CHAPTER 10

12 0 0
                                    

Pagkahatid ko sa kanya sa bahay, umalis nako. Pumasok nako sa restaurant. Gusto ko sanang samahan si Angel kaya lang naguguluhan parin ako sa mga sinabi niya. Ipinagbilin ko nalang siya dun sa kapitbahy namin. Nakiusap akong tingnan tingnan siya. Isa pa sinabihan niya akong wag nang pumasok bukas dahil parating daw ang Kuya Harold niya.

Pagkabalik ko, naging natural lang sakin si Angel. Parang walang nangyari. Parang hindi kami nagtalo tungkol sa paniniwala ko. Hindi ko alam kung wala na talaga sa kanya yung mga yun o hindi niya nalang talaga pinakelaman.

"Sinong binabalak mong patayin? " tanong sakin ni Angel.

"Huh? " pagtataka ko.

"Joke lang. Anlalim kasi ng iniisip mo" sabi niya tapos tumawa.

"Anong nakakatawa dun? " tanong ko.

"Pakielamin ka eh gusto kong tumawa. Kung gusto mong sumimangot maghapon go push" sagot niya. "May pupuntahan ako. Samahan mo ako. "

"Ihahanda ko lang yung sasakyan" sabi ko.

"Hindi. Hindi tayo gagamit ng sasakyan magco commute tayo. " sagot niya.

Halata sa mukha kong nagtataka ako

pero binigyan niya lang ako ng ngiting nakakaloko.

Seryoso ba siya?

Ano na naman ba ang topak niya?

"Huy! Tara na" sabi niya.

Okay. From the looks of it, mukhang seryoso nga siya.

Naglakad lang kami palabas ng subdivision. Pagdating sa isang kanto, tumigil kami. Papara na dapat ako ng taxi pero pinigilan niya ako.

"Hindi tayo sa taxi sasakay" sabi niya. "Sa jeep"

"Niloloko mo ba ako? Hindi pako nakakasay ng jeep buong buhay ko. At ayokong masira ang record ko para lang sa topak mo" pagalit na sabi ko.

"Eh bakit ka galit? " sagot niya. "Walang masama sa pagsakay sa jeep. " sagot niya.

"May kinalaman ba to sa naging usapan natin nung isang araw? " tanong ko. "Ano ba ang gusto mong mangyari? " tanong ko.

"Mas sanay ako sa jeep. Pasensiya na. Mahirap kasing makipagsabayan sa mayayaman eh. Hindi ako sanay sa aircon nahihilo ako" paliwanag niya. "I didn't know na ayaw mo pala sa jeep. Kung gusto mo, maiwan ka nalang. Besides, malaki na naman ako eh. I can manage" sabi niya tapos pumara na ng jeep.

What did I do? Did I offend her? May nasabi ba akong mali?

Umandar na yung jeep na sinasakyan niya.

"Sandali" sabi ko habang hinahabol ko ang jeep.

Sumakay ako.

"Michael? " sabi ni Angel.

"I just can't let you leave alone. I have to make sure you're safe" sabi ko.

"Sabi ko naman sayo kaya ko na eh" sabi niya.

"Nakasakay nako oh. " sabi ko raising both hands "Pagkatapos kong habol habulin itong jeep nato, nakakahiya naman ata kung bababa pako diba? " sabi ko. Nginitian niya lang ako.

"Bayad po" sabi nung katabi ko habang inaabot sakin yung bayad.

Bakit sakin?

Kinuha ni Angel yung inaabot nung babae tapos iniabot sa driver.

"Hindi sayo binabayad. pinapaabot lang sa driver" bulong sakin ni Angel.

"I see" sabi ko. "Magkano ba ang pamasahe dito? " tanong ko.

Playing the Game Called LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon