sabi ni Angel. Halata sa mata niya na malungkot siya.
"Masanay ka na. Madalas talaga nasa business trip si Ma'am Aliah. Kung san san yun nakakarating sa ibat ibang business meeting ehh" sabi ko.
"Oh eh ano panga ba" sabi niya tapos tumayo siya"Sige matutulog nako. Pahinga ka narin. " sabi niya. Bakit anglungkot niya. Sa boses niya ramdam ko ng disappointment niya.
"Agahan mo bukas hah. From the looks of it, ako ang escort mo habang wala ang mommy mo. Unless, gusto mong magmukmok sa maganda, malaki at tahimik mong bahay" sabi ko. At sa wakas ngumiti uli siya.
"Willing ka? " tanong niya.
"Oo naman" sabi ko.
"Sige. Asahan ko yan hah. Goodnight " sabi niya tapos umakyat na siya para matulog.
Sa totoo lang hindi ko din alam itong ginagawa ko. Naapektuhan kasi ako sa lungkot sa mukha niya kaya gusto ko lagi siyang nakangiti.
"Michael, wala naman si Mommy, wag ka nang mag-uniform bukas. Mukha ka kayang bodyguard ng presidente" sabi niya. Aba loko to ah. Nanlait pa.
"akala ko tulog ka na" sabi ko.
"Akala mo lang yun. Sige goodnight ulit" sabi niya tapos umakyat na uli.
Baliw talaga yun. Talagang nageffort pa siya bumaba para lang asarin ako.
Makauwi nanga.
Teka.
Wala nga pala si Ma'am Aliah. Mag-isa si Angel ngayun dito. Yung katulong naman kasi nila kasama ni Ma'am Aliah.
Aalis pa kaya ako.
"Malaki na siya kaya niya na sarili niya" sabi ko sa sarili ko.
Pero hindi ako nakatiis. Hindi ako umuwi. May gamit naman ako sa kotse at may sarili naman akong kwarto dito sa bahay nila.
Kinabukasan, maaga akong nagising pero paglabas ko. Nakapaghanda na ng almusal si Angel.
"Ang aga mo naman? " sabi ko.
"Nasanay lang. Nabibingi pati ako sobrang tahimik ng bahay. Akala ko umuwi ka kagabi? " tanong niya.
"Hindi nako umuwi. Alam kong wala kang ibang kasama dito eh. Mahirap na.Pinagbilin ka pa naman sakin ni Ma'am Aliah. " sabi ko
"Breakfast's ready. Kain na" sabi niya.
At kumain nako.
"San tayo pupunta ngayon? " tanong ko.
"Ako na ang bahala dun" sabi niya tapos ngumiti. Bat ba ang hilig ngumiti nitong babae nato? Nakakalolo eh. Nakakahawa.
"Kahapon tinuruan mo akong maging mayaman. Ngayon, tuturuan naman kitang maging ako" nakangiting sabi niya.
Pagkatapos naming kumain, naghanda na kami pareho.
"Teka san ba tayo pupunta? "
"Basta magdrive ka lang" sabi ko.
"Papunta saan? " tanong ko uli.
"Ikaw bahala. Basta wag kang titigil hanggat hindi ko sinasabi. " sabi niya.
Okay
"Hanggang san aabot ang bente pesos mo? " tanong niya.
"Gusto mo ng corneto? " tanong ko.
"Baliw ka. Ihinto mo na diyan" sabi niya.
"Huh? " May sapak ba talaga itong babae nato?.
"Basta ihinto mo." sabi niya tapos tumingin siya sa mata ko. "Trust me"
At hininto ko na yung sasakyan. Potek narinig ko na naman yung salitang TRUST.
Madaming street food vendor dun sa binabaan namin. Teka parang alam ko na ang balak nito ah.
"Sorry na kung dinamay kita. Sobrang miss ko na kasi kumain nito eh. " sabi niya.
"Madumi yan. Baka sumakit ang tiyan mo" paalala ko.
"Saan mo nakuha yan? " tanong niya.
"According to studies" sabi ko.
"Sa tinagal tagal kong nakain nito, ni minsan hindi pa sumakit yung tiyan ko" sabi niya. "Kain na. My treat. Wala ka bang tiwala sakin? " tanong niya.
"Wala" diretsong sabi ko.
"Okay. Maglaway ka! Basta ako kakain ako" sabi niya. "Pero boring kumain mag-isa. Sige na kasi. Ang arte mo naman eh" sabi niya tapos nakita ko na naman sa mata niya na malungkot siya.
"Sige na nga. Alin ba dito ang masarap? " tanong ko.
"Lahat yan. Manang pabigyan po siya nito. saka eto. eto pa po. " at siya ang nasunod sa mga kakainin ko.
Kaya pala tinawag na turo-turo kasi magtuturo ka lang ng magtuturo. Well, feeling ko lang. Pero masarap naman eh. Ibang iba ang lasa sa mga kinakain ko. At mura. At, hindi din sumakit ang tiyan ko gaya ng sinabi ko kanina. Mali pala. Sumakit pala ang tiyan ko kakatawa kay Angel. Andami niya kasing tanong sa tindera. Akala tuloy nung tindera may hidden camera kami. Ang weird talaga nung babaing yun.
"Ano masakit na ba yang tiyan mo?" nakakalokong tanong niya sakin.
"Oh edi panalo ka na naman. " pagsuko ko.
"Iwan na muna natin yung kotse. Hindi naman yan mawawala diyan. Lakad lakad muna tayo. " sani niya. Ayaw ko sana pumayag kaya lang" Utos yun" sabi niya.
Naglakad kami ng naglakad hanggang nakarating kami sa simbahan.
"Tara papasok sa loob. Magdadasal lang ako" sabi niya
"Hintayin nalang kita dito" sabi ko.
Simula pa nung nagkandaloko loko ang buhay ko, hindi nako marunong magdasal. Nasira ang tiwala ko sa Kanya eh.
BINABASA MO ANG
Playing the Game Called Life
RandomPAALALA: hindi ito pangkaraniwang fairytale kaya wag mag expect ng happily ever after